13 Too Soon

1.5K 77 11
                                    

2 Years Ago
New York

"Hun, what's wrong?" Dali daling pumunta si Jake sa aking tabi ng makita niyang tumigil na lang ako bugla sa pag galaw at humawak ng mahigpit sa isa sa mga dressers namin.

"I don't know. Masakit yung tiyan ko." Ang sagot ko sa kanya. "I think I'm having contractions."

Kitang kita ko ang pamumutla ni Jake dahil alam ko na apam niyang masyado pang maaga. Hindi pa ako due for another month. At mas lalong hindi niya alam na yung mas batang kakambal ay mas matagal pa ang due.

"Come on. Dadalhin na kita sa ospital." Agad agad niya akong binuhat at dinala sa sasakyan. Nagulat na lamang ako na nasa ospital na kami agad, wala pang sampung minuto.

"Doc, my wife, she's having contractions."

Dinala agad ako sa isang isolated room sa emergency at pinuntahan ng aking OB.

"Mr. Ejercito, I need you to step out, please. She's in premature labor and I need the least amount of people in the room. The less stimulation, the better I can delay this labor." Ang sabi ng aking OB. Ngunit alam ko na hindi lang iyon ang nais niya. Ako na mismo ang nagsabi na kabag kasama ang aking asawa na si Jake, kailangan ay hindi nito malaman na magkaiba ang edad ng kambal.

Pagka-alis na pagka-alis ni Jake ay agad akong nilapitan ni doc. "I will try everything in my power to stop this labor because both are experiencing premature contactions."

"Doctor, what will happen?"

"If they both decide to come out soon, I can't promise you that both of them will survive. Your baby boy will have a higher chance of surviving because he's older. He's a lot older."

Hindi ko alam ang iisipin ko ng mga panahong iyon. Napahawak ako sa aking tiyan at binulungan ang dalawang anak ko na wag na muna silang lumabas.

Doon na nagsimula ang doctor na magbigay ng kung ano anong gamot sa akin at inilagay ako sa iba ibang posisyon. Dahan dahan namang nabawasan ang contractions ng tiyan ko at kinalaunan din ng araw na yun ay nawala sila.

Ngunit hindi iyon nagtagal. Madaling araw ng maramdaman ko ulit ang sakit na naramdaman ko nung umaga.

"Maine, we have to deliver. There's nothing we can do now. I will perform a C-section and we'll do everything we can so that your babies survive." Ang sabi ni doc. Dali dali akong inayos para dalhin sa OR.

"Hun, everything will be okay." Ang mahinhing bulong ni Jake ngunit kita ko sa mata niya ang nerbyos. Alam niyang masyado pang maaga para ipanganak ang kambal.

----

"Mr. And Mrs. Ejercito. Your son will be okay. He's in the NICU and we're keeping a close eye on him. He's doing okay."

Alam ko na ang kasunod. Maaaring ang baby girl namin ay…

"And your daughter is in critical condition. We're doing everything in our power to save her. I'll have to get back there, I jist gave you an update."

Pag-alis ng doctor, napatingin ako kay Jake. Hindi ko alam ang sasabihin ko pero nagdesisyon akong sabihin sa kanya ang totoo.

"Hun, I need to tell you something."

"I know hun. I saw the scans, and results of your ultrasounds. Alam ko na mas bata ng ilang buwan ang anak nating babae. Alam ko na dalawa ang uterus mo. Kaya naiintindihan ko. You kept it as a surprise. I'm still hoping that she gets better."

Alam niya pala ang lahat. Ang nagawa ko na lang ay hawakan ang kanyang mga kamay. Tumabi naman siya sa aking pagkakahiga sa hospital bed at inakap ako ng mahigpit.

We're gonna get through this.

Unsteady (COMPLETED | An #imaginepamore MAICHARD fanfic spin-off)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon