Chapter 56: Pakiusap

Start from the beginning
                                    

"Ganun po ba.."


"Oo, nasa Amerika kasi ako simula noong bata pa siya, mas pinili ko ring tumira at mag-aral dahil tahimik ang buhay roon, walang gulo hindi tulad sa Tarlac, wala akong kalayaan."


Hindi na ako umimik. Nakatingin lamang ako sa kanya.


"Saan mo ba nakilala ang kapatid ko?"


"S – sa.. Tarlac po."


"Ohh, so magkababata kayo? Ganon ba?"


"Parang ganun na nga po."


"'Wag mo na akong i-po, apat na taon lang ang tanda ko sayo. Ate Moris na lang itawag mo sa akin."


"Osige, ate.."


"'Yan, mas magandang pakinggan. Hindi yung parang manang na ako. Ah, kaya pala."


"Alam mo ba, bukangbibig ka ng kapatid ko."


"Noong pinagamot siya sa Amerika, wala siyang ibang sinasabi kung hindi para sa'yo 'to.. Monday!" tuwing tine-therapy siya at habang natutulog. Na-curious ako kung sino ba ang taong binabanggit niya at kung kaanu-ano niya. Alam mo ba sinagot niya nung tinanong ko siya kung sino ka sa buhay niya?"


"A – ano po?"


"Siya ang babaeng gusto kong pakasalan.."


"..'yan ang palagi niyang sinasagot sa akin." dugtong ni Ate Moris..


Nalungkot ako sa narinig ko. Nagsisimula nang maipon ang lungkot sa mga mata ko.


"Kaya 'yun, pinakwento ko sa kanya kung sino ka at sa tuwing nagkukwento siya, nakikita kong masaya siya. Never ko pa siyang nakitang ganun kasaya sa buong buhay niya. Ewan ko ba, ang lakas ng tama sa'yo ng kapatid ko. Kaya noong matatapos na ang gamutan niya, pinilit niya kami nina daddy na umuwi ng Pilipinas para makita kang ulit."


"Kaso pagkatapos ng lahat, nalaman kong nagkaganyan siya. Bumalik sa pagiging mahina ang katawan niya. Hindi ganyang Marion yung nakita ko nung ginagamot siya sa Amerika eh. Hindi siya ganyan kahina."


"S – sorry po.." sabay tulo ng mga luha ko..


"May matutulong ba yang paghingi mo ng sorry sa kapatid ko? Diba wala? Hindi ko nga alam kung bakit halos ibuwis ng kapatid ko ang buhay niya para lang sa'yo. Hindi ka naman bagay sa kanya pero bakit ganyan ka niya kamahal? Hindi ko maintindihan." paiyak na sagot ni Ate Moris..


"H – hindi ko po alam.. Pilit ko siyang tinataboy para hindi na siya masaktan pa pero ayaw niyang papigil." pahikbi kong sabi..

One Hundred Days (Completed)Where stories live. Discover now