Chapter 13 : Let's start all over again ...

27.3K 480 58
                                    

Last Update for Now. Have Fun! :">

____________________________________________________________________________

Zeth’s POV

 

Wala naman talaga kong balak na ligawan si Diana, pano ko naman kasi gagawin yun, Eh hanggang ngayon si Keila pa rin ang gusto ko!

Ang kaso, napasubo na ko. Ayoko rin naman syang mapahiya sa harap ng madaming tao, Besides mukhang panahon na rin siguro para mag move on ako.

Kakagaling ko nga lang sa photo shoot nya, kinamusta ko lang sya sandali at itinanong ko kung wala ba syang gagawin next week dahil nga sya ang balak kong isama, ang sabi nya naman meron syang gagawin pero ipa-pa cancel nya na lang daw para makasama samin. 

After ko syang tanungin, nagpaalam na rin agad ako dahil may class pa nga ko.

Pasakay na sana ko sa kotse ng makita ko si Keila, malapit lang sya sa pinag pa-parkingan ng kotse ko, kasama nga pala sya sa photoshoot kaya nandito sya. At base sa paninipang ginagawa nya sa gulong ng kotse nya, mukhang nasiraan sya.

Hindi naman ako ganun kasamang tao para pabayaan lang sya dun, ganitong pareho lang naman kaming may class, at syempre … May past.

“Sumabay ka na sakin.” sabi ko nang makalapit ako sa kanya.

“No thanks. Mag ta-taxi na lang ako.”tanggi nya.

“Wala kang masasakyan na taxi ng ganito ka-aga!”

 

“Tatawagan ko na lang si Greg para sunduin ako!”

 

“Mang aabala ka pa ng tao!? Sumabay ka na lang kasi!”

 

“Eh sa ayoko nga!”

 

“Affected ka pa rin ba? Don’t tell me hanggang ngayon di ka pa rin nakakapag move on?!!” tanong ko na may halong pangaasar.

"A House Full of Hunks" Book2 [TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon