CHAPTER 14: You're beautiful...

63 1 1
                                    

Grabe di ko alam kung papano ko pipigilan yung sarili ko na wag magtitili sa sinabi ni Rob!!!!!

Yung feeling na nakangiti ka na pero parang kulang pa yung lapad ng ngiJti mo...

Waaaaaaaahhhhhhhh!!!!

Cute daw yung pic?!

Eh di wow!!!!!!!

"Kaw naman niloloko mo pa ko."

"Hahah.. hinde no. Talagang I think it was very cute."

Grabe!!! Lord!!!

"Pero thank you talaga Rob ah? Kung di ka dumating malamang napano na ko kanina sa mga baliw na fangirls ni Billy na yun."

"Wala yon. Friends tayo eh."

Friends lang? Pwede bang more than friends?!
Hahahahah...

"Ay! Ayun na mami ko thank you ulit."
Paalis na sana ko nang bigla nyang hinawakan ang kamay ko!!

"Ah-ahhm.... hatid na kita baka may humarang na naman sayo."

Ang sweet naman nya!!!
At eto pa!! Di nya binitawan ang kamay ko hanggang sa makalapit kami kay mami ko!!!
Oh di ba haba ng hair!!!

"Mami."

"Oh kanina pa kita hinahanap eh. Nasan si Billy?"

"Ewan ko po!!"

"Galit lang? Oh sya baka gusto mo kong pakilala jan sa pogi mong kasama anak."

Grabe nakakahiya si mami.

"Mami si Rob, Rob ang mami ko."

"Rob Suarez?!"

"Ahm opo,alam nyo po pala full name ko?"

"Ay oo naman ikaw lang naman ang laging bukang bi-

Pinigilan ko sa pagsasalita si mami dahil siguradong ikukuwento nya ako.!!! Tinakpan ko ng kamay ko yung bibig nya!! Muntik na yon ah!!!!

"Anu ka ba?!"

"Mami di ba may meeting ka pa? Baka maubusan ka ng upuan. Sayang ang ganda mo kung nakatayo ka lang kaya go na."

"Hay nako gets ko na pinapalayas mo lang ako para masolo mo si Rob."

"MAMI!!!"

"Hahaha.. oo na aalis na. Bye Rob. It was nice meeting you."

"Likewise po tita. Pagpapaalam ko po pala sana si Muriel, pupunta po sana kami sa mall."

Oh my Ghed!!!!! Tama ba yung narinig ko? Pinagpaalam ako ni Rob na pupunta kami sa mall? Waaaaaahhhh!!

"Ah.. oo naman basta hatid mo sya pag uwe ha Rob?"

"Opo tita."

"Ok bye..."

"Bye po. Oh tara na Muriel"

"Bakit tayo pupunta ng mall?"
Sympre nagtataka talaga ko no! Gustong gusto ko nagtataka lang naman ako.

"Wala lang maaga pa naman and masaya ka kasing kasama.. ayaw mo ba?"

Ako?! Natural gusto ko noh!

"Ahahaha.. syempre gusto ko basta ba libre mo ko.."

"Oo naman tara." Saka nya nilahad yung kamay nya..
waaaaaahhhhh!!
Gusto nya kaming mag hold hands?!
Eh sino ba naman ako para tumanggi diba?
So go na kami sa parking lot ng magka holding hands...
#maharotNAbata

Hinatid kami ng driver ni Rob sa mall. Sosyal....
Mayaman talaga...
Wala pa syang license kaya may driver pa din sya...

"Anong gusto mong gawin Muriel?"

"Hah? Di ko alam ikaw? Anong gusto mong gawin?"

"Gusto mo munang kumain?"

"Ikaw bahala.."
Gruuu...gruuu...

Ay! Nak ng naman tong tyan na to panira ng moment!!

"Hahahahah... i think gutom ka na.. tara."

Hinawakan na naman nya yung kamay ko!
Oh my!
Kanina pa to ah?!
Nagugulat ako sa kanya....
Habang naglalakad kami papunta sa isang fastfood chain nakatitig lang ako sa mga kamay namin...
As in hello?
Crush ko na mahal na mahal ko!
Kasama ko sa mall at ka holding hands ko pa!
Ano to?
Panaginip?
Matuturing ko na ba ito bilang 2nd date namen!????
Waaaah!!!!
Wag na sana akong magising.!
Ang sarap hwakan ng kamay nya...
Gwapo na,gentleman pa! Swerte ng girlfriend nya.
Sheeeeet!!!!!
Napapano ba ako?!
Nakalimutan kong may girlfriend nga pala itong si Papa Rob!!!
Baka may makakita sa amin!!!

Bigla kong hinila yung kamay ko at napatigil sa paglalakad.

Bigla ding napatigil si Rob at tumingin sakin.

"Ayos ka lang ba? Bakit bigla kang napatigil?"

Kasi may girlfriend ka! Papano kung may makakita sa atin at itsismis tayo?
Edi mas lalo akong patay sa mga fangirls mo?
Isa pa ayokong masyadong mag enjoy na kasama sya lalo na kung pagkatapos ng araw na to kay Michelle pa din sya...

"Hah? Ah.... eh... wala... ehehehe. May bigla lang kasi akong naalala"

Tinitigan nya lang ako...

"Muriel.. hindi bagay sayo ang nagsisinungaling"

Hala! Pano nya nalaman?

"A-ako? Na-nagsisinungaling?? Hindi ah!! Pano m naman nasabi?"

"Basta... sige kung ayaw mong sabihin ok lang.. tara na??" Saka nya nilahad yung kamay nya.!

Sh*t lang!!
Gusto kong hawakan pero...

"Sige tara.." hindi ko kinuha yung kamay nya at nilampasan siya.
Ang sakit sa pakiramdam pero ayokong masaktan.
Alam ko namang nagpapaka gentleman lang naman sya...

"Ah ok sige.." bakit parang nalungkot yung boses nya?????

Pagdating namin umorder agad siya.
Diman nga nya ako tinanong kung anong order ko. Kaya super gulat ko nung pagdating nya sa mesa namin lahat ng paborito kong food inorder nya pala!!

"Wow! May pagkamanghuhula ka pala Rob! "

"Hah? Bakit mo naman nasabi?" Sabi nya sabay abot sa akin ng fries,sundae,burger,at chicken...

#tulolaway

"Kasi nahulaan mo gusto kong kainin."sabi ko habang nagsasawsaw ng fries sa sundae..
Ganyan ako ka weird... walang basagan ng trip... try m nalang...hahahaha

"Diko hinulaan.. alam ko talaga na gustong gusto mong sinasawsaw sa sundae ang fries. Nung elementary kasi tayo yan halos lagi mong baon." Saka sya ngumiti sa akin ng pagkatamis tamis na sa tingin ko talo pa ang tamis nitong sundae..

pero nagulat talaga ako sa sinabi nya...
Edi ibig sabihin pinagmamasdan nya ako noon???!!
Ibig sabihin naaalala nya parin ako..!??
Oh Em GEEE!!!!!
#oxygenplease!!!

Mas lalo akong nagulat sa susunod nyang ginawa...
"May chocolate ka sa gilid ng bibig mo" sabay punas nya sa gilid ng labi ko gamit ang thumb nya at ngiti uli sa akin!!!!
Nakakaloka!!!!
Grabe na itey!!!!

"Th-thank you."sabi ko sabay yuko ramdam na ramdam ko kasi yung pamumula ng mukha ko sa sobrang kilig!!!!

"ahahaha...Ang cute mo alam mo ba?"

"Kaw talaga Rob. Biro ka ng biro. Baka nakaka ta cute..ehehe"sabi ko habang nakayuko padin.

"No Muriel.... I really think your cute...no not just cute.." sabay hawak sa kamay ko..

Napaangat ako ng ulo dahil sa seryosong tono ng boses nya.
Titig na titig sya sa akin...

"You're beautiful Muriel...."

HOLY COW!!!!

A/N
ALAM KO...ALAM KO.... SUPER TAGAL BAGO AKO NAKAPAG UPDATE.. SORRY NA PO.... BATI NA TAYO... PLEASTHE??
PLEASE COMMENT,VOTE..!!
Love you!!!!







You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 07, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MS. CHUBBY AND MR. BAD BOYWhere stories live. Discover now