Very Light

31 2 0
                                    

"MAEGAN DELA CRUZ, WILL YOU BE MINE AGAIN?" ang nakalagay sa tarpaulin tapos may hawak pa syang cartolina na may 'I LOVE YOU, MAEGAN' tas may mga heart heart pa.


Kikiligin na ba ako?


Kase..


Kininikilig ako.. ng VERY LIGHT. Wait, ano ba 'tong sinasabi ko? Umayos ka, self.


"Kinikilig ako sa inyo beshie! Sana ako din hays. Alam mo ang effort nya. May mga lalaki pa bang nag-eexist na katulad nya?" Sabay hampas sakin ni beshie.


Ako naman, straight face gaming lang. Dapat di ako magpaapekto. Tama. Kalma lang, self. KALMA. Dyosa manners lang.


"Maegan Dela Cruz! Sorry sa lahat ng nagawa ko! Wag mo na akong iwasan, pls? I know I made a mistake which is we broke up. Pero, pagkatapos noon, di ka na mawala sa isip ko and nagsisisi na ako. Corny mang pakinggan pero will you let me court you again and be mine?" sigaw niya mula sa taas ng building.


"Swerte naman nya."

"Kinikilig ako sa kanila!!!! Omg!"

"Ano ba yan, pabebe pa sya kung magno-no sya sa kanya."

"Nabibitter ako, tara na nga."


Yan mga narinig ko nung nagconfess si ex sa taas. Ano ba yan, nakakahiya naman eh. Lantad na masyado pangalan ko. Hays. Pero ano ba dapat ang ireresponse ko?


"Tatalon ako dito pag di mo 'ko sinagot!" Sigaw pa nya mula sa taas ng building.


As if namang tumalon sya dyan. DUUUUH! Tumalikod na ako at pupunta na lang sa room. Nagsimula na akong maglakad nang nagsigawan ang mga tao.


Humarap ulit ako sa kanya at nakita kong konti na lang at mahuhulog na talaga sya. Seryoso ba sya?! 


"Beshie, sagutin mo na kase. Maawa ka naman don sa tao. Nag-effort na nga para sayo eh." PIlit sakin ni beshie.


"Oo nga ate, sagutin mo na." Sabi ni ate na di ko kilala.


"Tatalon talaga ako dito, Maegan pag di mo 'ko sinagot!" Sigaw nya.


"OO NA!" Sigaw ko. Para matapos na.


"YES! WALA NG BAWIAN YAN HA! I LOVE YOU MAEGAN FOREVER AND EVER!!!!!!" Nagflying kiss pa sya sakin.


Nacricringe ako pero inaamin ko na kinikilig ako..


ng VERY LIGHT!!! Wag nga kayo dyan.


------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 02, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon