Chapter 45

1.7K 72 7
                                    

Ares

"James" sambit ko ng makita ang nakangiting mukha ni James na papalapit sakin

naramdaman kong may humawak ng mahigpit saking kamay at pagtingin ko... seryosong mukha ni Charlotte ang nakatitig sakin, nagbabanta ang kanyang mga mata... nag uusap ang aming mga mata ng yakapin ako ng kung sino...si james pala hindi ko napansin na nasa harap ko na

umangat ang kanyang labi na may parang gustong sabihin habang nakatingin samin ngunit walang salitang lumalabas dito maliban sa kamay niyang pilit niyang binabawe dahil sa hinigpitan ko ng hawak para di umalis

"apat na araw kang nawala namiss kita ng sobra.. kumusta kana ha? nangitim ka ng konte haha"  suri niya sa katawan ko habang natatawa

"ikaw ba naman patirahin sa bundok ng apat na araw tsk! tawa ka pa" wika ko, napansin niya ang kamay ko na hindi binibitawan ang kamay ni Charlotte.. nangungusap ang mga matang palipat lipat samin ng tingin

"hindi mo nababanggit magkakilala pala kayo ni Ms. Flores"  nabigla ko sa sinabi niya.. hindi ko pa naman nababanggit ang pangalan ni Charlotte at lalong hindi pa sila nagkikita ngayon lang

"kilala mo si Charlotte?" tanong ko at ngumiti siya sabay tango, tumingin ako sa katabi ko na nagtataka rin

"maybe you don't know me yet, I'm James Nathaniel Cruz anak ng may ari ng manila publishing company kung saan kita unang nakita siguro hindi mo ako nakita noong pumunta ka sa company namin pero ako tanda ko pa rin mukha mo" nakangiti niyang sabi habang nakatingin kay Charlotte

"sweetheart!!" nawala ang pag uusap namin ng lumapit si tita Charlie hawak hawak si tita sunny kasama si daddy, si tita Gabrielle , si tito Carl, at tita justine kulang nalang si tita izzy kala ko ba 1week sila sa hacienda de flores?

"mum! nay!" salubong sa kanila ni Charlotte at nagsilapitan na rin ang mga kaibigan ko ng makitang nakababa na ang mga parents namin

"dad! mah!" yakap ko sa parents ko at masayang tinapik tapik nila ako sa balikat

"my daughter we're so proud of you! you did it!" bigkas ni daddy habang naakbay na sakin si mama

"yes because of her" ngiti kong sabi at tumungin kay Charlotte na iipitin na ata ni tita Charlie at sunny haha.. natawa na lang kami sa kanila

"mukhang inlove na ang baby boy ko ah" birong bulong sakin ni mama

"mah! babae po ako!" correction ko at humagikhik lang siya

"ano nakascore kna b----

"dad naman!" asar kong sabi pinagtulongan pa talaga nila ako

napatingin kami kay tita rhea na katabi lang namin

"ikaw talagang bata ka hindi ka ba nag iingat? tingnan mo tuloy nakagat ka ng lamok tsk!.. lagot sakin izzy n----

"mama ano ba lamok lang yan!" pigil sa kanya ni zeus haha..

"anong lamok lang pano kung nadengue ka ha?"

"ang OA mo honey isang kagat lang ng lamok dengue na agad?" natatawang wika ni tito Charles at inis na tinapik siya ng asawa niya

si tita Gabrielle naman todo suri sa kambal niya kung may gasgas ba ang kanilang katawan ganun din ang ibang parents na sobrang protective sa mga anak nila

"wow! I think I'm dreaming" wala sa sariling bigkas ni james habang pinaglilipat lipat niya ng tingin ang mga parents namin

natawa si daddy sa reaction niya

"you're not dreaming kiddo" biro ni daddy at nahurt siya kunyari sa pagsasabi ni dad ng kiddo

"uy Ares wala ka bang announcement ngayon?" ngiting aso ni Athena sakin nabalin ang attention nila pero wala naman pagtatanong sa kanilang mukha bagkus ay nakangiti pa sila.. nahiya tuloy ako sa kinatatayuan ko

THE HEIRS (MBTS gxg book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon