.......

396 5 0
                                    

Akala ko di na ako makakatulog kagabi.... pero nakatulog ako syempre.. hahahaha. kahit takot ako.. pinilit kong hindi isipin yun kasi nga baka mapanaginipan ko....

SUCCES! hindi ko yun napanaginipan, kaya medyo okay na...

baka makita ko si KRAS! ayyiieee.. haliparot mode muna.. saka na yang takot...

kapitbahay lang yun ni Lolo eh.. 

paglabas ko... ayyyyy! kamown. andun si.. si....si...

pucha! ano ngang pangalan nun? Alex? Goerge? Mani?

ano nga ba?

mapuntahan nga...

"uuhmmm.. hi!" 

nasa  may puno sya ng Mangga, nakaupo sa ugat nung puno tapos may dinodrawing.

tumingi sya sakin. ngumiti.

"Leana!" ayayay.. kilala nya pa ako... pero ako... hindi. TSK!

umupo ako sa Tabi nya.

"Kamusta na Alex?" tumawa sya.

"sino yun?"

"ikaw?"

"HAHAHAHA.. Ian pangalan ko.. "

"ay... sorry. mahina kasi ako sa pangalan.."

"kumusta na ka nga pala IAN?" pinagdiinan ko talaga yung IAN.

"HAHAHAH. okay naman.. bakit ngayon ka lang ulit napasyal dito?"

"ngayon lang kami ulit nagbakasyon dito eh.."

"ahhh.. ilang araw kayo dito?"

"2 months.. summer vacation"

tumango sya.

"ano yang dinodrawing mo?" sinilip ko yung sketch board nya.

"ahh.. eto ba.." pinakita nya sakin.. napalunok ako. ayaw ko na nang tumalon sa topic na yan eh..

"ba-bakit yan.."

"ha? kasi masaya dito dati... kung hindi lang.. nya sinunog yun.."

bakit sa dinamin-dami ng pwedeng idrawing yung perya pa? pero okay lang, colorful naman yung pagdodrawing nya eh..

"sino?"

"di ko alam, basta ang alam ko, sinunog yun.. sinadya."

"gustong- gusto mu talaga dun noh?"

"oo, kasi dun masaya, maraming tawanan, lahat masya.."

'ano ba ang nangyari?"

"basta masaya ang lahat nun, tapos bigla na lang may apoy... nakasarado ang gate ng peryahan, kaya maraming natrap sa loob"

(A/N: yung peryahan parang EK type.. may gate.hihihi)

"tapos, biglang sumabog yung mga wirings ng kuryente...kasama sa namatay ang tiyo ko"

"Ha?" nabigla naman ako dun..

"gusto mo? puntahan naten? buo pa yung bahay ng Salamin!" hala... takot ako dun dibuh? sasama ba ako...

"ahhmm... hindi ka ba natatakot dun?"

"hindi.."

sya nang matapang, ayan nagsisimula na namang magpawis nung kamay ko... bumibilis na rin yung tibok ng puso ko...

"takot ka ba?" tanong nya sakin.

"ah-- ahh hindi ah!" sabay tayo ko..

"tara!" taena yan.. nagyaya na! ano? sige.. game!

"Tara" woooh! pinagpapawisan na ata ako ng malagkit.

napadaan kami sa bahay.

"ate, san ka pupunta, sama?" si Meeka, tumatakbo papunta sakin.

"tara!" sabay higit ko sa kanya.

"Hi Meeka!" bati ni Ian.

"Hi Ian! Long Time, No see ah! san tayo pupunta?" 

"sa Lumang peryahan."

tumigil si Meeka. 

"kayo na lang" pinipilit nyang tanggaling yung pagkakahawak ko sa kanya.

"sasama ka !" hinigpitan ko pa yung hawak ko sa kanya.

"wag kanyong matakot.. umaga pa lang naman.."

sa sinabing yon ni Ian, medyo nahsettle down yung mga tensyonado kong muscles, ganun din si Meeka.

....

eto na. nasa harap na kami ng Lumang Peryahan..

si Meeka.. todo na ang kapit sakin, pinagpapawisan na ang kamay ko.. feel ko na rin... may hika na ako.. si Ian, ayun, binuksan yung gate.

*EEEEEEKKKK*

goosebumps! wooo! tunog pa lang  ng gate.. horror na.. yoko na! MAMA!!

"Tara!" 

basta talaga lalaki, hindi natatakot. 

"ate.."

"ano?"

"natatakot ako..."

"ssshh.. andito lang ako..." sabi ko sa kanya para di naman sya matakot.. kasi ako, takot na takot na.

"tara! dito tayo!"

"HA--HA?" sa loob ng Tent na gumalaw? nak ng....

"Dun muna tayo oh!" turo ko sa may carousel.

"mamaya na... alam mo bang masya dito.." pumasok sya sa loob! 

"Ate.. ayoko jan..." pinigilan nya ako, kasi papasok na ako..

"sshhh.. wag kang matakot, nandito lang si ate, okay.. sya lang ang kasama naten' tara na" tumango sya.

binuksan ko yung tent.

Salamin. Puro salamin.

"Ian?"

pumasok na kami ng tuluyan...

"Ian?'

nasaan na yun?

biglang humangin.

O.O

napahinto kami sa paglalakad.

"Ate, bakit humangin?"

"Di ko alam.."

tumingin ako sa paligid... puro salamin.. walang butas sa paligid... pano hahangin ng ganun kalakas? na pati yung buhok ko magugulo..

"Ian...asan ka!" sigaw ko..

nanginginig na yung tuhod ko...

"Ian..." si Meeka naiiyak na.

Ang Lumang PeryahanМесто, где живут истории. Откройте их для себя