Chapter 32 ♥ Stay Strong

Start from the beginning
                                    

"Mom, please wag ka ng umiyak. Chylee is strong. Sky is strong. We're strong. Gagaling kami ni Sky, mom. So please? Ayoko pong makita ka na umiiyak.."

"Chylee..."

Hinawakan ni Chylee ang pisngi ko. "Mom, magkakaroon ka ng eye bags pag umiyak ka pa. Papangit ka nyan mom. Maybe dad will hate you kapag may eyebags kana.."

Napapangiti ako sa sinasabi ni Chylee pero hindi ko kayang pigilan ang luha ko. Ang bigat sa dibdib ko sa kabila ng ngiti ni Chylee, hindi nya alam na hindi lang basta sakit ang meron siya, kundi malubhang sakit. 

"See. You're prettier when you're smiling Mom." Tumingin sya kay Kyle na nasa tabi ko. "Dad, don't let Mom, cry."

"Yes baby. I won't." Sagot ni Kyle. 

Isa kami sa mga pamilya na, ma-de-describe na HAPPY FAMILY. Pero sa pagkakataong ganito, parang hindi ko kayang panindigan ang pagiging happy. Hindi ko kayang makaramdam ng saya hanggat alam kong nasa panganib ang buhay ng kambal. 

God, kunin nyo na lahat saken..lahat lahat wag lang ang pamilya ko..wag lang sila, nagmamakaawa ako..

Hinawakan ko ang kamay ni Chylee. "Baby, magpapagaling ka diba? Malakas ka? Lalaban ka sa sakit mo, okay? Nandito lang si Mommy at Daddy. Andito lang kami.."

Saka ko sya hinalikan sa noo. "You should take a rest na. Look at Sky, he's taking a rest."

Tumango naman siya. 

Napatingin ulit ako kay Skyler. 

Dug, dug..
Dug, dug..

May mali eh. May kakaiba. May...mabagal ang paghinga ni Skyler. 

"Sky! Sky! Skyyyy! Kyle! Yung paghinga ni Skyler. Tawagin mo yung doctor. Tawagin mo!"

"Fvck!"

Tumakbo si Kyle para tawagin ang doctor. Hinawakan ko sa kamay si Sky. "Baby Sky? Baby..Baby no. Wag mong takutin ng ganito si Mommy. Hold on. Baby hold on.."

Tumakbo papasok ang doctor kasama ang mga nurse. Agad nilang itinulak yung bed niya papunta yatang emergency room. 

No, no..

Nayakap ko ang sarili ko sa pag-iyak. Hindi ko kayang sundan kung saan dadalhin si Sky. Hinayaan ko na si Kyle. 

Lalo akong napahagulhol. 

God, bakit ang lupit lupit mo saken. Naging mabuti naman ako, diba? Diba!? Bakit mo to ginagawa sa mga anak ko. Nakikiusap ako iligtas mo ang anak ko..

"Mom, what happen to Sky?"

Tumingin ako kay Chylee na clueless sa mga nangyayari. "Wala yun baby. Okay? Magpahinga kana.."

"But you're crying too much. What happen."

"Masakit lang ang mata ni Mommy. Sige na tulog kana. Okay? Pupunta pa tayong Europe bukas, right?"

"Yey! Europe. Okay. I will sleep na mom. Please take good care of Sky."

Tumango lang ako saka hinaplos ang buhok nya. Ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko. Ayokong mag-isip ng kahit ano. Ayoko. Okay lang si Sky. Okay lang sya. Okay lang sya!

Pupunta na nga kaming Europe para sa surgery nila eh. Pupunta na kami. Wag naman ganon. Wag naman ganito. Di bale ng saktan nyo ako ng paulit-ulit, tatanggapin ko kapalit ang kaligtasan ng kambal. 

Napatingin ako sa pinto ng kumalabog yun. 

"B-Baby ko.."

Hindi. Hindi ko gusto ang awra ni Kyle. He's crying. Hindi. Ayokong mag-isip ng negative. Ayoko please. 

"K-Kyle sabihin mo, ligtas na ba sya? Ligtas na si Sky? Ibabalik na sya dito sa kwarto diba?"

Tumungo sya dahilan para lapitan ko sya at hinawakan sa magkabilang balikat. "Bakit 'di mo sabihin!? Ligtas na sya diba? Ligtas na sya..."

"Baby ko..si Skyler, 50:50 na ang kalagayan nya. Kailangan na nilang sumailalim sa surgery. Pinahanda ko na ang private plane. Okay? Inaayos nalang ang mga aparatong nakakabit kay Sky. Dadalhin na natin sila sa platform kung saan naroon ang private plane na sasakyan natin papuntang Europe. Tumawag na rin ako kay Mandy at James para ipag-ayos tayo ng mga damit. Sasama sila papuntang Europe."

Natulala ako. Hindi ko alam kung bakit napatulala ako sa kwalan. Yung paligid ko parang nag-pause. Hindi gumagalaw. Parang lutang na lutang ako. 

50:50? So it means, 50% nang chance na mabuhay siya at 50% ang chance na..na...HINDI! Hindi!

"Kung may powers lang ako tulad ng mga superhero? Gagamitin ko yun para mawala ang sakit ng kambal. Kahit pa kapalit non, sarili kong buhay.."

Kasunod niyon ang pag-ikot ng paningin ko hanggang tuluyang maging itim ang buong paligid. 

MPMMN 3: Together ForeverWhere stories live. Discover now