Chapter 16

113 5 5
                                    

Caitlyn's POV

Tatlong linggo na ang nakalipas nung pumunta ulit kami sa Dahilayan. Sa isang araw na ang balik namin sa Manila.

Napaupo naman ako sa pasamano ng veranda. Napapikit na lamang ako ng dumikit saaking balat ang sinag ng araw at hangin.

Simula kaninang umaga , wala na si Joshua sa tabi ko. Napangiti na lamang ako nang mag-iwan siya ng sulat para saakin.

Pinagmasdan ko ang kagandahan ng Cagayan de oro. Sinusulit ko na ito dahil malapit na kaming umalis.

Napatingin ako sa cellphone ko dahil nag-vibrate ito , nakita ko sa screen ang pangalan ni Kuya Charles.

Kuya Charles:

Princess , pagbalik mo sa Manila ay medyo marami kang gagawin. Mayroon kang appointments na kailangan mong asikasuhin. Saka next month kailangan mong i-present ang project na ginawa ng team mo.

Bumagsak ang balikat ko at napasimangot ng mabasa ko ang text ni Kuya Charles. Yea , trainee pa lang ako ang dami ng gawain. Dinaig ko pa ang isang empleyado. Bakit pa kasi kailangan pang umabot sa training?! Ang daming chuchu ni Kuya Charles!

Napabuga na lang ako at nag-type ng message para kay Kuya Charles.

Me:

Seriously , Kuya Charles? Trainee pa ba ako o certified empleyado na? Grabe! Ang dami mong pinapagawa saakin! Pwede 1 week break pagbalik ko diyan? Please? Hehe.

Nilagay ko yung cellphone sa glass table saka tumingin sa kalangitan. Ah , it feels so good!

" Baby , what are you doing? " . Napaigtad ako sa gulat ng marinig ko ang boses ni Joshua

Napalingon ako. " Nagpapahangin lang " . Sagot ko

Napatango na lang ito sa sinabi ko at pumasok sa loob. Napakunot ang noo ko ng hindi niya ako sinalubong ng halik at yakap. Ganoon kasi siya kapag umuuwi or di kaya nagkikita kami.

Nagkibit balikat na lang ako at pumasok rin sa loob. Nakita ko siya na may dalang dalawang paper bags na may nakaguhit ng mukha ni Jollibee.

Napatawa naman ako at lumapit sa kaniya. Kinunutan niya ako ng noo. " Why are you laughing? " . Tanong niya

Natatawang itinuro ko yung Jollibee. Nakita kong napangiti siya saka natawa na rin. Alam niya na siguro yung tinutukoy ko. Patakbo akong lumapit sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit.

" Naiisip mo ba ang naiisip ko , baby? " . Bulong niya

Tumango ako at napapikit. This is the reason why I love him so much , alam niyan kung ano ang ikinasasaya ko at ikinalulungkot ko.

Naramdaman kong dumampi ang kaniyang labi sa buhok ko. " C'mon , let's eat baby " . Anyaya niya saka ako pinaupo sa upuan

°°°

Kuya Charles:

Still , trainee. Nope , bawal ang 1 week break pagbalik mo dito. Baka mapag-iwanan ka na. Don't worry , Sky and I will help you if you have a problem.

Napasandal na lang ako sa upuan at napapikit. Kanina pa kami natapos ni Joshua kumain , pagkatapos nun umalis nanaman siya.

Biglang nag-pop up ang phone ko dahil naka-on ako ngayon. Pagtingin ko , nagulat na lamang ako ng makita ko ang message ni Brittany.

Brittany: Hi tita! How's your day? I really miss you na! Please , go home na :(.

Napaawang aking bibig. Paano siya natuto sa mga ganitong bagay? Ah , sa mommy niya siguro.

Totally InloveOnde as histórias ganham vida. Descobre agora