#7: My Coping Mechanism

44 0 0
                                    

Ilang buwan na ang nakaraan na, mahal ko pa rin siya.

Hindi na talaga ito crush.

Imposible kung CRUSH pa ang itatawag ko dito.

Nag-online ako.

*ding*

Online siya.

Ako: Hi.

Siya: Hi.

Ako: Pwede favor?

Siya: Shoot.

Ako: Pwede ko ba mameet girlfriend mo...?

Ang tagal niya magreply. Oo, gusto ko mameet girlfriend niya. It's been my technique and so far laging successful although, it sort of hurts, right? But then again, you start to accept when you see the love so cherished and pure.

Seenzoned...

... typing...

Siya: Sure. Mabait 'yon. Halos parehas kayo ng gusto e. c:

Ako: Sige, add ko na siya.

Siya: Sige, osya, una na ako.

Ako: Sige, ingat.

Naging grey na ang maliit na bilog sa chatbox ko katapat ng kaniyang pangalan. Grabe ano? Ang sabi nga kapag nag-umpisa ka na magmahal, ihanda mo na ang puso mo na masaktan, i-exercise mo na... Ang masaklap sa crush, hindi mo agad malalaman kung mahal mo na talaga siya kaya minsan hindi mo na mapaghahandaan. Isang napakalaking trahedya ng realidad, hindi ba?

Pumunta ako sa facebook ng girl. Ang ganda niya, beyond the things I could ever be and more. Halatang magkakagusto siya rito. Mabilis lang ito. Madali lang ito noon. Wala man mag-iiba ngayon.

+ADD FRIEND

*ding*

Alec: Good morning, miss. ;)

Ako: Landi mo, Lec! Hahaha!

Alec: Sorry naman no? So, kumusta na?

Ako: Parang ang tagal na natin hindi nag-usap ah.

Alec: Hindi naman, medyo lang?

Ako: Oo, medyo lang. Kahapon. Oo, medyo na yon. Hahaha! Adik mo!

Alec: Mas adik ka!

Ako: Tss. Mabait po akong bata!

Alec: Oo, sige pero kumusta na talaga?

Ako: Ayos naman, Alec. Ikaw?

Alec: Ayos naman pero nagsisinungaling ka e. Ang EMO mo sa wall mo! PRAMIS! Kung lalaki ka lang, babatukan na kita para magising e.

Ako: Ah, ganon?

Alec: Oo, ganon na ganon! ;) Basta yung bonding natin mamayang hapon ah!

Ako: Oo, sige.

*ding*

Rika and you are now friends.

. . .

Ako: Teka Lec ha?

Alec: Ah... Sige.

Nakatapat na ang mouse pointer ko sa pangalan ng girlfriend niya... Bahala na. Pinindot ko na ang mouse at nagtype:

Ako: Hi! Kaibigan ako ni Tai.

Siya: Oh, hello. Nice to meet you. Ako naman girlfriend niya~

OUCH...

Nag-usap kami. Ang saya niyang kausap. Parehas kaming likes. Parehas. Nakakagulat. We get along so great. Nagpuyat ako para sa ganon... Natapos na ng madaling araw ang usapan namin. We became the best of friends. Hindi naman bago sa akin yon dahil ganon naman talaga laging nangyayare e pero... iba ito... nagpaalam ako at nag-log out na. Hindi ko napansin na nagpaalam na rin pala si Alec. Sayang. Parang best friend ko na yon. Nakakatuwa siya e.

Paano ito naiiba sa mga dati? May halong... guilt. Bakit hindi ko agad napansin? Bakit hindi ako agad nagconfess... Nakakainis. Dahil parehas halos ang mga hilig namin mas nainis ako sa sarili ko. Bakit ganon? Bakit? Nakakainis.

Tumingin ako sa salamin na hindi naman nabasag sa pagmumukha ko. Nararamdaman ko na ang paparating ng mga luha sa aking mga mata... Bahala nalang ang promise ko sa sarili ko na hindi ako iiyak... Susuportahin ko sila. No matter what. Sanay na ako dito, hindi ba?! Sanay na ako!

Binagsak ko ang aking mga palad sa magkabilang bahagi ng pader habang nakaharap ako sa salamin. Luhang-luha na, may sipon. Losyang. Hindi ko na kaya ito pero i-cacarry ko pa ito. Sanay na ako na marinig ang love story ng iba lalo na sa mga ganitong sitwasyon! Sanay na ako... at isinigaw ko sa sarili ko...

SANAY NA AKONG NAGPAPAKAMARTYR!!!

Nanghina nalang ang aking katawan at ipinabayaan na lamang na mahulog sa sahig ng kwarto ko at itinuloy ang pag-iiyak...

WAKAS.

Ratatata ni Ae: Hello po! Ang daming drama no, guys? Pasensya na kung may mga kailangan na corrections ah. Tska na kasi may aayusin pa akis! Hahahah! Salamat po sa pagbasa na ito. Subaybayan niyo po ito. Hihi. Masaya na ako kahit may makita akong view, sana nga lang nabasa pero di bale, kung nagustuhan niyo, just vote/comment huh? Labyu po! Bye! <3

CRUSHED, Ang Buhay Martyr {On going}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon