Chapter Three

5.1K 140 5
                                    

Chandra strapped her sandals before she went out her cabin. Agad siyang tumingin da relong pambisig niya. Eksaktong alas sais na ng gabi. May buffet dinner siyang pupuntahan. Kasama sa dinarayo dito sa kanila sa Resort ang buffet dinner na authentic food ang inihahain kasama na ang mga Filipino dish na binabalik balikan ng mga turista.

Hinihintay siya ni Chase dahil sinabi nito na may ipakikilala ito ang bagong investor na nakuha nito. Nasa Banquet na ito, She texted Chance dahil kanina pa siya tinatawagan para ipagpaalam ito kay tita mandie. May Sleepover daw ito sa bahay ng kaibigan nito but she was afraid that tita mandie won't approve her to come. Alam niyang papayagan ito ng Papa nila pero hindi nito ganoong mapapayag ang Mama nito. Disciplinarian si Tita Mandie. At siya, bilang mas nakakatanda siya kay Chance at nakaranas din siya ng mahigpit na pagdidisiplina sa nanay niya. Pumapayag lang si Tita Mandie kung kasama siya ni Chance. Or kung sasabihin niya na kilala niya ang mga makakasama ng kapatid niya.

Ate please, talk to Mama. Promise uuwi agad ako ng maaga tomorrow.

She read Chance reply. Sinabi niya kasi na hindi pa siya makakauwi ng Manila. May inaasikaso pa siya. Hindi rin naman kasi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Alam ng Tita Mandie niya na one week siya dito.

Alright, I'll do what I can. Kakausapin ko ang kuya mo. Tutal uuwi na rin naman siya bukas ng umaga. Maybe, may maiitulong siya sayo.

She texted her back.

Pero ngayong gabi na 'yon ate!

Umawang nalang ang labi niya ng halos mapuno ng exclamation point ang buong messaging screen niya. Hindi na siya nagreply. Kapag sinagot pa niya si Chance kukulitin lang siya ng kukulitin nito hanggang sa hindi niya ito matiis.

Chance Calling...

Niyuko niya ang Cellphone nang magvibrate iyon. Numero ni Chance ang bumungad sa kanya. Bumugtong hininga siya bago akmang sasagutin iyon ng maramdaman niya ang tila pagkabuwal niya sanhi ng pagkakahampas sa malapad na pader!

Tila naalog ang ulo niya at mabilis siyang napahawak doon. "Ouch!"

Humawak siya sa noo na tila nabukulan ng malaki. Sinalat niya iyon. Agad niyang nadama ang bukol na unti unting umuusbong doon. Kasalanan ng pader na ito!

Sinamaan niya ng tingin ang pader na nakabanggaan niya. Tila may buhay iyon na tinignan niya ng masama habang nakahawak ang palad sa noo.

"Miss, Are you alright?"

Dahan dahan siyang napalingon sa palad na nakapatong sa balikat niya. Malaking kamay iyon na halos sakupin ang buong balikat niya. Umangat ang mga mata niya, dahan dahan iyon hanggang sa huminto ang mga mata niya sa mukha nito. His black thick eyebrows. His Choco-Brown eyes. He is like, Mr. Tall, Dark and Perfect Man. Not like the other Sex on stick and panty soaking man. Pero iba ang appeal na nakikita niya dito through the eyes of the other female girls around them.

Agad siyang nagbawi ng tingin. "I-I'm okay. Salamat." Aniya at saka ibinaba ang kamay na nasa noo.

He still frowning. "Are you sure?" Bumali ang leeg nito at sinilip ang noo niya. "May bukol ka." Puna niya. "Do you want me to accompany you to the clinic?"

Agad siyang umiling. Simpleng bukol lang ang natamo niya. Malayo iyon sa bituka. "H-Hindi na.. Kaya ko naman."

He sighed. "Okay, next time mag iingat ka. Sa daan ang tingin." paalala nito sa kanya bago siya iniwan. Nakasunod lang ang mga mata niya dito.

Hindi niya alam pero, pati pala paa niya ay nakasunod na rin dito.






To be continued...

Chase ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon