Alyah's Point of View
"Alyah. Sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin". Sabi nito na may tonong kalmado ang boses. Nasa may lobby kami ng school at lahat na ng estudyante ay nagsiuwian na. Kami na lang dalawa ang natitira.
Sasabihin ko na kaya? Kaya ko bang sabihin na ' Kryp gusto kita dati pa'? Huwaaa.
"Uy. Aly". Napailing na lang ako na sasabihin ko yun. Malayo pa ang Valentine's Day!
Sabihin mo na! Baka ka pa maunahan ng iba!
Singit ng isang boses sa kabilang parte ng utak ko.
Kaya ko na kaya?. Alam ko namang siya ang pinakagwapo sa school at crush na crush ko siya. Childhood Bestfriends kami. Tapos kapitbahay ko lang. Is it time na sabihin ko na sa kanya ang mahahalagang salita na.......
"Kryp gusto kita dati pa". WAAAIIITTTT!!!!!.
Sinabi ko?! Huwat? Nakaya kong sabihin. Ano ba yan? Sayang ang hinhintay kong Valentine's Day!. Ugh! You ruined your life Alyah!
"Aly?". Ulit nito.
"Kryp gusto kita dati pa". INULIT KO PA?! PALPAK NA BIBIG 'TO! NABUBUKING AKO!
Napatingin naman ito sa akin na gulat na gulat. Namula naman bigla ang dalwang pisngi niya.
Nagb-blush ba siya?!.
"Joke lang!, mali ang nasabi ko! Sa Special Someone ko yan!". Pagbibiro ko. Pero Kryp sa'yo dapat yan! Hindi lang ako handa na masaktan kasi baka umasa lang ako na magugustuhan mo ako.
"S-special someone? Sino siya?". Tanong nito. And now tinatanong naman ako sa kasinungalingan ko.
"Bakit ko naman sasabihin sa'yo?". Sabi ko at napangiti ng peke.
Push mo lang yan! Makakalusot ka rin sa sinabi mo Alyah!
"Ay. Oo nga pala. Pwede bang tulungan mo akong magconfess sa kaniya?. Practice lang! Please??". Dagdag ko.
"Tutulungan kita? Magconfess sa Special Someone mo?". Tumango naman ako at nagpuppy eyes para pumayag siya. Ito lang ang chance kong magkalapit lang kami.
"Libre mo muna ako ng Lomi! Pagnilibre mo ako saka kita tutulungan magpractice". Yes! Pumayag din.
"Promise yan ha? Pagnilibre kita tutulungan mo ako". Tumango ito. Inilabas ko ang pinky finger para makipagpinky promises sa kanya. Buti at mabait ito ngayon dahil ipinulupot rin ni Kryp ang pinkyfinger niya sa akin. So deal!.
"Tara na. Lumabas na tayo. Gumagabi na tsaka nagugutom na ako di ba ililibre mo pa ako?". Saka ako nito hinatak papalabas ng school. Oo nga pala yung lomi na ililibre ko sa kanya.-____-
Nakaligtas ako! Whoo! Pero crush kita Kryp! Namumula na nga ako eh!. Kenekeleg ne eke.
~O~
"Mama alis na po ako!" Sigaw ko pagkalabas na pagkalabas ko sa gate namin. Inayos ko muna ang suot kong uniform.
"Aly! Good morning!". Dalawang boses ang sumigaw mula sa likod. Napatingin ako sa likod. Mga besprends ko!!. (Aly ang tawag nila sa'kin or nickname ko)
"Good morning Sav! Good morning Vannah!!". Sigaw kong pabalik sa kanila. Nagtakbuhan sila papunta sa direksyon ko. Nung nakadating na silang dalawa ay binigyan ko sila ng isang malaking group hug.
YOU ARE READING
Di Ko Lang Masabi (Short Story)
Short StoryDi ko lang masabi na mahal kita. Dati Pa.
