Crush mo .. Si Boy

1.8K 36 22
                                    

To All Girls:

Kapag ang babae may gusto sa isang lalaki, minsan madaling mahulaan kasi minsan showy tayo.

Tipong papalapit siya tapos 'yung mga kaibigan mo, ipagtutulakan ka at kapag hindi pa sila nakontento, isisigaw pa nila na "____! Si ____ May Crush daw sayo!"

Kaya tuloy minsan nabubuko ang hindi dapat mabuko.

Pero ang babae kasi malimit kapag nagkagusto sa lalaki, minsan pisikal lang ang nagustuhan kahit na napakasama ng ugali or minsan naman ung ugali lang kahit na sabihing napakapanget niya.

May iba't ibang klase kasi ng babae.

Ang unang klase ng Babae ay 'yung P-Boy.

Sila 'yung babaeng may gusto sa lalaki dahil gwapo, macho, singkit, matangos ang ilong, mapula ang labi, in short puro pisikal na anyo lang ang gusto.

Minsan kasi kahit na hindi nila kilala yung lalaki, basta alam nilang gwapo ito, pasok sila sa taste ni Ate P-Boy.

Sila 'yung tipo ng babaeng madaling magkagusto sa isang lalaki.

Anyway, ang babaeng P-Boy, sabihin na nating hindi sila 'yung tipo ng babaeng pa-hard to get.

SIla 'yung tipo ng babaeng walang pakialam kung panget ang ugali nung lalaki basta GWAPO>

Sa Buong kabuuan.

Ang isang P-Boy ay babaeng MADALING MAGKAGUSTO SA MGA GWAPONG LALAKI.

NEXT.. >>>

'Yung mga babaeng tinatawag na A-Boy.

Sila 'yung babaeng walang pakialam sa itsura ng lalaki kung gwapo man ito o panget basta mabait, makulit, maalalahanin, sweet, lagi kang ipagtatanggol, joker, lagi kang inaasar, in short, 'yung attitude ang gusto nila.

Malimit kaya nahuhulog ang loob ng isang babae sa isang lalaki ay may 3 MAIN REASON:

TOP.3 REASON :

Kapag ang lalaki ay MABAIT.

Malimit iyon ang pinakanagugustuhan naming mga babae (talagang isinama 'yung sarili eh noh? >__<. )

Totoo iyon. Kasi ang babae, kapag nakita nilang mabait 'yung lalaki, madali lang mahuhulog ang loob niyan.

Sila kasi yung tipo ng lalaking kahit na awayin mo, hindi ka papatulan. 

Kaya naman mabilis magkagusto ang mga babaeng A-boy sa kanila.

TOP. 2 REASON:

Kapag ang lalaki ay MAKULIT/JOKER.

Ito 'yung maliit nangyayari sa buhay ng babae.

Tipong sobrang kulit niya, tapos lagi ka niyang pinapatawa.

Tapos hindi buo ang araw ni A-boy kapag hindi siya kinulit or pinatawa ni Boy.

Dahil siguro sa sobrang bigay na atensyon ng ganitong lalaki kaya madaling magkagusto ang babaeng A-boy sa kanya.

TOP. 1 REASON:

Kapag ang lalaki ay mahilig MANG-ASAR

Madalas talaga, totoo yung sabi-sabing..

"THE MORE YOU HATE, THE MORE YOU LOVE."

Naranasan ko na ito, madalas pa nga eh.

Hindi ko din alam pero kapag kasi madalas na nakikipag-asaran ka sa kanya, hindi mo namamalayang nagkakagusto ka na sa kanya.

Medyo mahirap nga lang kasi minsan hindi mo alam na may gusto ka na pala.

Or minsan ayaw aminin dahil nga inis ka sa kanya.

Pero madalas kasi nauuwi sa MAHALAN ang ASARAN, PROMISE! TOTOO 'yun!

SO, iyon na nga. Ganun nga yung mga A-Boy.

SIla din yung tipo ng babaeng HARD-To-Get kasi kinikilatis nila muna yung lalaki.

Wala silang pakialam kung gwapo ka dahil mas mahalaga sa kanila kung anung pagkatao mayroon ka.

Overall, Ang A-BOY ay mga babaeng Hare-to-get at mahilig sa mga lalaking may GOOD ATTITUDE.

Ito ang pinakamalupit.

Ang mga babaeng M-Boy.

Sila yung walang pinipiling lalaki.

Panget, gwapo, mabait o hindi, basta alam nilang gusto sila nung lalaki, papatulan nila. In short, mga malalandi.

Hindi naman sa nanlalait ako pero marami kasi talaga sa panahon ngayon ang malalanding babae.

Sabihin lang nung lalaki na gusto siya nito tapos go lang ng go si Ate. Alam niya kasing gusto siya ni Boy.

Kung tutuusin, ayoko sa mga babaeng ganito eh.

Minsan kasi sila pa ang nanliligaw at dikit ng dikit sa babae.

Hay, henerasyon nga naman.

M-Boy is Malandi. PERIOD.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Tapos ko nang ipakilala ang mga babae.

Now, let talk about CRUSH.

Ang babae, madami 'yan kung magka-crush.

Crush niya si ganito, crush niya si ganyan.

Walang kasawaang crush!

Pero kapag naman yung TOP CRUSH nila, ay naku! Nakakaloka!

Kasi minsan kapag crush natin ang isang lalaki, dumadating  talaga sa tipong iniiyakan mo kapag nakita mong may kasama siyang ibang babae.

Mahirap kasi sa part ng babae na amining crush niya si Boy kasi parang panget tingnan tapos parang ang kalalabasan kasi noon ay  si girl pa ang naghahabol.

Well, minsan kasi masyadong assuming itong mga lalaki. JOKE!

Kapag nakikita naming mga babae ang crush namin, sobra talaga kaming kinikilig tapos lalo na kapag binati niya kami or ngumiti or tumingin.

Pasimple naming hahampasin minsan yung mga katabi namin sa sobrang kilig.

Ok na kami kahit patingin-tingin lang kami kay Crush pero siyempre minsan nag-aasam din na sana magkagusto si Crush sa amin.

Mahirap umamin na crush mo siya.

Lalo na't babae ka.

May mga time kasi na nare-reject ka or swerte ka kapag parehas pala kayo ng feelings.

Pero madalas kasi reject eh.

 Lalo na kapag may gf na si Crush.

Parang gusto mong paghiwalayin sila

Hay naku, ang hirap maging babae.

Tipong gusto mong sabihin sa kanyang "GUSTO KITA" kaso hindi mo magawa kasi may babaeng nakayakap na sa kanya.

Sakit noh?

Si Crush mo, may Crush na Iba &lt;/3Where stories live. Discover now