Chapter 8 ♥ Text

646K 8.4K 618
                                    

Chelsea POV

Dito na naman kami sa tabing-dagat. Karamihan sa tigers ay nagsu-swimming na kasama ang kambal. Para tuloy gusto ko ng mag-swimming.

"Gummy bear swimming muna ako." Sabi ko.

"Let's go." Sabi nya saka tumayo na sa pagkaka-upo sa buhangin. Teka, si Kyle? Magsu-swimming? Kanina ko yan niyaya, ayaw. Tapos ngayon 'di ko sya niyaya biglang sasama?

"Akala ko ba ayaw mo mag-swimming?" Tanong ko. Hindi pa rin ako tumatayo. Nakaupo pa din ako sa buhangin kaya nakatingala ako kay Kyle.

"Tch. Nagbago na isip ko." Sagot nya.

Bipolar talaga si Kyle. Nagbago daw isip. Aish. Tapos parang ang cold nya. Hindi naman totally cold. Kumabaga hindi sya sweet. Okay na kami kanina 'diba?

Naglakad na kami papuntang shower area. Para magbabasa muna kami bago magswimming. Hindi man lang nya hinawakan kamay ko.

T_T

Ano bang problema ni Kyle? Bakit kakaiba sya ngayon. Kanina nalaman ko na problema nya ba't ganon treatment nya sa'kin pero okay na eh. Bakit ngayon..ah ewan!

"K-Kyle.." Tawag ko sa kanya. Kasi nauuna na syang maglakad eh.

"O?"

T__T

Ano ba talaga? Bakit ganito si Kyle. Hindi ako sanay eh.

Umiling nalang ako. "Wala." Parang gusto kong maiyak tuloy. Nung after namin maging okay sa restaurant, sumaglit lang naman kami sa kwarto namin para magpalit ng damit. Yun lang. Bakit bigla-bigla nagbago na naman mood nya?

Nagshower na sya. Ako din. Then after balik kami sa tabing dagat. Same treatment. Nauuna na din sya maglakad. Hindi nya din ako kinakausap.

"Awww!" Sheet! Nakaapak pa'ko ng patusok na bato. Aray naman. Napaupo ako. Si Kyle tuluy-tuloy ang lakad.

"Kyle!" Sigaw ko na ikinalingon naman nya. Lumapit sya sa'kin.

MPMMN 3: Together ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon