Chapter 15

119 4 0
                                    

Caitlyn's POV

Ngayon ang araw na aalis ulit kami. Hindi ko inakala na natiis kong mag-stay kahapon ng buong araw dito sa Hotel na ang ginagawa lang ay mag-movie marathon.

Nandito ako ngayon sa kwarto namin ni Joshua , nagbibihis. Nandoon naman siya sa sala , hinihintay ako. Nang maisuot ko na yung crop top at high-waisted jeans ay nagpatuyo ako ng buhok bago ko itinali para ito ay maging messy bun. Nagpulbos rin ako at nag-liptint. Nang matapos ko nang ayusin ang sarili ko ay lumabas na ako ng kwarto.

" Tagal mo " . Bungad niya ng makita akong lumabas ng kwarto

Humalakhak ako. " Pake mo? " . Sabi ko

Sumimangot ito at tumayo. " So mean! Tara na nga " . Sabi niya saka lumabas

" Saan nga pala tayo pupunta? " . Tanong ko ng makasakay kami ng elevator

Ngumiti ito at kinurot ang pisngi ko. " Secret! Bawal sabihin " . Sagot niya

Napasimangot ako at nag-martsa palabas nang makita kong bumukas ang pintuan ng elevator. Sinubukan niya akong tawagan pero hindi ko siya pinansin. Lol! Ang pabebe lang , kakainis.

" Uy , nagtatampo ka? " . Tanong niya ng makapasok kami sa kotse

Umiling ako at pumikit. " Bakit naman ako magtatampo sayo? Unless... " . Hindi ko na itinuloy ang sinasabi ko dahil ayaw kong mangyare iyon

" Unless? "

" Walaaa! Mag-drive ka na lang diyan. Tawagan ko lang si Cristina " . Sabi ko saka dinial ang number ni Cristina

( Bes Caity~ )

' Uy , kamusta na kayo diyan? '

( Still alive. Pero si Juliana at Max napapadalas ang away. )

' Oh? Bakit nanaman? '

( Ewan ko ba. Nagpa-pabebe lang yan si Juliana , hayaan mo siya. )

' Siraulo. Baka LQ lang yang dalawang iyan! Pagbatiin mo silang dalawa , nako para talaga silang mga bata. '

( Jusko , baka sumakit ang head ko sakanila. Parang kaya sila ni Brittany at Charlie. )

' Ah basta! Pagbatiin mo yang si Max at Juliana , dapat pagbalik ko bati na silang dalawa. '

( Okie dokie~ ikamusta mo ako sa future hubby mo ah? Malapit ng matapos ang buwan na to. See you soon , Caity! )

' See you soon din , Tin. Stay safe! Love you '

( Love you too , bes! Babayu~ )

" How about me? Wala ba akong ' I love you ' galing sayo? " . Tanong niya habang nakafocus ang kaniyang mata sa daan

Natawa naman ako sa sinabi niya. " Ah , seriously? Wala! " . Sagot ko saka humalakhak

" Nakakaselos " . Rinig kong bulong niya

" Arte mo! " . Sabi ko

Narinig ko naman ang mahina niyang pagmura , napahalakhak naman ako. Hindi ko alam kung bakit ako masaya ngayon , siguro maganda ang gising ko.

Napalingon ako sa bintanang katabi ko. Napawi ang aking ngiti ng may makita akong isang batang nakaupo sa gilid ng kalsada , namamalimos.

" Joss , sandali! " . Pagpipigil ko sa kaniya

Nagtataka akong tinignan ni Joshua. " What's wrong? " . Tanong niya rin

" May gagawin lang ako " . Sagot ko at lumabas ng kotse

Totally InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon