Unang Kabanata

6 0 0
                                        

"AAAAAHHHHH! TAMA NAAA! PLEASEEE!" Sigaw ng isang babae habang tumatakbo mula sa kung sinong humahabol sa kanya.

"HAHAHAHAHAHA! TAKBOOOOO!" Sigaw naman ng humahabol sa babae. "MAGLALARO TAYO PARA MAS MASAYA ANG PAGHAHABULAN NATIN!" Dugtong pa nito.

"HUHUHUHUHU. ALAM KONG MABAIT KANG TAO KAYA PLEASE, SPARE ME! I WON'T TELL THE POLICE! I PROMISE! JUST SPARE MY LIFE PLEASEEE!" Sigaw na pagmamakaawa niya sa humahabol sa kanya.

"HUHUHUHUHU. SPARE MY LIFE PLEASEEE!" Panggagaya niya sa babae. "MAGTAGO KA SA KUNG SAAN MO GUSTO, BASTA SIGURUHIN MONG HINDI KA PAPAHULI AT MAGPAPAKITA SAKIN! SA PARAANG YUN, MAAARI KA NGANG MAKALIGTAS AT MABUHAY! . . . . . . . . ANG KASO SA TINGIN MO BA AY HAHAYAAN KONG MANGYARI YUN?! GAYONG ALAM KO NA ISUSUPLONG MO AKO SA PULIS! HOY BABAE! HINDI AKO TANGA TULAD NANG INAAKALA NIYO!"

"PLEASE! STOP IT! DON'T KILL ME PLEASE?! I REALLY WON'T TELL ANYONE, EVEN THE POLICE. JUST SPARE MY LIFE! DO YOU NEED MONEY? I'LL GIVE YOU MONEY! HOW MUCH YOU WANT ME TO GIVE YOU!"

Nagkakandarapa na siya sa kakatakbo. Umiiyak habang pinipilit makatakas mula sa nakaambang kamatayan.

"HAHAHAHA. SA TINGIN MO, KAILANGAN KO NG PERA MO?! SALAMAT NALANG KASI IBA ANG GUSTO KO MULA SAYO, ANG BUHAY MO!" Tila isang demonyong bulyaw nito sa kawalan para marinig ng kanyang hinahabol ang bawat salitang gusto niyang iparating dito, at yun ay ang mapatay ito.

Dahil sa narinig ng babae ay lalo siyang natataranta at lalong natatakot para sa kanyang buhay. Iyak siya ng iyak habang hapong hapo na dahil sa kakatakbo. Ngunit alam niyang kailangan niyang magpatuloy sa pagtakbo para sa kaligtasan niya.

Kailangan niyang makahanap ng pupwede niyang mapagtaguan upang di siya mapatay. Sarili nalang niya ang maaasahan niya ngayon dahil patay na lahat ng kasama niya. Pinatay 'niya' silang lahat! Bale siya nalang ang natitirang buhay. Ang natitirang ligtas! Ngunit napagtanto niyang hindi pa siya ligtas dahil kasalukuyan siyang nakikipagkarera at nakikipaghabulan kay kamatayan. Ayaw niyang magkubli sa mga puno dahil alam niyang madali lamang siyang mahahanap nito sapagkat napakaliwanag ng buwan. At natitiyak niyang makikita agad siya nito. Hindi naman siya pwedeng umakyat sa puno dahil alam niyang matatrap siya pag nagkataon.

Sa ngayon, kailangan niyang makaisip ng matino para sa kanyang kaligtasan. Hanggang sa napadpad siya sa isang abandonadong mansyon! Kung sisipatin ito ay parang ayos pa. Napakaganda ng pagkakagawa at disenyo nito. Ngunit winaksi niya agad ang naisip dahil kailangan na niyang makapagtago. Walang anu-ano'y inakyat niya ang nakakandado nitong tarangkahan at dali daling pumasok sa loob ng mansyon. Kung iisipin ay nakakatakot ang kabuuan nito. Oo nga't maganda ang disenyo pero may kakaiba sa mansyon sapagkat sino ba naman ang makakaisip na magtirik ng isang mansyon sa di mo malamang lugar. Malayo ito sa kabihasnan! Ni walang kapit-bahay! Tanging gubat at puros mga nagtataasan at nakakatakot na malalaking punong-kahoy ang nakapalibot dito!

Pero imbes na lalong matakot ay mas nilakasan niya ang kanyang loob dahil mas nakakatakot yung taong kanina pang humahabol sa kanya.

Kasalukuyan siyang nag-iisip kung saan parte siya ng mansyon magtatago. Iniisip niyang malaki ito masyado para lang magsalubong ang landas nila. Kaso bigla siyang pinanindigan ng balahibo sa narinig!

"TAO POOOO! ALAM KONG NANDYAN KA SA LOOB! HAHAHAHAHA! HINDI MO AKO MATATAKASAN AT SISIGURADUHIN KONG MAMAMATAY KA RIN TULAD NG SINAPIT NG IYONG MGA KAIBIGAN! HAHAHAHA!" Naiyak na naman siya.

Nakapangingilabot talaga ang boses nito! At mas lalo siyang naiyak nang marinig na unti unting bumubukas ang tarangkahan ng mansyon. Lumalangitngit ito dahil sa nagkikiskisang bakal at kalawang.

Kailangan na talaga niyang magtago! Ngunit saan? Umakyat siya sa ikalawang palapag at naghanap ng maaaring mapagtaguan na kwarto. Pumili siya ng isa sa nakahelerang mahigit sampung kwarto. Nagtago siya sa isang malaking aparador at naglaan siya ng maliit na siwang upang makita niya ang pintuan ng naturang kwarto. Halos hindi na siya humihinga sa lagay niya ngayon. Ayaw niyang gumawa ng kahit anong ingay na alam niyang ikapapahamak niya.

Medyo nangangalay na sya sa pagtayo sa loob ng aparador dahil hindi pa siya nakapagpapahinga maski saglit lamang. Nang biglang. . .

"BULAGAAAAA!" Ang biglang paglitaw at pagsilip ni kamatayan sa siwang kung saan siya mataman na nagmamatyag.

"AAAAAHHHHH!" Ang nagtititili niyang sarili. Takot na takot! Wari mo'y papanawan siya ng ulirat anumang saglit. Wala na siyang takas dahil wala na siyang iba pang matatakbuhan.

Hindi niya mawari kung paano siya nito nahanap. At nagtataka siya kung paano at saan ito pumasok gayong iisa lamang ang pinto ng kwarto at tanging ang nakasarang bintana ang isa pa nitong pwede mapasukan. 'PERO PAANO?!' Sigaw niya sa kanyang isipan. Ni hindi man lang ito nakagawa ng kahit anong ingay at heto na nga siya sa harap niya.

"MAMAMATAY KANAAAA! HAHAHAHA!" Ang huling mga salitang kanyang narinig. At ang huling bagay na kanyang nakita ay ang pagkislap ng talim ng duguan nitong gulok.

GulokOpowiadania do pokochania. Odkryj je teraz