CHAPTER 3 ~ Freezale's Rules ~

Start from the beginning
                                    

Umangat ang gilid ng labi ko. Ginulo ko ang buhok niya.

Bakit ba ang cute ng kapatid ko samantalang kapag tumitingin ako sa salamin hindi naman ako na cu-cute-an sa sarili ko?

"Mabilis lang ang three months, Snow."

"Matagal yon! Wala ng magtatanggol sa akin. Si Phoenix na lang. Pipilitin nila akong magtrabaho, ikaw hindi mo ako pinipilit! Tapos lagi mo akong binibigyan ng manggo saka matatamis na pagkain, sila pinagbabawalan ako. I hate them!"

Napangiwi ako. Parang ang lumalabas, kunsintidor ako. Wala akong ipinagkaiba kay Phoenix. Pareho kaming surrender pagdating kay Snow.

"Kailangan mo ng matuto. Malaki ka na."

Ngumuso siya at hindi na ako sinagot. Sa halip ay hinila niya ang bagahe ko at binuksan. Hinubad niya ang backpack niya at sa panggigilalas ko ay pinaglalagyan niya ng mangga ang bagahe ko.

"Snow!"

Mabilis na kinuha ko iyon at ibinalik sa bag niya. "Mangangamoy ang mga damit ko."

"Mabango naman ang mangga ah!"

"Ayokong mag amoy mangga."

Ngumuso na naman siya. May inilabas na naman siya sa bag niya. Dried manggos saka manggo candies. Hinayaan ko na lang siya at pinagmasdan habang pinupuno niya ang suitcase ko ng mga iyon.

Nang pakiramdam ko ay bigla na lang magkakaroon ng himala at puno naman ng mangga ang ilalabas niya sa bag niya ay pinigilan ko na siya. Isinarado ko na ang suitcase ko at tumayo ako.

"Kailangan ko ng umalis-"

Napapikit ako ng mariin ng ngumawa na naman siya. Lumapit sa amin si Phoenix at inihiwalay siya sa akin.

"I'll be back. Mabilis lang ang two weeks. After the two weeks road tour pwede na akong magpabalik-balik dito sa BHO CAMP. Pwede ka ding umattend sa mga concert nila since iyon din naman ang gagawin ng ibang agents."

Ginuli ko muli ang buhok niya at hinila ko na ang suitcase ko palabas. Salit na nagtama ang mga mata namin ni Phoenix.

"Take care of her." I murmured.

"Always."

Always? I wonder how long that word will last?



NAPATIGIL ako sa tapat ng isang malaking tour bus. Parang familiar ito sa akin. Hindi ko lang matandaan kung saan ko nakita ang design na ito. Kumatok ako sa pintuan at tahimik na nag-hintay ako pero walang nagbukas ng pintuan kaya kumatok ako ulit. Nang wala paring sumagot ay pinaulit-ulit ko ang ginagawa ko na parang ginigiba ko na ang pintuan.

"Damn! Our door is not a drum-"

Napatigil si King na siyang nagbukas ng pintuan ng makita ako pagkaraan ng ilang sandali lang ay ngumisi siya at tuluyang binuksan ang pintuan. Akmang bubuhatin ko ang suitcase ko pero nauna na siyang kunin iyon at ipinasok sa loob. May natitira naman palang kanormalan sa pagkatao ng abnormal na ito.

Nang makapasok ako ay natigilan ako sa nakita at muntik na akong mapalabas ulit ng makita ko ang mga tao sa loob. May mga babae. Si kuya Thunder ay may kandong-kandong na babae na humahagikhik. Si Archer naman ay tahimik lang sa isang tabi ngunit may katabi din na babae na kulang na lang ay pumulupot sa kaniya. Wala si Rushmore at si Comet na malamang sa hindi ay tinali na ng asawa niya.

May dalawa namang babae na nakatingin kay King at halatang hinihintay ang lalaki na naistorbo marahil dahil sa pambubulagbog ko. Dalawa. Manyak talaga.

BHO CAMP #2: The Rockstar's Personal AssistantWhere stories live. Discover now