Lumayo siya ng konti sa akin, tinitigan ako sa mata habang hinahaplos parin ng daliri niya ang aking labi. His eyes went down to my lips and slowly leaned on me, I closed my eyes and waited for his lips when I hear the door opened and the loud gasps of my friends.

Sa sobrang gulat ko at naitulak ko si Johansson pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking bewang kaya parang walang nangyari.

"What is the meaning of this?" madramang panimula ni Nick habang pagkabukas ng pintuan

Umungol si Maxxine dahil sa ingay at binuksan ang mata, akala ko ay gising na siya pero pumikit ulit at bumalik sa pagkakatulog

"Who will drive you home?" tanong niya, hindi naapektuhan sa presensya ng mga kaibigan ko. Si Maxxine dapat pero mukhang hindi na makakabangon sa sobrang kalasingan. Nilingon ko ang mga kaibigan para humingi ng tulong pero mabilis silang nag-iiwas ng tingin sa akin na para bang ayaw akong tulungan dito.

"I will drive you home then." deklara niya nang hindi ako nakasagot, umiling ako. Kaya ko namang mag drive pero mas convenient kasama ko pa si Maxxine

"Sige na, Tiara. Para may katulong ka sa pagbubuhat kay Maxxine." sabi ni Nick habang nakatitig kay Johansson

Hindi niya ba ako pwedeng samahan? Kapag ganito naman noon ay sila ang tutulong sa akin sa pagbubuhat kay Maxxine

Nakangisi ang mga kaibigan ko at pinipilit ako sa kagustuhan ni Johansson.

Pinaglalandakan na ako ng mga kaibigan ko kay Johansson kaya sa huli ay sumunod ako

"Ayos 'yan para makapag-ayos na kayo." Makabuluhang bulong ni Karlie sa akin, tinalikuran ko si Johansson para maharap sila. I glared at them and twiched and I can't believe they just laughed at me!

I looked at my watch, it's one in the morning and I'm sure everyone in the house is sleeping. Tumango na lang ako at baka may masabi pa sila na hindi ko magugustuhan. They are all tipsy kaya wala ng filter ang mga bibig nila.

All of my friends are exhausted pero ayaw pa nilang umuwi, si Bianca at si Arsen ang tumulong sa amin palabas. Nasa gilid ko si Johansson, tahimik at diretso lang ang tingin, hindi nakikita o pinapapansin ang mga taong napapatingin sa kanya. Umirap ako, until now he's still a snob.

He said something to the bouncer kaya napatigil kami sa paglalakad, nakita ko papalapit si Theo, Marco at James papalapit sa amin.

"Oh, napano?" tanong ni Theo at tinuro si Maxxine na inaalalayan namin ni Bianca.

"She passed out, dude." si Arsen

"Uuwi kana?" hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala si Marco, tumango ako sakanya at gugustuhin ko mang lumayo at hindi ko magawa dahil kay Maxxine

"I'll drive you home, pauwi na rin naman ako." he even showed me his car keys

"Uhm..." tatanggi na sana ako pero biglang may nagsalita sa gilid namin

"Let's go, my car is already outside." malamig na pagkakasabi ni Johansson at medyo tumagal ang titig sa lalaking nasa tabi ko

"We'll go now." sabi ko sakanila. May lumapit na lalaking may malaking pangangatawan at naka-black na polo, siguro ay bouncer o bodyguard ni Johansson. Walang kahirap-hirap na ibinuhat niya si Maxxine.

"Zeeyan, ingatan mo pauwi si Tiara." nakangising sabi ni Bianca at nagawa pang magtaas ng kilay sa akin

"Of course." sinakyan naman ne'tong si Johansson. Umirap ako at tinalikuran na sila.

Naglalakad na ako palayo sakanila ng hawakan ni Johansson ang kamay ko

"Pikon." he chuckled at inirapan ko na lang siya. Napunta ang atensyon ko ay nasa aming kamay na magkahawak, my hand feel so small compair to his. Nag-iwas ako ng tingin sa aming kamay at nakita ko kung paano kami sinundan ng tingin ng mga taong nandoon.

Miss Always Rank #2Where stories live. Discover now