"Nak! bangon na alis na ako yong pambayad mo sa tuition mo nasa ibabaw ng Ref ha! Alis na ako Nak"
Bahagya siyang naalimpungatan sa pagkakatulog at dalidaling tumayo upang buksan ang pinto ng kuwarto niya.
"Ma! anong oras ka uwi mamya?
"Katulad pa din ng dati Nak mga 7:00 or 8:00 depende pag maaga ako makasingil sa mga paninda ko" paliwanag nito habang busy sa pag aayos ng mga gamit niya.
"Ma! baka ganung oras din ako makauwi kasi may group project kaming tatapusin sa bahay ng kaklase ko." Nakaupo siya ngayon sa hagdan at pinag mamasdan ang aligagang Ina sa pag aayos ng mga paninda nito na dadalhin sa opisina.
"Ganun ba Nak oh eh di lutong ulam na lang bilhin ko mamya kong ganun okay lang ba?
Siya kasing nakatuka mag luto ng uulamin nila sa gabi dahil sa laging gabi na nauwi ang kaniyang Ina. Single parent ito at tanging ito lang ang nag isang bumuhay sa kanilang dalawang magkapatid. Nasa second year highschool siya noon nong inatake sa puso ang ama niya na naging dahilan ng maaga nitong pag panaw.
Isang taon ding nagluksa silang mag iina bagamat mahirap sa umpisa nakayanan din naman nilang mamuhay ng sila sila lang ang kinukuhanan ng lakas at inspirasyon.
Mataas ang respeto niya sa kanyang Ina dahil sa napakasipag nitong mag trabaho para mabuhay silang dalawang magkapatid.
Apat na taon na nakararan ng pumanaw ang haligi ng kanilang tahanan pero mistulang hindi sila natibag sa pinansiyal na aspeto.
Kahit papaano ay may nakuhang pera ang kaniyang Ina mula sa SSS at sa kumpanyang pinapasukan noon ng kaniyang Ama. Ginamit ito ng kaniyang Ina para palaguin ang negosyo nitong buy and sell na mga kung anu anong gamit na pampersonal. Bukod siyempre sa pagiging regular nito sa trabaho silang clerk sa isang bus lines company na nag cooperate sa papuntang south Luzon. Sa Buendia ang Opisina nito kung saan nandun ang terminal ng Bus na pinapasukan nito.
Madiskarte ang kanyang Ina sa dami ba naman ng bayarin nila tulad na lamang nitong bahay na kasalukuyan pa rin nilang hinuhulugan. Isama mo pa ang gastos sa pag aaral nilang magkapatid at sa mga utility bills at siyempre yong pang araw araw na pagkain nila.
Kaya naman sa sobrang sakrispisyo na ginagawa ng Ina niya sinusuklian naman niya ito ng pagtulong sa mga gawaing bahay. Siya ang nakatukang mag linis ng bahay bago umalis. At magluto ng hapunan nila sa gabi.
"Nak kilos na gisingin mo na kapatid mo" bahagya ng nag balik diwa niya sa pagkakaupo sa hagdan. Maagap nanaman niyang sinunod ang Nanay niya at tinungo ang silid ng Ina kung saan natutulog ang nakababata nitang kapatid.
Dalawa lang ang kuwarto nila sa bahay na yon. Katamtaman lang ang laki ng bahay nila sa baba matatagpuan ang sala at kusina at ang maliit na CR na tapat naman ng bakanteng espasyo kung saan sila naglalaba ng damit. Sa taas ang dalawang kuwarto at isang maliit na CR din. Simula noong mamatay ang kaniyang ama magkasama ng matulog ang kapatid niya at ang kaniyang Ina. Kaya naman solo niya ang isang kuwarto.
Apat na taon ang agwat ng edad nilang magkapatid. Nasa grade 7 na ito ngayon samantalang siya ay second year college. Inabot kasi ito ng K12 kung kaya naman nasa Grade 7 pa din ito.
Matapos gisingin ang kapatid sumunod din naman ito sa kanya para kumain na ng almusal.
"Mabel Nak mag isa ka lang dito mamya pero pilitin ko makauwi agad ng maaga ha. Magsaing ka na lang at ako na bibili ng lutong ulam para sa hapunan natin at gagabihin daw ang kuya mo may project siyang tatapusin" madetalyadong pagbilin ng kaniyang Ina.
"Okay Mimi, puwede lechon manok ulam natin" ganito talaga tawag nito sa Ina hindi niya rin alam pano nito naiisip tawagan ang Ina nila ng "Mimi". Samantalang siya Mama tawag niya sa Ina nila. Ang iniisip niya noon baka na impluwensiyahan ito dahil sa mga Korean drama na pinapanood nito. Pero later on na pag alaman niya di naman pala Korean language yon hanggang sa nakasnayan na lang niya kaya di na niya ito pinapansin.
YOU ARE READING
Ang Sutil Na Apo Ni Mamita
HorrorSi Rainier ay isang estudyanteng nangangarap makatapos ng pag aaral at magkaroon ng isang maganda at kompotableng pamumuhay sa hinaharap. Naka plano na ang lahat sa buhay niya ultimo ang Kompanyang papasukan niya pag naka graduate siya nasa listaha...
