"April naman. Wag ka nang dumagdag." Sabi niya sakin.

"Wow! Ako pa yung dumagdag? Sino kaya satin yung nagsungit at nagcut ng class?" Taas kilay kong tanong sa kanya.

"April please. Wag ka nang magpakipot." Nakasimangot niyang sabi sakin kaya nasampal ko siya.

Dun sa sampal ko sa kanya parang natauhan siya.

"Hey, I'm sorry." Sabi niya habang lumalapit sakin.

"Get away from me. I hate you." Sabi ko sa kanya at pumasok na kay Audi at pinaharurot ito palabas ng DVU.

Damn you Edward Rivera! Hindi ako nagpapakipot!

Nakarating na ako ng bahay at dumiretso ako sa kwarto ko kahit na nasa baba sila Kris.

Naglinis ako ng katawan ko at nagpalit ng damit. Humiga ako sa kama ko then I checked my phone.

Isa't kalahating oras ako sa cr pero wala man lang siyang text? Tsk. Okay. Sige. Patigasan pala eh.

Tinanggal ko yung simcard ko sa phone ko at natulog na muna.

*************

Ilang araw na ang nakalipas at hindi pa din kami nag uusap ni Edward. Oo siguro kung may ginawa akong katangahan pwede pa. Ako ang mag so-sorry. Kaso, as long as I can remember wala naman akong ginawang masama. Infact siya pa yung may ginawa diba? So dapat siya ang mag sorry. Tss.

Nung isang araw nga nag katabi kami sa upuan, tinignan ko siya ng matagal tapos nag iwas naman siya ng tingin. Tsk! Bahala talaga siya sa buhay niya.

Zack's POV

Gulat kayo no? Kami din eh. Di namin alam kung bakit bigla na lang nanglamig si Edward kay April. Actually, hindi lang kay April. Sa aming lahat. Tapos lagi siyang naka simangot. Bumabalik na din yung bisyo niya. Ngayon ko lang ulit siya nakitang ganito. Tumigil na siya sa bisyo niya simula nung nalaman na namin kung sino si April sa gang, pero ngayon bumabalik na naman siya.

"Edward, uyy. Bakit ka ba ganyan? Ano ba nangyari sa inyo ni April?" Tanong sa kanya ni Kysler. Kaso tinignan niya lang ng masama si Kysler tapos umalis. Hindi ko na talaga alam kung anong nang yayari sa kanya.

"Pre, ano ba nangyari dun?" Tanong sakin ni Kysler.

"Hindi ko nga din alam eh. Pati si Aira nagagalit sakin kasi pinagtatakpan ko daw yung mokong." Sabi ko sa kanya.

"Ay bessy ako din. Nagalit sakin yung baby ko. Kasi bumalik na naman daw yung cold na April simula nung nag-away sila ni Edward. Pinasunog na nga niya yung boxer ko na may mukha niya eh!" Sabi ni Kysler at nagpout.

"Bakla." Sabi ko at tumayo na.

"Uso pala mag walk out di niyo sinabi kaagad para naunahan kita. Tsk." Sabi niya at inunahan ako sa paglabas sa cafeteria. May saltik ba yun? Hahahaha.

Nandito na ako ngayon sa rooftop at may nakita akong isang babaeng mayroong black hair na mahaba at kulot sa baba. Parang kilala ko 'to ah?

Tapos nakita ko siyang may tinitignan, sinubukan kong tignan yung tinitignan niya tapos nakita ko si Edward na nakikipag bugbugan. Sht! Bumabalik na talaga ang dating Edward.

"Hey." Bati ko dun sa babae.

"Oh" Siguro naman kilala niyo na kung sino yung pinakacold na tao dito no?

"Kamusta?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam. Zack, ano ba nagawa ko kay Edward? May nasabi ba ako? Ano ba ginawa ko?" Malumanay na tanong sakin ni April. Halata sa boses niya na nasasaktan siya. Kahit pala ganyan siya nasasaktan din siya?

The Gangster's Princess (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن