Chapter 8 - G

1.2K 52 4
                                    

------may problema sa format, sorry folks.

Chapter 8

"Thanks for the ride, Levin Light." pasasalamat ko sa kanya ng nakangiti.

He looks shocked for a while, pero bumalik din sa normal.

"The way you say my name sounds really good you should do that more often" Diretso sa mata ko ang tingin niya habang sinasabi ang mga katagang 'yan.

Hanggang ngayon habang papunta ako hospital room ng lola ko naglalaro pa rin sa isip ko ang mga sinabi ni Levin Light, bawat salita niya parang may laman.

Tuwing kasama ko siya at malapit siya sa akin mabilis na naghuhuramentado ang kalooban ko.

Really new, this feeling is really new.

Kaylangan ko siguro ipasantabi muna ang mga nararamdaman kong kakaiba. Marami pa akong dapat malaman na tanging si Lola ang makasasagot.

"Five hundred one, five hundred two.... Finally five hundred three"

Kumatok ako ng dalawang beses bago tuluyang pumasok.

"Ria apo ko ikaw pala!" pagbati sa akin ni Lola pagkakita sa akin. Tinanguan naman ako ng aking lolo at bumalik sa pagbabasa ng diyaryo,since na mas malapit siya sa akin sa kanya ako unang nag mano. Pagkatapos ay kay lola naman na may kasamang halik sa pisngi.

"Apo gabi na ah dapat hindi ka na bumisita sa akin delikado na sa daan pag-uwi mo. At saka paano ka nakapasok tapos na ang visiting hours diba?" mahabang sinabi nito sa akin pag katapos ay sinenyasan akong iabot ang baso ng tubig sa gilid ko.

"White lies la," maikling tugon ko. Naalala ko na muntik pa ako hindi papasukin ng guard nang sabihin kong apo ako ng pasiyente at kaylangan niya ng magaalaga, buti nalang naalala kong may ID ako.

"Mahal hindi pupunta ang apo mo ng dis oras ng gabi kung walang kaylangan.." walang lingon na pahayag ng aking Lolo sa aking lola.

"A-anong n-nangyari apo? May t-tanong ka ba?" Hindi nakaligtas sa akin maging sa Lolo ko ang pag-ka utal ni Lola. Nakita ko rin na nagbigay siya ng makahulugang tingin kay Lolo Claudeo.

Ilang sandali lang ay napansin kong kami nalang ni Lola ang nasa loob ng silid. Nakabibingi ang katahimikan.

"La.." Pagsisimula ko.

"A-apo"

"Ilang taon na po ba talaga ako?" aking tanong ng diretso ang tingin sa bintana, umuulan pala.

"Disisiyete apo.." Oh right seventeen, I am seventeen years old.

"Kung ganun po bakit nasa high school pa lamang ako, hindi naman ako naabutan ng K-12. Yung Medical Certificate ko, yung iba pang inpormasyon tungkol sa akin. Bakit po nangangapa ako sa sarili kong buhay?" mahabang turan ko, hindi ko namalayang naiyak na ako sa sobrang sakit ng ulo ko dulot ng dami ng tanong ko sa isipan kong wala pang kasagutan.

"A-apo tingin ko kaylangan mo na siya kausapin. Oras na hija hindi siya ang may kasalanan kung bakit namatay ang mama mo upang kasuklaman mo. Sakit ang dahilan apo." hinawakan niya pa ang balikat ko at hinaplos ang buhok ko

"Hija hindi ka makalalabas sa nakaraan mo kung hindi mo bubuksan ang pintuan gamit ang susi at siya ang susi apo. Matuto kang magpatawad hija kung may' nagawa man siyang kasalanan" Tsk, 'kung?' They don't know a little things.

"Lola kaya mo akong liwanagan diba, why can you just spill it out?" napansin kong may pagka tunog desparada na ang aking boses.

Its been a while since nagkaroon kami ng ganitong pag-uusap "Please lola.. please..."

The Cowardly Princess (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon