Special Chapter [4]

8.2K 186 1
                                    

Malalim na ang gabi. Naririnig ko ang paghilik ni Key sa tabi ko. Napahawak ako sa ulo ko. Gustong-gusto kong gisingin ang asawa ko pero nagi-guilty ako t'wing naalala ko na lagi siyang puyat dahil sa akin. Lagi niya akong inaalagaan. Kahit na madalas ang moodswings ko, kahit na napapagod na siya sa kakautos ko para lang masunod ang gusto ko. Hindi siya nagsasawa sa'kin. At mas lalo lang napalalim ang pagmamahal ko sa kanya.

Napunta ang kamay ko sa aking tiyan na lumobo na. 1 month. Isang buwan na lang at makikita ko na rin sa wakas ang baby ko. Baby Kaizer... sana nakakatulog ka ng maayos ngayon. Sorry kung gising na gising 'tong si mommy, ah.

Hinaplos ko ang tiyan ko at napatigil nang bigla siyang sumipa sa loob. Hindi ko mapigilan ang mapatawa. He responded, na para bang nasagabal ko siya sa pagtulog niya.

Nagising si Key dahil sa pagtawa ko. He became a light sleeper because of me. Konting ungol lang ay magigising na siya. Ganyan siya ka-alerto pagdating sa akin ang I couldn't have been any happier. Ang swerte ko talaga sa kanya.

"What's wrong, Yeowang?" he whispered sleepily. Napunta rin ang kamay niya sa tiyan ko at hinahaplos niya ito.

"Wala. Kaizer's kicking again. Hindi lang ako makatulog."

Napangiti siya at hinalikan niya ang gilid ng ulo ko. "Get some sleep, my Queen. Wag magpupuyat. Baka makasama kay baby."

"I know."

Hinawakan niya ang kamay ko at hinigpitan ang hawak dito, na para bang sinasabing narito lang siya na magbabantay sa akin. I felt safe.

I started to relax. Unti-unti na akong nakakatulog nang biglang sumakit ang tiyan ko. Napaupo ako sa sakit at hinaplos ito nang hinaplos para maibsan ang sakit.

"Yeowang! What's wrong? May masakit ba sayo?" Napaupo na rin si Key dahil sa gulat at pag-aalala.

Maya-maya lang ay nawala na rin ang sakit. "W-wala. Medyo sumakit lang ang tiyan ko."

"Are you sure?" nag-aalalang tanong niya.

Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti. "I'm sure. Matulog ka na."

Hihiga na rin sana ako pero tinamaan na naman ng sakit yung tiyan ko. "Aray!" Hindi ko maiwasan ang mapasigaw.

"Oh shit, you're in labor!" Agad-agad na tumayo si Key mula sa kama at binuhat ako.

"P-pero the baby's not due in 3 weeks!" sigaw ko.

"Don't talk Yeowang. We're going to the hospital."

That's what happened in the middle of the night. Dinala ako ni Key sa kotse niya at nagsimula siyang mag-drive papunta sa pinakamalapit na hospital. Hindi ko na rin maiwasan ang pag-ungol dahil sa sakit na nararamdaman ko.

"It's ok! Hold on, Yeowang! We're almost there!" Natataranta si Key dahil sa'kin pero itinuon niya ang atensyon niya sa daan.

Nakarating kami sa hospital. Agad na binigyan kami ng kwarto at inihiga ako sa kama. Napahawak ako sa tiyan ko. Tagaktak ang pawis ko pero iniinda ko pa rin ang sakit na nararamdaman ko. May isang doktor na nagmamadaling pumasok.

May mga itinanong siya sa akin pero halos hindi ko na siya marinig. Unti-unting nauubos ang enerhiya ko sa simpleng pag-iinda ng sakit.

Hindi ko na matandaan ang nangyari ng gabing 'yon. Pero ang huli kong narinig bago ako makatulog ay ang iyak ng isang sanggol. My baby Kaizer.

---

Dahan-dahan akong nagising. Sobrang sakit ng katawan ko. Halos hindi ko maidilat ang mga mata ko sa sobrang pagod.

"Yeowang..."

Napunta ang mga mata ko sa lalaking nakahawak sa kamay ko. Kahit na mahirap ay binigyan ko siya ng ngiti. "G-good morning."

Mangiyak-ngiyak si Key habang nakatingin sa'kin.

"W-where's Kaizer?" tanong ko. I want to see him. I want to hold him.

Nginitian ako ni Key. "You did great, my Queen." Hinalikan niya ang ulo ko bago nilapitan ang isang nurse sa loob ng kwarto. Umalis ang nurse at maya-maya ay bumalik dala-dala ang isang sanggol. Ibinigay niya ito kay Key at nagpasalamat si Key bago niya itinuon ang pansin sa'kin.

Hindi ko matanggal ang mata ko sa anak ko. Nilapitan ako ni Key at dahan-dahan itong ibinaba sa mga bisig ko. He looked so... beautiful. Hindi ko maiwasan ang mapaluha habang tinititigan ko ang anak ko. Nakapikit ang mga mata niya, mahimbing na natutulog.

"Hi baby..." bulong ko, may ngiti sa mga labi ko. Parang nawala ang pagod ko at ang sakit ng katawan ko nang nakita ko siya.

He's worth it. He's worth all my pain, all my sleepless nights.

"He's beautiful. Just like you, Yeowang," sabi ni Key at hinaplos ang likuran ko.

"Oh my god, I love him. I love him, Key." Napaiyak na ako ng tuluyan habang karga-karga si Kaizer.

Napatawa ng mahina si Key dahil sa'kin. "I love him, too. I love both of you."

It was the only the beginning.


Runaway BrideDonde viven las historias. Descúbrelo ahora