Darkness no.05: Second Fear

Start from the beginning
                                    

 "Nasan na siya?" Makulit na tanong nito habang hawak hawak ang malaking krus. 

"Di ko alam." Pag bulong ko naman.

"Sigurado kabang may tao pre baka naman wala."

"Meron. Ako pa!" Pabulong kong sabi.

Mas pinili ko ng bumulong nalang dahil baka mabulabog ang nilalang na ito at biglang sugurin kami. Mahirap na, dapat ay maunahan namin siya.

Mula sa likod ng sofa ay pawang may naririnig kaming ingay. Mga lagaslas ng plastic iyon na tila may kinakain. Napalunok ako sabay kapit naman sa damit ko si Benedict. 

Dahan dahan kaming nag tungo sa may malakig sofa. Wala pa kami dun ngunit umentrada natong si Benedict. Tinaas na niya ang dala dala niyang malaking krus na para bang makikipag laban sa gyera. Ako naman eh Kinuha ang baril na nakasukbit sa sinturon ko. Talagang pinaghandaan ko ang mga gantong eksena, mahirap na eh. Baka ako na ang sumunod. 

Ngunit tila naramdaman ang pagdating namin ng nilalang nayon. Natigil ito sa pag gawa ng ingay. 

"Patrick" Lip message sa akin ni Benedict. Habang tumatagaktak na ang pawis.

"Sabay tayo!" Lip message ko rin sa kanya.

Kaya naman eh nagbilang kami. one - two - three !

Bigla kaming sumugod sa may likod ng sofa. Kitang kita ko kay Benedict ang lakas at tapang. Hindi maipinta ang mukha nito, feel na feel nito ang pagiging isang super hero kuno. Hindi rin naman ako nagpatalo. Bigla kong kinasa ang baril na hawak ko at itututok na sa nilalang na ito ng biglang nagulat ang isang pusa. Tumalon tio sa likuran namin kagat kagat nito ang isang chichiria na naiwan ni Benedict kanina.

"Punyemas kang pusa ka!!!!" wika ni Benedict. "Lika dito at gagawin kitang siopao." Pag babanta niya.

Halos hindi ako makahinga sa kakatawa. Pero talaga namang pati ako eh natakot din sa pangyayari. Naging instinc na yata namin ang mga ganong pangyayari eh. Unang naiisip namin pag mga ganon insidente ay walang iba kundi ang mga bampira.

X~X~X

Bandang hapon pagkatapos naming kumain ni Benedict ay naisipan kong umuwi sa bahay para kuhain ang mga iba kong gamit. Maganda narin yun dahil kung medyo maaga aga pa eh siguradong hinahunting ako ng mga media.

Una kong pinababa si Ben sa may kotse. Pinasilip ko muna sa kanya kung wala talagang media na nagbabantay sa gilid ng aking munting bahay. Sa katunayan nga niyan eh pati nga ang Kuya ko ay sinabihan ko narin. Sabi ko sa kanya na wala ako sa bahay ko at nakikitira sa munting dampa ni Ben.

Sumilip naman si Benedict sa paligid. Para itong James Bond na dumidikit pa sa pader sabay silip sa bahay ko.

Maya maya ay sumenyas na siya sa akin "OKEY WALANG TAO." Kaya naman eh bumaba na ako. Nagsuot din ako ng shades para doble protection. Pero hindi sa liwanag ng buwan. Kundi sa mamatalas na tingin ng mga tao.

Na miss ko talaga tong bahay ko. Kahit na isang araw pa lang akong hindi nakauwi dito ay parang isang buwan na sa akin. 

Unti unti kong binuksan ang pintuan. Lumangitngit pa ang pintuan pag bukas ko. Ang sakit sa tenga. Ganon talaga ang effect pag dahan dahan ang pagbukas. Agad koring binuksan ang ilaw. Amoy na amoy sa buong kabahayan na parang may ibang nakapasok. Pero hindi ko lang yun pinansin. Mas tinuon ko ang aking sarili sa pag kuha ng gamit upang agad ng makaalis dito.

Agad akong nagpuntang kwarto. Kinuha ang mga paborito kong damit sa kaing three door cabinet. Sa palagay ko kasi ay matatagalan ako kila Benendict, di hamak na mas safe ako dun. Malayo sa mga media, malayo sa mga bampira at Mas malayo sa gulo.

Habang nag aayos ako ng mga damit ay napatingin ako sa orasan na nasa itaas ng telebisyon "Anak ng teteng! Alas diyes na pala ng gabi, ang bilis ng oras. Kaya naman ay nagmadali nako. Inilagay ko na ang iba pa kopang mga kailangan sa itim ko na maleta. Tinipid ko talaga sa pagtupi ang iba ko pang mga damit upang hindi gahaman sa espasyo. Ngunit ang hindi ko inaasahan habang ako ay nagliligpit ang pagsigaw ni Benedict. 

"Pare tulong!!!!" Wika ni Benedict na parang nagbibiro.

"Tigil tigilan mo ako Benedict ahhh. Busy ako dito." Wika ko.

"Pare mamatay na yata ako. Tulong!" Ulit niyang sabi.

"Punyemas naman ohhh!" Yun lang ang sunod kong nasabi.

Iniwan ko ang pag lagay ng mga damit ko sa lalagyan at agad na pinuntahan si Benedict sa may sala. Pagpunta ko doon ay wala naman akong nakitang  tao. 

"Oii Ben nasan kana? Ako ba eh pinag loloko mo?" Wika ko sa pag kainis.

"Pare dito ako-o-o-o!" 

"Saan?" Muli koang tumingin sa paligid ngunit hindi ko parin siya makita.

"Pre sa amy taas!"

"Ano sa may taas! Pero anong ginagawa mo..." Hindi kona nadugtungan pa ang aking sasabihin dahil sa aking sunod na nakita. Nasilayan ko si Ben sa may itaas ng kisame na nakatali ang mga kamay nito nang isang uri ng  bakal at pati ang dalawa nitong mga paa. 

"B- bakit ka nandyan?" Wika ko sa pag tataka. "Sino naggawa niyan sayo?" Follow up question ko.

"Ako." Wika ng boses na bigla na lamang sumagot mula sa aking likuran.

Napalunok ako ng narinig ko ang boses na iyon. Isa lang itong normal na boses. Pero nakakakilabot ang dating. Parang pumapasok sa kahit na kaliit liitang butas iyon ng aking katawan na talaga namang nagbibigay ng lamig 

Unti unti kong inikot ang aking ulo. Ngunit pag talikod ko ay walang tao. Bigla akong na relieve sa pag kakataong iyon. Ngunit nasan na kaya ang nilalang na iyon? Kaya naman binalik ko na ang aking ulo sa aking harapan ng bigla namang bumungad ang muka ng isang nakakatakot na lalaki.

"Kamusta?" Wika nito habang nakangiti.

Red Moon (Published Book under LIB)Where stories live. Discover now