04 You Broke Up With Me

1.9K 134 14
                                    

Present Time
Beverly Hills

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na tunog sa aking kwarto. Pagdilat ko, isang nag-ri-ring at nag-va-vibrate ang telepono ko sa bedside table.

"Fuck. It's 2 am. Sino naman tatawag ng ganitong oras?"

Kinuha ko ang telepono, sasagutin na sana pero naramdaman kong hindi iyon ang telepono ko. Pagbasa ko sa pangalan ng tumatawag, nagulat ako. Jake Ejercito ang nakalagay.

Biglang bumalik lahat ng nangyari kahapon.

Hinalikan ko si Maine. She kissed me back. Dinala ko siya sa kwarto ko at tulad ng dati, ibinuhos ko ang sarili ko at pagmamahal sa kanya.

"Fuck!"

I messed up. I messed up so bad. Ako ngayon ang slutty ex-boyfriend na hindi maka-move on sa kanyang ex. Ang slutty ex-boyfriend na hindi mapigilan ang sarili at nilandi ulit ang dating babae sa buhay niya na ngayo'y may kinakasama na.

"Fuck! Fuck!"

Napabangon ako agad agad at doon ko napansin na mahimbing pang natutulog si Maine sa aking tabi. Ang ganda niya. Ang ganda ganda niya. At mahal na mahal ko pa din siya.

Pero sinaktan niya ako. Iniwan niya ako. Tapos ngayon, kung kailan ikakasal na siya, tsaka siya nagparamdam. Tsaka siya nagsabi na hindi niya mahal si Jake.

Paulit ulit na nagring ang kanyang telepono ngunit hindi nagising si Maine. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko napigilang sagutin ang telepono.

"For crying out loud. It's 2 fucking am. Stop calling!"

Pineke ko. Pinagmukha kong nagising ako sa tawag na yun. At doon ko naisip na dahil sa ginawa ko, malalaman ko kung sini ang kanyang pipiliin. Malamang lamang sa piliin niya si Jake. Siya nga ang sumalo sa kanya diba?

"Hun, ano yun?"

Hindi niya ako tinawag na hun o honey kailanman. Akala niya yata kasama pa rin niya si Jake.

"Maine."

Napabangon siya bigla, hawak ang kumot na nakabalot sa kanya.

"Shit! RJ?"

"Nag-ring ang phone mo. Akala ko telepono ko. Nasagot ko."

Nanlaki ang mga mata niya at dali dali siyang nagbihis. Bakas sa mukha niya na nagkamali nanaman siya. Nakita ko na iyun. Yun ang mukha na feeling niya nagkamali siya sa akin kaya niya ako hiniwalayan. Slutty ex-boyfriend nga diba?

"Shit! Shit! You could have just…"

"Ano? Hayaan ko? Akala ko nga telepono ko."

"Bakit pa kasi ako sumama sa'yo?"

"You could have pushed me away, Maine. Parang nung ginawa mo dati. And yet here you are."

Tinignan niya lang ako, halata sa mata niya na hindi niya alam ang gagawin niya. Inabot niya ang telepono na hawak ko at tumawag agad sa kanyang fiance.

"Hello...No…No…I can explain...Shit!"

Binabaan siya ng telepono. Classic. Parang yung ginawa niya rin sa akin.

"Maine."

"Ano, RJ?"

"This was a one time thing."

"Pero…"

"You broke up with me. You left me. You destroyed me, Maine. Ngayon na I'm back on my feet, I can't let you do that again."

Tinignan ko siya at tsaka inakap ng mahigpit tsaka, hinalikan sa noo. Tulad lang ng dati.

"This was a one time thing. I promise, I won't let it happen again."

Lumayo ako sa kanya. Halata sa kanyang mga mata na nasaktan siya. Nasaktan rin naman ako, but I'm not that guy. I'm not going to be that dirty, slutty, ex-boyfriend na aagawin ang fiance ng iba. Hindi ako yun. And besides, it has been five years. I just needed this.

"You should go. Return to Jake. Tell him nakatulog ka sa lounge nung bar sa kabilang kanto. I'll have the bartender vouch for you."

At lumakad na siya palayo. This time, I'm willing to let her go.

Unsteady (COMPLETED | An #imaginepamore MAICHARD fanfic spin-off)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon