“Kay. Fine.” Tumayo sila Yesha at Miyu para umalis na sumunod sila Venice at Elo na umiiling iling pa.

“Bright. Just Bright.”  Kakaiba ang ngiting ibinigay ni Venus MyLoveSoSweet. Saka sya umalis. Kasunod nila Chinchin at Dara.

Naiwan kaming dalawa ni Clifford.

“Tol tama naman ako diba?  BFF kayo ni LoveBug?” 

Hindi nya ko sinagot at katulad ng iba ya iniwan din nila ako .

Okay .. anong nangyari sa kanila? Kay Clifford? Napaisip tuloy ako .. di kaya .. aha! Kaya iniwan nila ako kasi hindi naman pala BFF ni Clifford si LoveBug .. kasi jowa nya pala ito. Ahh .. now I know .. Ms. Martinez is LoveBug .. and LoveBug is Ms. Martinez so that .. jowa nya ito.

Lunch break ng tumambay ako sa harap ng class room ni “HoneyMyLoveSoSweet!” tawag ko ng makita ko syang lumalabas ng class room nya.

“What?” tanong nya na inaayos yung bag nya .. ang ganda talaga ng future wife ko .. “Clinton!”

“I love you!” nasabi ko sa pagkagulat sa kanya .. pero di na din ako nagulat .. ngumiti ako sa kanya.

“Yun lang?” nakapamewang na tanong nya sakin.

“Uhm .. I miss you!” aktong lalapit na ako sa kanya para halikan sya sa pisngi ng tampalin nya ang noo ko.

“Ayaw mo naman sigurong mabalian ng buto no?”

“Hehe ..” napapakamot na lang ako sa ulo ng lumayo ako sa kanya.

Ginamit nya naman ang pagkakataon na yun para lumakad papalayo sakin. Pero syempre ang turo sakin ng Daddy ko .. never give up! Tomorrow is another day! So sinundan ko sya ..

“Venus .. seryoso na .. kelan mo ba ako sasagutin? Bumalik na lahat lahat ang ex ng kambal ko .. ako hanggang ngayon naghihintay pa din sayo ..”

“Then stop courting me .. walang nagsasabi sayo na hintayin mo ko ..” sagot nya sakin at patuloy pa ding naglalakad .. patuloy lang din naman ako sa paghabol sa kanya.

“Hindi mo alam kung ano bang kulang sakin .. gwapo naman ako .. mayaman .. may abs .. matalino .. teka nasabi ko na bang gwapo ako?”

“Nasobrahan ka sa hangin ang katawan mo .. “ iiling iling na umupo sya sa isang bench at inayos ang buhok nya .. naupo ako sa tabi nya at pinagmasdan sya .. sinabi ko na bang ang ganda ng future wife ko?

“Venus ..” tawag ko sa kanya ..

Ewan ko ba pero parang hindi ko talaga matanggap na hindi si Venus ang babaeng nararapat sakin .. I love her .. kaya ginagawa ko lahat ng kaya ko para mapakita sa kanya at maging girlfriend sya .. pero ilang taon na kong nanaliligaw wala pa ding kasiguraduhan kung sasagutin nya ba ako.

Nakatingin lang sya garden ng school namin.

Ginagap ko yung kamay nya na ikinatingin nya sa akin .. “Venus ,, please give me a chance para mapakita sayo kung gaano kita kamahal .. aalagaan kita .. I will protect you .. I will love you .” hindi sya nakatagal tumingin sakin at binalik ang tingin sa garden ng school namin ..

Pero alam nyo yung feeling na kahit hindi sya sumsagot .. kahit wala syang sinasabi .. nararamdaman kong may pag asa ako .. habang hawak hawak ko yung malambot nyang kamay .. na hindi naman nya kinukuha instead hinayaan nya lang na hawakan ko ..

So sinamantala ko yung moment na yun para chansingan sya .. este  mahawakan ang kamay nya. Hihi

“If you won’t get off your freaking hand on mine .. sinisigurado ko sayo Clinton .. you will go home with no face ..”

Dear LoveBug (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon