Chapter 30

11.6K 273 13
                                    

ALAS siyete ng gabi ang start ng High School Reunion ni Queenie pero alas singko pa lang ay gumagayak na siya. Hindi niya gustong ma-late lalo na at magko-commute lang siya papunta sa venue. Nang matapos ay lumabas na siya ng kaniyang silid. Nagulat siya ng makasabay niya sa paglabas ang bihis na bihis ding si Francis.

"Oh, aalis ka na rin ba para sa dinner meeting mo?" tanong niya rito.

"Oo, at ikaw? Bakit bihis na bihis ka, saan ka pupunta?"

"Sa Magic Garden Resto, doon magaganap ang High School Reunion namin." Tumingin siya sa suot na relo. "Malapit na palang mag-six. Kailangan ko ng umalis. Pasabay naman ako hanggang labas. Doon na lang ako mag-aabang ng taxi."

"Okay," pagpayag nito.

---

"Ang sabi ko sa labasan lang, saan mo ako dadalhin?" nagtatakang tanong ni Queenie sapagkat hindi pa rin tumitigil sa pagmamaneho si Francis.

"Sa Magic Garden Resto," sagot nito.

"Ah, sa doon din ba ang dinner meeting mo? Ikaw naman, bakit hindi mo agad sinabi." Nakahinga siya ng maluwag at napangiti dahil naka-ligtas siya sa pagko-commute. Pagdating ay sabay silang pumasok sa loob. Tinahak niya agad ang daan papunta sa silid kung saan magaganap ang reunion nila, malapit na siya nang mapahinto sa paglalakad. Hinarap niya si Francis na kanina pa siya sinusundan. "Francis, puwede mo na 'kong iwan dito. Pumunta ka na sa dinner meeting mo at baka ma-late ka pa."

Humlukipkip ito. "May reunion pala kayo, bakit hindi mo man lang ako niyayang sumama?"

"Eh, 'di ba may dinner meeting ka? Paano ka makakasama?"

"Puwede namang mag-cancel ng meeting, ah. In fact, 'yon ang ginawa ko para masamahan kita dito."

Ilang segundo muna siyang natigilan bago muling magsalita. "Anong ibig mong sabihin? Kinansela mo ang dinner meeting mo ngayong gabi?"

Hindi na ito nakasagot dahil biglang lumabas sina Elsa at Julius na kagagaling lang sa loob.

"Mabuti naman at nandito na kayo," si Elsa na excited na bumeso kay Queenie. Si Julius naman ay masayang nakipagkamay kay Francis. "Ikaw talaga, friend. Hindi mo pala sinabi kay Francis ang tungkol sa reunion natin. Kung hindi pa namin siya nakausap, hindi pa niya malalaman. Alam mo bang hindi madali ang mag-cancel ng meeting lalo't naka-schedule na 'yon ng kinabukasan. But Francis managed to do that para lang makasama siya rito ngayong gabi."

"Totoo ba 'yan?" tanong niya kay Francis. Hindi niya akalain na gagawin nito ang mag-cancel ng business meeting para lang samahan siyang mag-attend sa class reunion nila.

"Oo. Kung nagsabi ka lang, papayag naman ako, eh." Nag-pout ito na parang nagtatampo. "Siguro kaya hindi mo ako niyayang sumama ay dahil ayaw mo akong ipakilala sa mga dati mong classmates, ikinahihiya mo ba ako?"

"Ano ka ba, hindi totoo 'yan! Yayayain naman talaga kita, eh. Kaya lang ang sabi mo ay may dinner meeting ka, kaya... So, talagang nag-cancel ka ng meeting para lang masamahan ako, naku salamat." Nayakap niya tuloy ito sa sobrang tuwa.

Pagpasok nilang apat sa loob ay binati sila ng mga kaklase. Proud na ipinakilala nina Queenie at Elsa ang kani-kanilang mga partners sa mga classmates nila. Ilang saglit pa ay may isang pares ang lumapit at sumali sa kuwentuhan nila.

"Can we join you guys?" sabi ng magandang babae na nakakapit sa braso ng kasama nitong guwapong lalaki.

"Andrea and Roland?" Sa paningin ni Queenie ay walang ipinagbago ang dalawang classmates niyang ito. Si Roland Ferrer na kilala bilang campus heartthrob ay saksakan pa rin ng guwapo. Si Andrea Espino naman na sikat din sa school nila noon dahil madalas itong sumali at manalo sa mga beauty pageant ay hindi man lang mapaghalataang nasa late thirties na. Kung titingnan ay parang nasa bente anyos lang ito. Samantalang siya, nevermind.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 06, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Marriage To RememberWhere stories live. Discover now