CHAPTER 4: MONDAY MORNING BLUES

Start from the beginning
                                    

"Ok lang ba ang sahig natin? Di ba nag ka crack? Sayang naman yung tiles kung nasira sa ginawa mo" 

WHAT da PAK?! Bait ng kuya ko no? Ganyan nya po ako kamahal..

"Alam mo kuya nakakainis ka"

"Kaw naman binibiro lang kita." sabay tulong sakin para makatayo.

"Hmpfh!! Ewan ko sayo!"

"Eh bakit ba kasi umagang umaga nag da dive ka? Di naman swimming pool yung floor natin ah?" tuloy padin nya na pang aasar sakin

"Kuya pwede ba wag mo sirain good mood ko?!"

"Bakit ka nga nag dive? Namiss mo na ba ang dagat?"

"Dagat?! Bakit ko naman ma mimiss ang dagat kuya?"

" Eh kasi diba balyena ka? Oh ano miss mo na?"

Balyena daw ako!!!!!!!! grrrrrrrrr!!! Makakatikim na to sakin... RAAAAAAWWWWWRRRR!!!!

" hahahahahahahahahahah! Itsura mo kanina! EPIC! SaYANG DIKO NAPICTURAN"

Diko na napigilan at tumakbo ako papalapit sa kanya. Nagulat si kuya kaya naman nadaganan ko sya ng walang kahirap hirap.

"Balyena pala ah?! Lagot kana nyan di kana makakahinga!"

"Sheeet!!! Ang bigat mo Muriel! Umalis ka jan!" sabi ni kuya pero nakangiti sya.

"Ayoko ko!"

" Ayaw mo ah?"

Bigla akong tinulak ni kuya at pinagkikiliti.

"Tama na po... ahahahahahahahah..... ayoko na....... ahahahahahahahahaha"

Ganyan kami maglambingan ni kuya. Kahit na 8 years ang tanda nya sakin para padin kming mga bata. Dalawa lang kami kaya naman close kami sa isa't isa.

"Anu ba naman kayong dalawa?" si mami

"Malelate kayong pareho sa ginagawa nyo. Hala tama na yan at mag almusal na nga kayo..." si mami padin

"Sa work nalang po ako mag aalmusal mi. Mauna na po ako." sabi ni kuya sabay kurot sa pisngi ko

"Aray ko! Kuya!"

"Di pa tayo tapos balyena.Gaganti pako sa pag dagan mo sakin"

"Sige na alis kana kuya baka walang ma harvest na saging."

"Saging? Manager ako ng bangko,saging ka jan?"

"Ah.. ganun ba kuya? Kala ko kasi taga harvest ka ng saging.... mukha ka kasing  UNGGOY!!!! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"

Kikilitiin sana ako ulit ni kuya pero nakatingin na ng masama si mami kaya umalis na si kuya papuntang work at ako naman nag simula nang kumain.

"Wag mo masyadong damihan ang kinakain mo Muriel. Baka lalo kang tumaba at di mo na masuot uniform mo." si mami

"Mami naman! Bago ang uniform ko ang OA naman kung agad agad masikip!"

"Kung dika titigil sa kaka kain mo talagang agad agad sisikip yon."

Ayan si mami ko. Lagi nya kong nireremind na mag lose weight. Never give up ang motto nya. Baket? Kasi umaasa padin sya na balang araw papayat din ako.

*cue the music*

(mangarap ka...... mangarap kaaaaaaah) o kya (wish ko laaaaaang) hahahahahaha

"Tingnan moko kahit na may asawa na sexy padin anak. Nung kasing edad moko 24 lang ang waist line ko. eh ikaw?"

Di ako sumasagot. Gora lang ng gora sa pag lafang.!!!!! ahahahaha..... Libang na libang sya kakasermon sakin kaya di nya na napapansin ang pagkain ko.

MS. CHUBBY AND MR. BAD BOYWhere stories live. Discover now