Chapter three~UNKNOWN CALLER~

Depuis le début
                                        




" No. Just Carla. Gusto ko sanang 'wag munang malaman ng mga employees kasi mas madaming chismosa sa office. Ang importante okay na tayo. Na tanggap mo ako. "




Avril was hurting deep down. 'Yun lang naman ang importante sa kapatid niya. Acceptance. Not even the thought of recognition in public as part of the family. And yes, she's willing to welcome Carla in from this point on. Humiwalay sa kanya ito, hilam na sa luha ang buong mukha nito.




" Let's do some catching up! 'Wag ka munang pumasok sa opisina, please? I'll tell you everything! Ipagluluto kita! Mag movie marathon tayo! "




Halos magmakaawa ang kapatid sa kanya.Obviously, she'll choose work over anything else. Pero merong parte sa puso niya na gustong pag-bigyan ito.




" But I have lines of meetings today and--- "




" Oh, for Pete's sake, Avril! Ako ang secretary mo at wala kang meetings today! Sige na, please? Magdo-double time ako bukas 'pag kabalik sa opisina, promise. Kahit ngayong araw lang? "




Avril thought, Why not? Gusto niya ding makausap ng masinsinan si Carla at makinig dito sa lahat ng pwede nitong sabihin. She smiled a little and spoke.




" What are you cooking again? "




At nakita niya kung papaanong tinititigan siya ng kapatid, habang pinupunasan nito ng panyo ang mga namamagang mata.




" Tsukune and Tempura. Pwede din nating dagdagan ng Ramen kasi sobra sobra yung binili mong grocery last time. Avril? "




Hinila ng kapatid ang pinaka-malapit niyang kamay at duon niya na-realize kung bakit ganuon na lamang siya ka kumportable kay Carla. Her secretary is a family by blood. Ngumiti ito sa kanya at lalo pang nawala ang mga mata nito.




" Mas gumaganda ka 'pag ngumingiti! Don't you know na naiinggit ako sa brown eyes mo? "




Avril shook her head to disagree. Her sister has been a looker ever since even without the makeup. Since both of them carries the Japanese blood running beneath, both women has an ivory skin, white as a snow, smooth and clear, poreless skin. Naging mas evident lamang ang pagiging Haponesa ng kapatid sa tuwid nitong jet black hair at sa parang mala-pusang hugis ng mga mata. Samantalang siya ay kalahating Haponesa at Pinoy, may cleft chin, matangos ang ilong at may deep set na hugis na mga mata. Many have told her that this is her main asset. Na parang kapag siya daw ang tumingin, para daw itong nangungusap.

Taming The CharmingOù les histoires vivent. Découvrez maintenant