With the LT Prime Holdings' new business, nagpatayo si Dad ng ten story building para sa company hindi tulad noon na nag rerent ng five floors for the whole company and I must say that our company grew for four years with thousands of employees and a huge factory in Bulacan.

The lobby of the building makes me feel like I am entering a luxurious hotel, malaking bintana at high ceiling. There's also a large couch where visitors can wait. Nakangiti at binabati ako ng bawat isang empleyadong nadadaanan ko, ngumingiti ako pabalik pero hindi parin komportable sa lahat ng atensyon. They seem to know me very well.

May bumati sa aking manager ng isang department na matagal na sa amin. Malaki ang ngiti ko at kinamusta siya, naging masaya ako na may nanatili parin dito kahit ilang taon na ang lumipas. Nakita ko si ate na palabas ng elevator, nilagay niya ang phone sa tenga at biglang tumunog ang phone ko sa tawag niya. Nagpaaalam na ako kay Ma'am Sharie para puntahan si ate.

Hindi ko sinagot ang tawag niya at mabilis na lumapit sakaniya, pinatay niya ang tawag.

"You should at least call me when you're near, sinalubong ka sana namin."

"No need ate, masyado niyo namang binibig deal!" Tumawa ako. Hinawakan niya ang likod ko nang pumasok kami ng lift. Pinindot niya ang tenth floor, I think that's where our parents' office are

"They are currently in a meeting kaya doon muna tayo ngayon," bigla akong kinabahan sa sinabi niya, too much for a freshgrad's first day at work

"Don't worry, you'll just observe the meeting but you can tell me your opinion about it." Ngiti niya at hinawi ang buhok

Binati kami ng dalawang sekretaryang una kong nakita pagkalabas ng lift. The top floor was occupied by two office and one large conference room at doon kami patungo.

"Meeting about what?" Tanong ko habang sumusunod sakaniya

"The upcoming condominium in BGC." Simpleng sagot niya at pumasok na sa loob. There's a long table at napapalibutan iyon ng upuan, may nag-iisang upuan sa dulo at iyon ay para sa CEO.

If this is for the future project, then this meeting is for the investors, architects, engineers and suppliers? Inangat ko at tingin ko sa mga taong nasa loob. Tumayo si daddy na nasa gitna at pinakilala ako, tumayo silang lahat.

"Good morning, nice to meet you all po." Ngumiti ako at nakipagkamay sa mga taong malapit sa upuan ko at ang iba naman ay nginitian ko. I saw Tito Zander, Tito Ivan, Tito Royce and Tito Kevin, they are so good looking for their age. They continued their talk while I continue scanning the room.

The room is so modern and clean, kita ang buong city dahil sa laki ng bintana, there's a plant in every corner of the room and a huge screen where someone is presenting the newest project.

Halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang makita si Johansson na nakatitig sa akin, he's a bit far from me kaya hindi ko agad siya napansin. He's playing the pen using his fingers at nakatitig sa akin. Nag-iwas ako ng tingin, naalala ang nangyari kagabi.

May itinanong ang matandang chinese kaya doon napunta ang atensyon ko at tuwing may sasagot o magsasalita ay hindi ko maiwasang hindi tignan si Johansson. And I hate the way he smirk every time he catch me looking at him!

Makangisi ka diyan, hindi ka man lang nahihiya sa titig mo!

"What can you say, Zeeyan?" Napatalon ako sa binanggit na pangalan ni dad

Miss Always Rank #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon