......

396 6 0
                                    

"AAAHHHHHHH"

Tumigil yung sasakyan namen.

wag nyong itigil please... yung... yung tao nasa labas pa rin....

"Leana...... huy! gising na! nandito na tayo sa bahay ni Lolo!" si kuya tinap yung ulo ko, napabalikwas ako ng bangon at lumingon- lingon, with my eyes wide open at pinagpapawisan ako.

"ano nangyari sa yo?" tanong ni Kuya.

hinihingal pa rin ako.

"Lika na!"

tumango lang ako...

pagpasok namin sa loob, biglang tumakbo sakin si Meeka.

"Ate, ate... sayang tulog ka.. di mo nakita yung peryahan kanina.. grabe it's so creepy talaga...."

tumingin ako sa kanya.

"Oh bakit ganyan tsura mo? para kang natakot?"

umiling ako...

"okay ka lang ate"

tumago ako..

bigla nagsign languange si Meeka.

"anu yan?"

'aahh.. kala ko Pipi ka na eh.."

"siraulo!"

bakit ganun? parang totoo eh. pramis.. andito pa din yung kaba ko oh..

"hija bakit ka tulala?" biglang yumakap sakin si Lolo, kanina pa ba ko tulala? 

"ahh-- wala po.." gumanti ako ng yakap sa kanya.

"namiss mo ba ang lolo?" to ease my tension, hinigpitan ko ang yakap ko kay Lolo.

"syempre naman po..' at panandaliang kinalimtuan ang panaginip ko. kung totoong panaginip nga lang.

'kainan na!" sigaw ni Meeka.

habang kumakain kami.. lumilipad pa rin yung isipan ko sa peryahan na yun.sila mama, nagtatawanan, ako lang ata yung tahimik?

then I decided to break my own ice.

"lo, bakit po nasunog yung peryahan?" lahat sila tumingin sakin.

"anu ba yang tanong na yan Leana..." narinig ko si papa.

"hayaan mo na Rodrigo.." sabi ni Lolo.

"ang sabi nila, may nagsunog daw nun, ang sabi naman nung iba, short circuit, wala talagang nakakaalam kung bakit yun nasunog..'

"eh bakit po, hindi pa rin ginigiba yung natirang remnants dun.." tanong ni Meeka.

"kasi... hindi nila magawa.."

"po?..". tanong ko

"Panong hindi magawa?" si Mama naman ang nagtanong.

"tuwing gigibain nila yun... may hindi magandang nangyayari.."

"tulad po ng ano" tanong ko..

"namamatay ang gustong gumiba nun"

ano daw? God! namamatay? sheezz.. so creepy.. hooo. pakiramdam ko namamawis ako..

*gulp*

"di nga po" epal na naman tong si snorlaxx..

"hijo, sa tingin mo ba nagbibiro ako?" nakangiting tanong ni Lolo.

"hindi ako nagbibiro, kaya nga hanggang ngayon ay nakatayo pa rin yun"

eto na talaga. natatakot na ko ah...

sa bahay ng Lolo, walang TV, walang computer, walang DVD player, in short, walang gadgets, though may kuryente.

malalim na ang gabi.. pero ayaw ko pa ring matulog... baka kasi mapanaginipan ko na naman yung ... yung ano.. yung.. basta! kaya nandito ako sa may veranda nagpapahangin..

"ate.."

"Meeka, bakit gising ka pa? past 10 na oh..'

"eh ikaw?' ang galing! ang sarap talagang dutdutin ng lalamunan nito eh.. gsling sumagot!

"nagpapahangin, bakit? gagaya ka?' irap ko sa kanya.

"ate..'

"ano?" nakakainis to ah.. ate nang ate...

"kanina, nung dumaan tayo sa perya.. tss.. tulog ka kasi eh.."

napalingon ako sa kanya with curiosity.

"anong meron?"

"nakita mo sana yung tent.."

"huh" tent daw. OMAY... sinimulan na naman akong kabahan.

"gumalaw ate."

i stunned.

"parang may hangin sa loob tapos may liwanag, medyo dim"

shit. nagtatayuan balahibo ko...

"grabe ate.. nakakatakot.. di ba walang tao dun?"

"totoo ba yang sinasabi mo?" tanong ko.

"oo"

napahigpit yung kapit ko sa upuan ko.

"ate... natatakot ako.."

ako din Meeka. ako din.

Ang Lumang PeryahanWhere stories live. Discover now