Donnie Demakita

16 2 0
                                    

***

Mamamatay na ako.

Tumalon pa punta sa direksyon namin, sa ilalim ng underpass yung mga aswang.

Apat lahat sila, halos magkakamukha ang itsura. Matatalas at mahahaba ang mga pangil, ang mga kuko ay matutulis at mahahaba din. Yung mukha nila, pano ko ba ipapaliwanag sa mas kaaya-aya at hindi nakakatakot o  nakakabaliktad ng sikmura na paraan?

Yung mga mata nila mapupula. Nanglilisik. Tapos yung bibig nila, hindi nawawalan ng mosyon o paggalaw kasi para bang medalya kung ipakita ng mga nilalang na ito yung mga pangil nila.

Yung mga tenga nila, ang korte ay pahaba tapos yung katawan nila, pati mukha nila, hindi buong itim kung hindi parang yung magiging itsura mo lang kapag nabuhusan ka sa katawan ng grasa.

Paalala sa sarili, wag na wag maliligo ng grasa kung ayaw mapagkamalang aswang.

Bumagsak yung mga paa nung mga aswang sa lupa. Yung ibang tao sa underpass ay ginagawa pa rin yung ginagawa nila habang iilan lang yung nakatingin sa amin.

Dahan-dahang lumapit yung mga aswang sa amin. Nanginginig yung sandata ko, yung kamay ko, yung buong katawan ko.

Kinalabit ako ni Jansen. "Pumunta ka sa may pader. Sumandal ka lang dun." ang sabi niya. Hindi siya nakangiti at wala yung dimples niya. Seryoso siya.

Sinunod ko yung sinabi niya. Tumakbo ako papunta sa may pader at sumandal. Sumunod din sa akin si Jansen at itinaas yung sandata niya.

Unti-unting lumapit yung mga aswang. May isang tumalon papunta sa direksyon ko pero mabilis si Jansen. Nagside-step siya at humiwa sa ere, sa aswang na paparating at poof. Biglang parang abo na nawala sa ere yung aswang. At totoo yung abo. Pagkawala niya ay nagi siyang abo at sa tingin ko nahinga ko yung ilan sa itim na abo na yun.

Napaubo ako.

Paalala uli sa sarili, wag sisinghap habang may kamamatay lang na aswang.

Lumapit ulit yung isa pang aswang, sa pagkakataon na to, hindi siya tumalon. Lumapit siya ng mabilis papunta ulit sa direksyon ko? Bakit laging akin? Hindi kay Jansen? Hindi naman sa gusto ko siyang mapahamak o ano pero di lang patas. Favoritism haist.

Bumalik ulit sa harapan ko si Jansen. Kumalmot sa harap yung aswang, humakbang paatras si Jansen bago pa man tumama sa kanya yung mga matutulis na kuko nung aswang.  Ano kaya yung mangyayari sayo pag nakalmot ka nun? Ayokong malaman.

Humiwa pa diretso si Jansen, sinubukang umiwas nung aswang pero masyadong mabilis si Jansen (o mabagal lang talaga yung aswang) at poof. Abo nanaman. Sa pagkakataong 'to, sinigurado ko na takpan yung bibig at ilong ko.

Ako naman ay tagapagmasid lang kung sakaling may resbak o dumating pang ibang aswang. Pero sa totoo lang naawa at natatawa ako sa sarili ko kasi nandito lang ako, nakasandal sa pader habang nanginginig tapos yun naman si Jansen, parang Prinsipe ng Persya kung gamitin yung sandata niya.

Lumapit nanaman uli yung isang aswang at tumalon, sinubukan niyang sakmalin si Jansen pero yumuko si Jansen at nagpadire-diretso yung aswang papunta sa akin?

Napayuko ako bigla, bwisit na Jansen ang sabi ko sa isip ko. Tumalikod agad siya para hiwain yung aswang gamit yung machete niya.  Poof. Naging abo ulit yung aswang at bilang napakalapit ko na talaga sa pinangyarihan, para bang naligo ako sa itim na abo na siyang dating aswang. Yuck

Tumingin ako kay Jansen. Sisigawan ko na sana siya ng biglang tumalon yung huli at natitirang aswang papunta sa direksyon namin, sa likod ni Jansen.

Donnie Demakita: Ang Mata ng BukasWhere stories live. Discover now