Chapter 4: The Monster Beat

1.3K 34 1
                                    

Chapter 4: The Monster Beat

Acle's POV

One week. Tama. Isang buong linggo akong pinahirapan ng unggoy na 'yun! Argh!!! Konti nalang talaga, SASABOG NA AKO!!!

Ikaw ba naman ang dikitan ng bubble gum sa buhok, tapunan ng basura at lagyan ng bato sa loob ng bag, hulugan ng mineral container sa ulo, at asarin oras oras...

PARANG GUSTO KO NA YATA TALAGANG PUMATAY!!!

Pero wala eh. Kahit sobrang naiinis na talaga ako, 'di ko s'ya ginagantihan. Tumatahimik nalang ako para tigilan niya ako. Pero... BAKIT AYAW NIYA AKONG TANTANAN?!

Hindi na ako papayag na maapi 'no. This week, lalaban na ako! Curse you, MARX ABRAHAM RAMIREZ! I HATE YOU SO MUCH!

Kumain na ako ng breakfast and pumasoksa school. Habang naglalakad kami ni pinsan, tinanong nya ako...

"Couz, bakit ka pumayag na magpaapi sa Marx na 'yun ha? Naiinis na ako sa kanya ha! One time, gustung-gusto ko na talaga s'yang sapakin, tapos bigla mo akong pinigilan. Ano ka ba naman huh?! Lumaban ka bessy! Don't be a loser! 'Di na tama 'yung mga ginagawa n'ya sa'yo! I hate him!!!" nakatikom ang mga kamao ni Angel habang galit na galit.

Sermon again.

"I know, I know. At napagpasyahan ko na... LALABAN NA AKO! AT BABAWIAN KO S'YA!" sabi ko while gritting my teeth.

"Good. You need help?" sabi nya nang nakangiti.

"Thanks but... I can manage."

Humanda ka sa akin unggoy ka! Say hello to the new Acle. *evil grin*

Pagpasok ko sa room... Himala? Wala pa rin si evil alien monkey? Hah! I have a plan.

Marx's POV

Pagdating ko sa room, nandu'n na agad si Lesbi sa upuan n'ya. Aba! At nakangiti pa ang tomboy!? Let's see what you've got!

"Good morning Monmon! ^o^"

What's wrong with Lesbi? Bakit ganun s'ya makangiti? Parang... parang iba. Monmon? Hindi naman 'yun ang pangalan ko ah?!

"Anong maganda sa umaga kung ikaw ang unang makikita? Tss." 

Nakakabadtrip s'ya.

Inirapan ko s'ya tapos umupo na 'ko. Ayoko munang mag-isip. Nakaka-stress!

"Monmon? Why are you calling me like that huh, Lesbi panget?" 

"Ahh... that's a short term for MONKEY MONSTER." 

Ano raw? Ako? Monkey?! Sa g'wapo kong 'to? The hell!

"Talk to the hand!" kasisimula palang ng araw, nabi-b'wisit na ako.

Dumagdag pa 'tong panget na tomboy na 'to sa mga problema ko. Syete oh! Tumawag kasi kanina si Dad para lang sabihing magsisimula na ang training ko. Tss.

Training para sa pagha=handle ng kumpanya namin. Eh ang bata ko pa kaya! At tsaka nag-aaral ako!

Alam ko kasing mai-stress lang ako run sa kumpanyang 'yun eh! 'Yung iba kasing tauhan dun, nakakatanga! 'Yung iba naman, natural na tanga. Tsk!

Pero in fairness ha, may silbi rin naman pala ang mga tanga sa mundo. 

Kasi, kung wala naman 'yung mga tangang 'yun, 'di naman magiging successful ang company namin. May mga utak naman sila kahit tatanga-tanga sila! Hahaha! Akalain mo 'yun? Kung sino pa 'yung mga panget, sila pa pala 'yung magagaling! Hahaha!

Pero 'di ko sinabing hindi ako magaling 'no!

Kahit gwapo ako, matalino rin ako!

Acle's POV

Mr. Lady Fell in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon