"Oh, ano sa inyo? Pili lang kayo." Bungad sa amin ng nagtitindang matanda.

"Magkano po?" Tanong ni Dannie sa matanda na walang tigil sa pagngiti.

"Bente lang ang isang tuhog ng fishball at tempura para sa'yo, hija." Nakangiti pa ring sagot ng matanda sa kanya. "Hijo, ano ba gusto ng kasintahan mo?" Baling na tingin naman sa akin ng matanda.

"Ako po." Sabi ko sa matanda. Mas lalong napangiti naman ito bago muling nagsalita.

"Sagot ba 'yon o tanong?" Patawang sabi niya. Tumawa rin ako kasi akala ko hindi niya makukuha ang punto ko.

"Sagot ko po." Sabi kong muli bago nag-order. "Dalawang tempura po sa amin."

"Sandali lang may tumatawag." Nagpaalam si Dannie at sinagot ang tawag.

"Alam mo hijo, naalala ko sa'yo ang asawa ko. Mahilig rin 'yon magbiro. At nakikita ko kung paano mo siya tingnan. Ganyan na ganyan ang tingin ng asawa ko. Tingin na mula sa puso. Ingatan mo siya. Alam kong siya magpapasaya sa'yo." Ang huling sabi niya bago ko narinig ang tawag mula sa cellphone ko. Agad ko ring sinagot ang tawag.

"Marry me. If you care for the girl you are with."

Halos di ako makasagot sa narinig. Hindi nakarehistro ang numero ng tumawag pero alam ko kung sino siya. Nagkausap na kami dati. At sigurado akong boses niya ito.

"What are you saying? If you're just playing---"

Isang malakas na tunog ang nagpalingon sa akin. At mas lalo akong natigilan nang makita ang nagkalat na bulaklak ng sampaguita sa kalsada.

At sa di kalayuan ay ang katawan ni Dannie na duguan at nakahandusay. Dali-dali akong tumakbo palapit at hinawakan siya sa kamay.

"Anong nangyari?!" Sino nakabangga sa kanya?" Pasigaw akong lumingon at ang matanda kanina ay umiling lang at lumapit na rin.

"Hindi ko rin nakita. Pero mas mabuting madala muna siya sa ospital."

Hindi mapakaling tinawagan ko sina Mike. Pinaalam ko ang nangyari.

Mabilis naman silang nakarating sa lugar. Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Dannie at patuloy sa paghimas nito. Hindi ko magawang galawin ang katawan niya kasi baka mas lalo pang lumala ang lagay niya.

"Dryle andito na ang ambulansya."

Narinig ko ang pagdating ng ambulansiya pero hindi ko pa rin magawang bitawan ang kamay niya.

"Sir, kailangan nang isakay siya sa ambulansiya." Nilapitan ako ng isang lalaki at sumunod ang ibang mga lalaki na maingat na nililipat ang katawan ni Dannie sa stretcher para madala sa ospital.

"Ako may kasalan nito! Dahil sa akin nangyari ito sa kanya." Mahigpit akong napahawak sa aking ulo.

Ngayon mas lalo kong naiintindihan ang nangyari. Ako ang dapat sisihin.

Hindi ko siya nagawang protektahan! Wala akong silbi!

"Sac, keep calm. I know how you were shocked by the accident. This is not your fault. I will go with them. You should calm your self first." Tinapik ako sa balikat ni Mike bago siya umalis.

I won't forgive myself if something bad will happen to her.

"U-uminom ka muna ng tubig." Isang kamay ang umabot ng tubig sa akin bago ko nakita si Patty na halos umiiyak na.

"Wag kang mag-alala Dryle. Malakas na babae si Ms. Tutor. She will live. Saka tumawag na sina Zooey sa pulis para mapaimbestigahan ang nangyari."

"Bakit pa kailangang manyari ito?" Maiyak-iyak na sabi ni Patty.

"Sumunod na tayo sa ospital. Ang sasakyan ni Mike ang gamitin natin." Aya ni Tristan.

"Mauna na kayo. May gagawin pa ako. Tatawag na lang ako sa inyo."

"Saan ka naman pupunta?"

Aalamin ko kung may kinalaman ang tawag sa akin kanina sa nangyari. Hindi ko alam kung ano ang dahilan pero may kutub ako.

This day will not end without me knowing the truth.

A/N: Who want to read the next chapter? If yes, you need to do the following steps.

Step1: Add the story to your library.

Step2: You must do the first step.

Step3: Wait for the notification for my update.

Nagawa nyo na lahat? Then you are now very ready to read the next chapter.

Sana ginawa nyo ang steps. Para hindi ninyo ako makalimutan. Haha I'll be back with more exciting updates so please wait for me. Thank you so much for reading the story. Hindi pa tapos ang kwento kaya abangan ninyo ang susunod.

Hanggang sa muli! Lovelots!

No Ordinary Playboy (PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS - The 2018 Wattys Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon