💕 NOBODY'S BETTER 14 💕

Start from the beginning
                                        

"Hoy ano 'yon besh? May hindi ka ba sinasabi sa amin?" pag iintrigang tanong ni Momo habang naglalakad na kami dito sa hallway. Palabas na kami ng school building upang kumain sa malapit na karenderya dahil nga lunch time na.

"Ha? wala ah!" sabi ko sabay iling ng ulo. Tumingin lang ng nakakaloko sa akin si Momo habang wala namang pakialam 'yong tatlo na nasa gilid lang namin.

"Weeeehhhh? Bakit kilala ka ni kuya Baekhyun!?" sabi niya sabay pout pa na parang pato. Nag shrug lang ako. "Ewan ko nga ba besh eh? Alam mo namang mahiyain ako at hindi sociable na tao. Paano niya ko makikilala especially 'yong name ko? Baka may ipag uutos lang siguro si oppa." sagot ko. "Pero alam mo kanina noong tinawag niya 'yong pangalan ko, keneleg eke. Kese nemen ehhhhh!!!! Krass ko kaya si Oppa Baekkyoooonnnn!!!" pag aamin ko habang nag gigigle pa. Ang landi ko.

"Halata nga besh eh! Hindi ka makatingin sa kanya kanina! Hahahaha! Yieeehhhh kinikilig siya!" sabat naman ni Cela sa gilid ko. Nag grin lang ako. "Hihihi! Tologo!"

❌❌❌

Agad kaming nakapunta sa may karenderya at nakakain na rin. Nag kwentuhan lang din saglit pagkatapos ay napag disesyunan na naming bumalik sa classroom namin.

Habang naglalakad sa my hallway, bigla akong tinanong ni ate Resse.

"Bakit kaya kilala ka ni oppa Baekhyun eh super sikat 'yon sa college department at ang mga kakilala niya is mga 'feeling famous' dito sa department natin. Bakit kaya sa palagay mo besh ikaw lang ang kilala niya at hindi kami?" napa isip ako sa sinabi ni ate Resse. Oo nga, super sikat ni oppa Baekhyun maging ang boyfriend niyang si oppa Chanyeol at mga kaibigan niya dito sa department namin. Halos lahat ng kababaihan inlove na inlove sa kanila. Dahil nga halos sa department namin ay nahuhumaling sa Kdrama (isama niyo na rin ako) ay naging dahilan 'yon para mas maraming humanga sa kanila though maraming Koreans at iba't ibang Nationality ang nag aaral sa school namin.
Maging sila ate Resse may gusto kay Sehun (isa sa mga kabarkada ni oppa Baekhyun) habang si Cela naman ay kay oppa Luhan (kaibigan din nila oppa Baekhyun at boyfriend ni oppa Sehun), habang si Momo naman ay kay oppa Chanyeol (ang boyfriend ni oppa Baekhyun) at tama kayo nang nabasa, BOYFRIEND ni oppa Baekhyun at Luhan sila oppa Chanyeol at Sehun at bisexual po sila. Hindi naman kasi bawala kung anong sexuality mo rito sa school namin. May respeto at may gender equality rito sa school namin kaya rin siguro mas dumarami ang mga foreigners na nag aaral dito.

"Ewan ko nga ate eh. Baka nakita niya lang sa ID ko tsaka huwag na nga nating isipin 'yon, atleast si oppa Baekhyun may oras pa na kilalanin ako hindi katulad ni Kelso na kahit hibla ng buhok ko walang alam. 'Yong tipong walang paki sa mundo ang peg." sabi ko lang habang nakabungasot at halata sa mga mata ko ang lungkot. Totoo lahat ng sinabi ko. Mas naappreciate ko pa 'yong effort ni oppa Baekhyun kaysa sa kanya atleast kung ano man ang sasabihin sa akin ni oppa Baekhyun mamaya is magkakaroon kami ng bonding. And literally speaking, siyempre may friendship or kahit mere acquintance na magaganap between sa amin (kung meron man? Hahaha!)

"Hahaha! Naipasok mo pa 'yong hugot mo ah?" tanong ni ate Resse. "Naman!" sagot ko habang tamang tamang pagpasok namin ng classroom.

❌❌❌

Last subject na at 'yong utak ko kung saan saan na lumilipad. Nag dadaydream kasi ako sa magiging ganap sa amin ni oppa Baekhyun. Kinakabahan ako na parang ewan. Alam ko namang wala kaming gagawin eh! Masyado lang nagiging green dahil sa kwento ni Momo tungkol sa nabasa daw niyang kwento na may sbvhwkassu*+-^@&¥ scene eh 'yong pagiging inosente ko nawala dahil sa kweninto niya eh! Pati tuloy si oppa Baekhyun nadamay ko. Kapag siguro mabasa ni oppa Chanyeol 'tong laman ng utak ko baka masapak niya ko ng wala sa oras. Nakaka takot pa naman 'yong derp face niya. It gives me goosebump. Huhu!

So balik na nga tayo sa kwinekwento ko.

So ayon nga, last subject na. Ilang oras na lang at pupuntahan ko na si oppa Baekhyun doon sa club nila ng biglang may kumatok sa pintuan namin. Napatigil sa pag didiscuss iyong instructor namin dahil dito. Agad agad niyang binuksan ang pintuan at iniluwa nito si oppa Baekhyun. Mukhang mapapaaga ang punta ko doon ah.

"Okay class, please keep quiet!" sigaw ng instructor namin ngayon ng biglang umingay sa classroom. Tumahimik na din naman kami agad.

"So Good Afternoon. I am here in front of you because I want to discuss to you about our encoming event which is the acquaintance party. I know you are aware right?" tanong niya. Tumango lang kami. "Great! So first we will have our votation for this years theme."

"We have three themes in our mind."

"First, Coachella." sabi niya sabay pakita ng picture ng babaeng nakasuot ng pang summer na damit. "Coachella is a type of summer dress. You can wear anything as long as it looks like this and this." dagdag niya pa. Pinaikot ni oppa Baekhyun 'yong coupon na may printed ng damit na coachella. Unang tingin ko dito ay nagustuhan ko na agad. Paano na lang kung ito 'yong naging theme namin ngayon this year.

"Second, Denims and Diamond." katulad ng una, nagpakita siya ng picture ng Denims and diamonds. "If this is what you like for our theme, gals will wear denim dress and not pants. But the guys will allowed to wear denim pants." dagdag niya pa. "It looks fantastic right?" tumango na lang kami.

"Lastly, Black and white." sabi niya sabay pakita ng picture ng black and white. "If this is our years theme, the dresses or gowns that the gals will wear was color black and white only. Even for boys. No other color except that." sabi niya.

"Okay. If there was no other question, lets proceed to votings." at nagsimula na kaming magbutuhan. Maraming nagvote sa 3 themes na 'yon pero ako, sa Coachella ako nagboto kasi 'yon 'yong napusuan ko eh hahahaha.

"So thank you for your time. So your vote was highly added to our variables to our survey. Next week I will tell you guys what will be our theme for this years acquantance. Kasahamnida!" sabi niya sabay bow. Nagpaalam na rin siya sa instructor namin at lumabas na ng classroom. Magsisimula na sanang magdiscuss 'yong instructor namin ng biglang nagring na ang bell. It indicates na tapos na ang klase. Nasave by the bell kami salamat kay oppa Baekhyun hahahahahahaha!

"Okay class you're dismiss." At nagsitayuan at uwian na sila samantalang ako'y naghahanda na sa pagpunta ko sa club na 'yon.

"Ingat besh! Fighting!" sabi ng mga kaibigan ko before na mag iiba kami ng landas. "Fighting!" sagot ko rin sabay babye sa kanila.

This is it, pupunta na ko sa club na 'yon at malalaman kung bakit ba ko pinapatawag ni oppa Baekhyun. Sana nga lang hindi 'yon nakakatakot! huhuhu!

At nagsimula na kung maglakbay papuntang Glee Club na may kaba sa dibdib.

❌❌❌

A/N:
Cliff-Hanger ba? Sorry ah? Hahahahaha 😂
Hanggang diyan muna para intense! 😂

NOBODY'S BETTERWhere stories live. Discover now