Chapter 30 ♥ Not Now..

430K 8.1K 1.2K
                                    

 Chelsea POV

Na-e-excite ako sa Europe tour naming buong pamilya. Ang saya lang kase napahiling ako kay Kyle na mamasyal kami, mas bongga pa pala sa hiling ko kase out of town kami. 

Sa isang araw na ang alis namin kaya mas lalo pa'kong na-e-excite. 

Si Kyle nasa company ngayon. Bukas, start na ng leave niya. Three weeks kami sa Europe. For sure mag-e-enjoy kami dun. 

Lumabas na'ko ng kwarto saka bumaba sa kusina. Tumulong ako sa katulong na maghanda ng lunch namin ng kambal. Chinecheck ko pa din kase 'yung mga pagkain. Ayokong maulit 'yung napagalitan ni Kyle si Chylee kase pinulaan 'yung pagkain na nakahain--na si Kyle pala ang nagluto. 

Naabutan ko ang katulong na nag-aayos na ng pagkain sa mesa. Chineck ko nalang isa-isa. 

"Ma'am may tawag po para sa inyo." Sabi ng katulong. 

"Susunod na'ko." 

Sino naman kayang tatawag sa landline? Mas uso na ngayon ang mobile phone eh.

"Hello?"

[Twinsis.]

O_O

"Yumi! Bakit 'di kayo natuloy umuwi?" Nakaka-miss din tong si Yumiko. Hindi kase sila natuloy umuwi dito sa Pilipinas. 

[Something came up. Busy si Lance sa company namin dito. Hindi pa siya makapag-leave. Kumusta?]

Sayang naman. Sabagay, si Lance naging work-aholic na rin yan eh like Kyle. "Ayos lang naman kami. Sa isng araw pupunta kaming Europe, mamamasyal."

[Wow. Nice, nice. Miss ko na kayo.]

Bigla naman akong nalungkot. Nakaka-miss kaya 'tong mga 'to. Si Janna nga 'di na masyadong pumupunta dito sa mansyon. Hindi na rin kami masyadong nagkakausap. Busy yata sila.  

"Miss na din namin kayo. Excited na'kong ma-meet ang baby nyo."

[He's excited to meet you all too.]

He? "Lalaki ang baby nyo?"

[Yes, he's a boy. At kamukhang-kamukha ni Lance. Ang lakas ng genes eh. Haha.]

"Great. Sana nga makauwi na kayo."

[Oo nga. So bye for now. I need to hang-up na. Nangumusta lang ako.]

"Okay. Take care!"

[Yeah. You too. Bye.]

*toot toot*

Hays. Nakaka-miss talaga sila. Ako, lagi nalang dito sa bahay. Syempre kahit may katulong, gusto ko minomonitor ko pa rin ang kambal. 

"Mommmmmmyyyy!"

Napatakbo ako sa kusina. "Yes baby?"

"Nothing Mom. Let's eat."

Ang anak kong pinaglihi sa megaphone. "Okay."

Inalalayan kong umupo ang kambal saka ako umupo. 

"Mom, I'm excited to go to Europe." Sabi ni Skyler. 

I smile. "Sa isang araw na yun babies."

"Yehhhheeeyyyy!" Sigaw ni Chylee. 

Napangiti ako lalo. Seeing them happy, makes me happy too. Syempre, ina nila ako. Kung ano yung nararamdaman nila, doble para saken. 

"Let's eat na kids." Sabi ko. 

Nagsimula na kaming kumain. 

"Yow!"

MPMMN 3: Together ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon