Special Chapter [1]

26.3K 549 16
                                    

Special Chapter [1]

“Bilisan niyo!” Napatigil ako nang makarinig ako ng mga boses sa loob ng bahay. Kagagaling ko lang mula kina mama at oppa, at kararating ko lang dito sa bahay. Nakakapagtaka dahil tingin ko ang dami kong boses na naririnig, eh ang alam ko, si bes lang ang nasa loob ng bahay.

“Surprise!” Napangiti na lang ako nang nakita ko silang lahat sa may sala at kumpleto pa sila. Napatawa na lang ako nang itinutulak nila sa akin ang isang malaking box na nakabalot ng kulay pink.

“Happy birthday, Janine!” sabay-sabay na sigaw nila.

“Salamat guys. Pero ang tanda ko na para dito. Pinaghandaan niyo pa rin ako,” natatawang sabi ko.

“Of course! Para sa pinakamamahal naming leader,” sabi ni bes at ngumiti.

“We’d give an extra effort just for you, Janine,” nakangiting sabi ni Paris.

“Tignan mo at pinagluto ka pa namin ng gan’yan karami!” nakangusong sabi ni Riley at ipinakita ang handaan sa lamesa.

“Tumulong ako! Nag-effort rin ako, Jan!” sabi ni Lindsey ngunit nabatukan naman ng kapatid.

“Ulol, kambal. Ako ‘yung tumulong. Pinanood mo lang kami,” nakailing na sabi ni Ruth at napatawa na lamang ako.

“Here, my gift for you!” sabi ni Andrea at inilapit sa’kin ang isa pang malaking box. Nagtulungan kami para tanggalin ang balot nito. Napangiti na lang ako nang makitang isang kulay blue na crib ito.

“Para kay baby Kaizer, so he could have something to sleep on!” nakangiting sabi ni Ands. Niyakap ko siya ng mahigpit.

“Salamat Ands. This means so much,” bulong ko.

“Anything for you, Janine,” sabi nito.

“Anyway, nasa’n si baby Kaizer?” tanong ko nang humiwalay na ako kay Andrea.

“I think, kailangan mo munang buksan ang isa mo pang regalo,” sabi ni bes at inginuso ‘yung isa pang malaking box kanina.

“Teka, ‘yung anak ko muna ang kailangan kong intindihin bes. Nasa’n na siya?” Nagsimula na ‘kong kabahan dahil ayaw sumagot ni bes.

“Buksan mo na ‘to bes, dali na, sandali lang. Tsaka ko sasabihin sa’yo kung nasa’n anak mo,” sabi ni bes.

Napatigil kaming lahat nang makarinig ako ng iyak galing sa box. Unti-unting nanlisik ang mata ko at tinignan ko ng matalim si bes. She took a step backward at ngumiti na lamang sa akin. “Happy . . . birthday?” nag-aalangang sabi niya sa’kin

Binuksan ko na rin ang box dahil sigurado na ‘kong naroon sa loob ang baby ko. Ngunit nagulat ako na hindi lang si baby ang naroon, kundi pati si . . .

“Happy birthday, Yeowang,” nakangiting sabi ni Keifer at sa mga bisig niya ay ang nagdadabog na naming two-year old na anak.

“King! Nakauwi ka na?” Hindi ko maiwasang mapaluha nang nag-init ang mga mata ko.

“Mommy!” angal ni Kaizer at nagpabuhat sa akin. Kinuha ko naman siya mula sa kan’yang daddy.

“Yup. I wanted to be with my wife on her special day,” nakangiting sabi niya sa’kin. Napatawa na lang ako nang marahan nang muntikan na siyang matumba dahil mali ang pagtapak niya palabas ng box.

“I missed you, Yeowang. Haven’t you missed me?” bulong niya sa’kin habang nakayakap sa’kin.

“Two months kang nawala, of course, who wouldn’t miss you, Naui Wang?” natatawa kong sabi pero nag-iinit pa rin ang mga mata ko.

“I love you,” sabi niya habang pinupunasan ang mga luha ko.

“I love you more,” sabi ko.

“I love you most,” aniya at hinalikan ako sa ulo.

“Eww!” untag ng anak namin na naipit dahil yakap ko pa rin habang yakap ako ni King.

“Mommy! Daddy! Stop kissing in front of me!” angal niya at umalis na rin mula sa pagkakayakap ko.

“’Yan kasi, PDA pa more!” pang-aasar ni Lindsey.

“Tama na ang ka-sweetan niyo at nagugutom kami!” sabi ni Riley at nagyaya na silang lahat papuntang kusina.

***

A/N

Short lang, I’m so sorry! Anyway, ‘yung darating pang special chapters, pabaligtad ko na lang gagawin. Maybe sa S.C. 2, ‘yun ‘yong time na buntis si Jan. Then 3 is ‘yung time na naglilihi siya, or kaya ‘yun na ‘yung kasalan. And so on, so forth. :D

Runaway BrideWo Geschichten leben. Entdecke jetzt