Chapter 27: SHE's back

869 21 2
                                    

Chapter 27: SHE's back

Angel's POV

Miss ko na si bespren. Huhu. Kaya excited akong makita sya ngayon! Yey! Okay na kaya sya? Nakatulong kaya yung pagpunta nya sa New York? Sana naman! :)

Bukas, start na naman ng panibagong sem. Hinihintay ko si Acle sa airport ngayon, since may pasok na nga kami bukas. Nakakaexcite!

"Nasaan na kaya si bespren? Dapat nandito na sya ngayon ah?" napapasalita nalang ako bigla.

"Angel." may tumawag sa akin, dahilan para lumingon ako sa likuran. Isang magandang babae na parang..

"Yes? Do I know you?" tanong ko dun sa babae. Parang pamilyar yung mukha nya e. Baka nagkita na kami nito dati.

"Hahaha! You're Angel, right?" tapos ngumiti sya at bigla akong niyakap.

"Ahhm. Excuse me miss, pero di kita kilala eh. I'm waiting for someone, kaya baka nagkakamali lang ikaw. Hehe."

Ang weird. Niyakap daw ba ako? Adik ata tong babaeng to. Sayang, ang ganda pa naman.

"Bespren naman eh! Anu ka ba!?" sinigawan ako nung babae.

"Be-bespren? Di naman ako ang bespren mo miss! Sorry, pero di kita talaga kilala eh. Sige, mauna na ako sayo, may hinahanap pa ako. Excuse me."

"Hahaha! Adik ka talaga Angelique Trish Mendoza! Ako 'to! Di mo ako kilala, seriously?! Edi magpapakilala ako, I'm Althea Miracle Mendoza, ang pinsan at bespren mo lang naman." sabi nya ng nakangiti.

Eh?! Di kaya pinagtitripan lang ako netong babaeng to?

"Wa-wag mo nga ako pinaglololoko! Sige, bye na miss." tapos lumakad ako papalayo sa kanya. Buti naman, di nya na ako hinabol. Tss.

Bigla namang nagring yung phone ko. Tamu, si Acle yung tumatawag, it means, niloloko lang ako nung babae. Baliw ata yun.

Ako: Hello bespren! Nandito na ako sa airport, iniintay ka. Nasaan ka na ba?

Acle: Nasa likod mo.

Agad naman akong tumalikod para makita sya, kaso..

Ako: I-ikaw na ba ta-talaga yan, Acle?

Napanganga lang ako dun. Dahil hindi nga sya nagsisinungaling, yung babae kanina, si Acle nga. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Kaya pala sya pamilyar sa kin. Hahahay.

"Hahaha! Ikaw, napakaadik mo! Ilang linggo lang ako nawala, di mo na ako kilala? Huhuhu!" tapos nag acting sya na parang naiiyak.

"Hindi kasi ako makapaniwala. I mean.. waaaaaaah! Ang ganda ganda mo bespren!!!" tapos niyakap ko sya sa sobrang tuwa.

"HaHaha. Ako pa rin naman to. Baliw ka ata."

"Si Acle? Magdedress? Heels? Hikaw? Necklace? Bracelet? Kaya di ako makapaniwala!" sabi ko. Natameme talaga ako. Ang ganda ng bespren ko!

Medyo pumuti kasi sya tapos kuminis pa yung mukha nya. Straight na straight na ang wavy nyang buhok. Di na sya nakapony tail. Para syang fashionista na model! Haaaaay. Ang galing talaga ni Tita Ria! Pero ganun pa rin sya magsalita at maglakad. Haha! Siga pa rin sya! Sya nga ang bespren ko! :)

----

Acle's POV

Bago ako umalis ng New York, tuwang tuwa ang mom at kuya ko. Bakit? Dahil daw..

"OMG, ang ganda na talaga ng anak ko! Well, matagal ka na namang maganda, pero mas lalo kang gumanda! Baby, kamukha mo talaga si Mommy!" -mom ko na nakangiti.

Mr. Lady Fell in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon