Chapter 5: They met again, Unintentionally.

35K 623 25
                                    

 A/N: 2nd update for today! 


______________________________________________________________________


Nathan’s POV

 

Hoooo. Pinag pawisan ako dun aah!

Kakatapos lang ng training namin, medyo mabigat nga yung training ngayon kasi pinaghahandaan talaga yung magiging laban next week. Balita ko nga, magagaling daw ang mga players na kakalabanin namin.

Papunta na ko sa athletes room para maka ligo at makapag palit ng damit nang may makita kong babae na binu-bully …

“Ayaw mo talaga kaming igawa home work?!!! Gusto mo talagang masaktan!!” sabi ni girl bully no.1.

“Sorry, pero madami rin kasi akong ginagawa. Kung gusto nyo pag natapos ko yung akin, kumopya na lang kayo?” sagot nung girl na binu-bully habang nakayuko.

“Ayaw nga naming mapagod kaya ikaw na ang pinapagawa namin diba? Tapos gusto mo mangopya na lang kami sayo?!! Duuhhh!” sagot ni girl bully no.2.

“Unahin mo na lang kasing gawin yung amin nang di ka na masaktan!!” pagbabanta naman ni girl bully no.3.

“Saktan nyo na lang ako kesa gawin ko yung mga home work nyo.” sagot ulit nya habang nakayuko pa rin.

“Fine! As you wish!” at isa-isa na nga nilang hinila ang buhok nya.

“Hep Hep!! Tama na yan girls!!” sabay takbo ko papalapit sa kanila.

“Nathaaaaaaaan!!!!!” sabay sabay na tilian nung tatlong girls na bully.

“Bakit nyo sya sinasaktan?!!! Kung gusto nyong magkaron ng assignment, pwes gumawa kayo. Kaya nga kayo pinagaaral sa school na toh eeh. Para matuto! Hindi para mam bully ng taong ayaw sumunod sa gusto nyo!” mahaba-habang panenermon ko.

"A House Full of Hunks" Book2 [TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon