CHAPTER 5: PINK WITH RED HEARTS

106 4 0
                                    

MURIEL'S POV

On the bus ride to school di ko mapigilang kiligin habang inaalala kung pano ako tinulungan ni Rob kanina...

Gosh!!

Kahit nakakahiya yung nangyari, ok lang atleast naka holding hands ko sya!!!!

Nasa bandang likod kami ng bus habang si Rob nasa harap katabi ang girlfriend nyang si Michelle. T ^ T

YES! May girlfriend sya at kung di mo ramdam bitterness sa voice ko kumain ka ng isang kilong ampalaya habang umiinom ka ng serpentina tea. Ganun ka pait ang nararamdaman ko ngayon.!!

Bagay na bagay sila parehong popular and talented,mayaman at matalino. 

Super EFFING perfect sila para sa isa't isa.!!!

Haaaaayyyyyyyyyyyyyyyyyyy........

Minsan ang unfair ng life no?!

Pero kahit na alam kong may g.f sya,,,,, so what? Crush ko lang naman sya. Diko naman sya aagawin! Pero kung magbebreak sila andito lang ako Papa Rob!!!

Matagal ko nang crush si Rob mula pa nung elementary.

Siguro nga di nalang crush tong nararamdaman ko. Diko alam kung infatuation or love basta ang alam ko mas malalim na sa crush to.

Siguro naguguluhan ka kung anu anung pinagsasabi ko dito. 

Diko sya nagustuhan dahil lang sa gwapo sya at talented sya. 

Siguro sya di na nya ko naaalala pati na din yung ginawa nya dati para magka feelings ako ng ganito sa kanya....

Grade 3 palang kami non magkaklasi na kami ni Rob.

Mataba nadin ako nun,madalas nakong asarin ng mga kaklasi ko.

Baboy,biik,lechon, at kung anu ano pang mga pang-asar connected sa body size ko.

Saklap no? Sa ganung edad palang hinusgahan nako dahil lang sa itsura ko.

Kaya siguro lumaki akong walang self-confidence dahil sa naranasan ko noon.

KAhit na kaya kong gawin never akong nag attempt na sumali sa mga school programs dahil natatakot ako na iinsultuhin lang naman ako ng mga kaklasi ko.

Baka sigawan nila ko na bumaba sa stage dahil nasasakop ko ang buong stage.

Kung dimo naranasang maging mataba buti kapa. Di mo naranasan na pag usapan ka dahil lang sa size ng katawan mo na akala mo may nakakamatay kang sakit.

Naging escape ko ang pagkanta.

Kapag binu bully ako ng mga kaklasi ko tatakbo ako at magtatago sa lumang building ng school namin. Di yun pinapagiba dahil may sentimental value daw sa may ari ng school. Two floors lang sya with a rooftop. Dun lang ako lagi.

Malayo sa mga tao tuwing recess namin para di nadin ako ma bully.

Natatakot ang mga bata na pumunta don, pero ako hindi ako natatakot. Dahil dun ko lang nararamdaman na ligtas ako.  Pupunta ako sa roof top at kakanta habang umiiyak.

Yun lang naman magagawa ko.

Tama nman sila. Mataba ako, mukha akong baboy. (T_T) 

Akala ko forever nakong makakiwas..

Pero last day of the school year  di ako agad nakapagtago. Paglabas ko palang sa room pinalibutan nako ng mga babae kong classmate at inasar nang inasar.

"oink! oink!"

"baboy!!"

"letson!"

Never kong nalaman kung bakit sobrang enjoy sila sa ginagawa nila sakin pero di ko din magawang pagtanggol sarili ko. Natatakot kasi ako na lalong mapag tripan.

MS. CHUBBY AND MR. BAD BOYWhere stories live. Discover now