"Should I pick you up tomorrow for school? Is Lourd going to be a problem?" he asked after I keyed in my number on his phone. He took it from mine and slid it on his back pocket.

I shook my head then reminded him of his new role and the duties attached to it. "Nope. Boyfriend kita, diba? Kaya ikaw ang maghahatid sa akin. That is if your schedule will let you."

"I'm sure there will be days na hindi kita maihahatid. I'll make sure na ipapahatid kita sa driver ko."

"No need. Sabihan mo lang ako if hindi kaya, may drivers naman kami."

"Alright. See you tomorrow?"

"Yeah. See you." Lalayo na sana ako nang bigla niya ulit ako hilahin palapit sa kanya.

"Should we kiss? Your mom is spying on us," bulong niya.

Shit. "Kanina pa ba siya nakasilip?"

Umiling siya. "Nope. Just now."

Thank God.

Tumango ako. "Sa cheek or forehead will do."

Napatigil siya saglit at sinimangutan ako. "You do know maraming babae ang nagkakandarapa akong halikan, right?"

I rolled my eyes. Men and their egos. "Yeah. Too bad you're batting for the other team."

Natawa na lang siya sa sinabi ko. "See you... Babe? Baby? Love?"

"Daph's okay."

"Ang sweet, grabe," pang-aasar pa nito bago ako hinalikan sa aking kanang pisngi.

"Whatever. Text me when you get home, okay?" Kumaway lang ito bago sumakay sa backseat ng kotse nila.

Napabuntong hininga ako nang tuluyan na siyang makaalis sa garage namin. Bigla ko rin naramdaman ang pagod na dala nang buong araw na ito kaya naman pumasok na ako sa aming bahay.


***


Umagang-umaga ay nakasimangot na ako thank to the irritating presence of Lourd Bautista. "Anong ginagawa mo dito?" singhal ko sa kanya.

"I'm here to pick you up," sagot nito. "Are you still asleep? Hinahatid kita sa school everyday, remember?"

Ugh. Nakalimutan ko siyang i-text kagabi para sabihin na si Mitchell na ang maghahatid-sundo sa akin starting today. "I know that! Pero hindi mo na 'to kailangang gawin, Lourd."

"Why not?" he asked, puzzled.

Seryoso ba siya? He was just here last night. Nakita niyang pinakilala ko si Mitchell kay Mama!

"Dahil kay Mitchell," pagpapaalala ko sa kanya.

Tinignan ako ni Lourd nang masama. "Bakit? Boyfriend mo na ba siya?"

Tumango ako at ngumiti nang pagkalaki. "Yup."

"Since when? Akala ko ba manliligaw mo lang siya?" sunud-sunod nitong tanong habang nanlilisik pa rin ang mga mata.

"Sinagot ko siya after mong mag walk-out. May problema ka ba dun?" I said smugly.

Suddenly, Lourd was all over my face. "Alam mong meron, Daphne," he hissed before backing off.

"Saan ka pupunta?" I squeaked when I recovered from his nearness.

"I'm going to school," sagot nito.

Sa hindi ko maintidihang kadahilanan ay sinundan ko siya hanggang sa parehas na kaming nakatayo sa tapat ng driver's seat ng kotse niya. "Suko ka na?" tanong ko.

Forgetting My First Real KissWhere stories live. Discover now