Chapter 34

1.9K 76 5
                                    


Adriana

"whoaa!!! ang lamig ng hangin!!!" sigaw ni athena habang nakatayo sa dulo ng yate

nakasakay na kami ngayon at kasalukuyang nagbibiyahe papunta sa samal siguro hindi sumabay samin sina Charlotte at danielle diko kasi sila mahanap pati rin si hera wala dito saan kaya nagpunta yun baka naman naiwan?

"zeus nakita mo ba si hera?" tanong ko sa katabi ko na busy sa pagsolve ng rubiks

"kasama kanina si maricar baka hindi daw sila makasabay satin"

"huh? may iba pa bang bibiyahe bukod dito?"

"I don't know, maybe" kibit balikat niya at ipinagpatuloy ang ginagawa

tumingin ako sa phone ko para tawagan siya...shit! walang kasignal signal

"nagpuslit ka ng phone isusumbong kita" napatingin ako sa nagsalita, si eros pala
at ang loko akala ata hindi ko nakikita ang wire ng headset sa loob ng kanyang jacket

"unahan tayo" ngisi ko at mabilis na hinugot ang wire sa kanyang leeg

"dika naman mabiro" rolled eyes niya at tumabi kay zeus

daig pa ako tsk! siya lang ang lalaking maghilig magpaikot ng mata

"athena?" tawag ko sa kanya at lumundag pababa

"bakit ba?"

"nakita mo ba kanina si hera?" tanong ko

"oo naman"

"asan siya?"

"anong asan siya sabi mo kanina? oo nakita ko siya pero kanina ngayon ewan ko diko pa napapansin"  sagot niya

"puntahan ko lang si eric" excuse niya at tumakbo paalis

inioff ko ang phone ko para hindi madetect tsaka pumasok sa loob, kunti lang ang tao siguro nagpapahinga lang sila sa mga cabin nila

derederetsong pumasok ako sa cabin namin nina ares at athena

"Adrian where's athena" si ares habang nakadapa sa kanyang higaan... nagbabasa ata ng novel

"andun sila sa labas..  bat ka nagkukulong dito" tanong ko at tumabi sa kanya sabay unan sa likod niya

"hindi ako nagkukulong nagbabasa lang" sagot niya

"nag usap na ba kayo ni Charlotte" ako

"meron ba kaming dapat pag usapan?" balik tanong niya

"bakit hindi mo subukan pakinggan ang side niya.. malay mo ito na yung matagal mo ng pinapangarap" ako at umayos ng higa para mapantay ang mukha namin

"nakuha ko na ang mga pangarap ko ano bang pinagsasabi mo" ngiti niya at ipinatong sa mukha ko ang binabasa niya

"talaga?... so ok lang sayo na mawala ulit si Charlotte?" push ko pa

humiga siya patihaya at tumutok rin sa taas

"dati na siyang nawala.. nakaya ko naman diba? bakit pa ako matatakot kung mawala siya ulit.. "  mahina niyang sabi sabay tingin sakin

"wala na akong pakialam pa" dagdag niya pa bago umupo

hindi ako naniniwala... sinasabi lang niya yan dahil nangunguna ang pride niya but deep inside kilalang kilala ko ang ugali ni ares sabay kaming lumaki kaya wala siyang maitatago sakin

hindi nku nagsalita pa at kinuha ang binabasa niya..

libro ni Ms. marketing kay athena siguro to hindi naman mahilig magbasa ng business book si Ares

THE HEIRS (MBTS gxg book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon