#10: Bonding

25 0 0
                                    

Ilan weeks ako sa ospital with my family going in and out of my room atsaka si Alec, ang bago kong boyfriend na siya mismo alam niyang isa lang siyang hamak na PANAKIP-BUTAS.

Tama ang pagkakabasa niyo. Hindi kayo duling, pumayag siya na maging lang siyang panakip-butas nang tanungin ko siya nung kagigising ko lang galing sa coma ko. Nakakagulat man pero totoo at hanggang nung nagstart itong so-called relationship namin, ganon pa rin pero minsan dahil sa kabaitan na pinapakita niya sa akin, nagi-guilty ako. Hindi ako sobrang sama para hindi naman maramdaman ng tao yung ganon.

"Z, kumusta ka na? Hindi na ba masama pakiramdam mo?" habang nginingitian niya akong kalaki-laki akala mo si Joker na.

"Oo naman, lagi kayong nandito nila mama kaya ayan tuloy napapagod ko kayo. May dala ka bang mga assignments uli para sa akin?"

pinandadala niya ako ng mga assignments at project para at least may grade ako, naiintindihan naman ako ng adviser namin kasi siya din ang isa sa mga nagpapayo sa akin kahit na siya mismo bigo sa pag-ibig.

Pag-ibig your face, Z. Sadyang ASSUMING ka lang.

"Oo, meron. Ang galing nga e, origami. Ano kaya pwede nating gawin? Hindi ko nga lang nadala yung libro ko nun ng origami kaya wala muna siguro tayong magagawa." sembreak lang namin kaya may assignments pang ni-rush.

"Gusto mo ang origami?" tanong ko sa kaniya.

"Oo, 'yon nalang kasi ang iniwan sa akin ni mama ko nung kinuha na siya ng Diyos."

"Um... Alec."

"Okay lang, Z."

"H-Hindi 'yon, Alec..."

Nanlaki bigla ang mga mata ko nung makakita naman ako ng napakalaking ipis sa ulo ni Alec... HOLY OH MY GOSH! FEELING BUTTERFLY ITO!!!

Huminga ako ng malalim.

"ALEC! MAY MALAKING IPIS SA ULO MO!"

"Ha?!"

Pagkasabi ko nun lumipad ang ipis na feeling butterfly! Ay anak ng kabayo naman! Ayaw ko sa lahat ang mga 'yan! Yung nakikigaya sa akin na assuming at feeling na I can flyyyy! Sumigaw-sigaw ako at itunutulak si Alec para patayin e kaso MAS DUWAG PA SA AKIN SI ALEC! Gusto kong tumawa nang tumawa pero it's not like I'm little miss brave girl here.

"ALEC! DALI NA! PATAYIN MO NA! HINDI BA DAPAT KNIGHT IN SHINING ARMOR KITA?! PATAYIN MO NA 'YANG FEELING DRAGON NA YAN!"

"A-AH! G-GUSTO KO K-KASO--! AAAAAAAAHHHHHH!! Z! HINDI KO NA KAYA! BUTI NASA OSPITAL TAYO! MAMATAY NA TAYO, Z!"

"ADIK KA BA?! P-PATAYIN MO NA KASI!!!"

Naglanding yung ipis sa may side table namin.

"Z-ZENA MANALO! UMUSOG KA! ITAGO MO AKO SA BLANKET NA YAN! DALI!!!"

"H-HA?!"

Bago pa man ako makapagreact e pumasok na siya sa loob ng kumot ko. Nanginginig kami at sakto pa naman dumapo ang ipis sa kumot! Oh goodness! Mamamatay na talaga kami! /weeps/

Nagtago narin ako sa kumot. Nanginginig kami sa takot.

Biglang nagsalita ang kaparehas kong duwag sa ipis.

"Z-Z, 'd-di ba may pang buzzer dyan ng nars sa side ng kama mo? Paano kung--"

"Ayaw ko." with matching poker face. Ayaw ko talaga! Paano kung ipis na bampira na pala itong pesteng ito tapos kunin ang kaluluwa ko! Ayaw ko! Exaggerated man o ano basta ayaw ko!

"B-bakit?!" nauutal na siya. Grabe siguro pinagdaanan nito sa lagim sa mga ipis na ito! Ayaw ko na rin, mahina pa ako kahit papaano tapos ganito ang mangyayare! Pero hindi ko mapigilan matawa nalang sa mukha niya, ang cute kasi tingnan e.

"HAHAHAHAHAHAHA! The look on your face!"

Ngumiti din siya atsaka nagbelat.

"K. Pindutin mo na kasi yung suwits na yan para dumating na yung mga ghostbusters este mga nars! Huy hwuag mong sabihin na lalaki ang nasa tabi mo ha!"

"Bakit naman?!"

"Nakakahiya e!"

"HAHAHAHHAHAHA! Buti alam mo!"

"Z naman e!"

Binatukan ko siya. Pwede ba? Damsel in distress na ako dito! Oo, ito po ang totoo kong ugali, sadyang napa-emo-emo lang ako sa intro neto! Haller! Syempre, freedom! LOL! Atsaka sadyang mahina ang tao kapag nagawa mong mangibabaw ang puso mo sa utak mo, hindi ba? Okay! I assume tama ako now...

"PWEDE BA?! IKAW NA NGA! NAGMUMUKHA KA NANG BAKLA! PROMISE!"

Biglang nag-iba ang tingin niya sa akin, unti-unti akong nilapitan. Ang seryoso niya parang iba ang lalaking tinititigan ko ngayon sa mga mata niya. Ang ganda ng mga mata niya, sobra. As in. Ang mga hazel brown eyes niya, nakakatunaw pero syempre mas nakakatunaw yung kay Tai. My TJ, my love! Pero hindi ko pa rin maalis ang tingin ko dito sa lalaking ito.

Huminga ako ng malalim para makapagsabi sa kaniya ng (medyo) maayos na lumayo siya dahil naiilang ako pero konti nalang, konting konti nalang talaga nandon na, ayun na. Tapos may narinig ako.

*Ring ring...*

Ang mga ring...

*RING RING RING RING RING BUZZ RING BUUUUUUUUUUUZZZZZ!!!*

"YES! Z, NAPINDOT KO NA!" pinakitaan niya ako ng napakaboy next door niyang ngiti pero sa isang iglap lang bigla siyang napasigaw sa harap ko!

"AAAAAAHHHHHHH! Z, YUNG IPIS DUMAPO SA KAMAY KO!"

Parehas kaming nangilabot. Nahulog si Alec sa sahig at naglikot-likot dahil parang nagtatango sila nung ipis. OMG! I can't take this anymore, humalakhak lang ako! Natigil ako nung dumapo naman ito sa kama ko sa may paanan. Sumigaw akong kalakas-lakas at biglang may dambuhalang nars na pumasok sa aming kwarto at may hawak na malaking pampatay ng ipis, yung pamalo at naghabulan siya pati yung ipis parang yung movie na 300 yung mala-gladiator talaga?

*WHACK!*

Napatingin lang sa amin yung nars atsaka kami kinalibutan after nun, may pumasok na doctor at sinabing pwede na daw akong madischarge. Hay salamat!

Rest in Peace yung ipis na 'yon.

* * *

Monday

Wala na akong masyadong magagawa ngayon dahil sembreak na. Puros iyak-iyak at drama nalang pero laging dumadalaw si Alec para hindi na daw akong magmukhang emo na bruha. Binalitaan niya ako na magkakaroon daw ng closing party yung batch namin sa isang resort, nung una ayaw ko pero...

Dahil sa sinabi ni Alec napa-oo ako:

"Pupunta sila Tai."

Wakas.

* * *

Æ/N: Hi guys! So sana kahit papaano na-enjoy kayo sa pagbabasa neto. Hahahaha! Pasensya na sadyang slow ang pacing ng stories ko. Kung nagustuhan niyo itong chapter na ito, vote at comment like for your thoughs. Much love ❤

CRUSHED, Ang Buhay Martyr {On going}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon