Chapter 22: New Abstract

Start from the beginning
                                    

"Hindi po ba nabanggit sa inyo ni HM ang tungkol diyan?"



"Bakit anu bang meron?"



"Hindi na raw po kami magtuturo, pagtuunan na lang raw po namin ang pagtetrain kay Allina at sa iba pang freshmen and sophomore students para bukas."



"Ah ganun ba? Teka kamusta pala ang Prinsesa? Okay na ba siya?"



"Don't worry Professor stable na ang lagay niya, and I'm sure that she is totally ready for her birthday tomorrow."



"Mabuti naman, sige Therrie alis na ako may meeting pa kami and nga pala kapag naman nakita mo si Maige pakisabi na pumunta siya sa office ko mamaya."




"Sige po, alis na po ako." Agad din akong umalis sa lugar na iyon para bumalik sa dorm ko.

.
.
.
.
.
.
.

Demi's POV

Kailan ko ba masasabi kina Mommy at Daddy ang lahat ng ito. Wala akong pwedeng pagsabihan lalo na at bukas na ang aking kaarawan. Natatakot ako sa pwedeng mangyari bukas dahil imbetado ang Reyna ng Darcevil Kingdom. Hindi ako natatakot dahil sa kalaban namin siya ngunit dahil baka malaman niya ang totoo sa akin. Ayaw kong mapahiya sina Mommy at Daddy bukas kaya kailangan kong paghandaan ang maaari at pepwedeng mangyari.

"Your highness pinapatawag po kayo ni HM." Napalingon ako sa pinto ng kuwarto ko ng marinig ang boses ng isang babae. Agad naman akong lumabas at pinagbuksan ng pinto ang babaeng iyon.

"Your highness pinapatawag po kayo ni HM."

"Bakit daw po?"

"Iyon lang po ang sabi sa akin." Agad ding umalis ang babaeng iyon pagkasabi niya.

Bago ako lumakad ay inayos ko muna ang damit ko. Hindi ko alam kung bakit ako pinapatawag ni HM pero sana naman wala itong kinalaman sa lahat ng nangyari.

.
.
.
.
.
.
.
.

Gella's POV

"Gella pwede mo ba ako samahan papunta sa dorm ko?" Napalingon ako kay Ellie ng magsalita siya.



"Opo naman po." Agad kong sagot, inalalayan ko si Ellie palabas ng kuwarto. Wala masyadong tao kaya mapapabilis ang pagpunta namin sa dorm ni Ellie gayundin ako, pero nagdadalawang isip ako baka kasi nandoon  na ang Prinsesa. Hindi aa umiiwas ako sa kanya kundi para mas magkaconfidence siya para sa kaarawan niya bukas.



"Demi." Napatigil ako sa paglalakad ng sabihin iyon ni Ellie. Tumingin ako sa aming harapan at naglalakad papalapit sa amin ang Prinsesa na nakatungo at inaayos ang damit niya. Tumungo ako at dumiretso sa paglalakad.



"Gella." Napatunghay ako ng ulo ng marinig ang boses ng Prinsesa. Agad niya kaming niyakap ni Ellie kaya nagulat ako, napansin kong nagulat si Ellie kaya medyo nagtaka ako ng kaunti. Nailang naman ako dahil hindi ko maharap ng ayos ang Prinsesa matapos ang nangyari sa dark room.


"Sorry sa inyong dalawa, sana mapatawad ninyo ako sa lahat ng aking nagawa." Naramdaman kong medyo nabasa ang damit ko kaya tila umiiyak ang Prinsesa.



"Your highness."

"I'm very very sorry Ellie and Gella, sorry talaga." Humiwalay ako sa pagkakayakap ng Prinsesa at pinunasan ang mga luha niya sa magkabilang mata. Nginitian naman ako ni Ellie matapos ko iyong gawin.

"You don't have to say a lot of sorry Princess, I understand what happened in dark room."

"She is right Demi, I mean your highness. Hinihintay ko lang sadya na gawin mo ito para magpamiss sayo. And I know what you feel right now, hindi naman ako nagtatanim ng galit dito sa puso ko dahil lang sa  nangyari noong nakaraang araw." Pinunasan ko ulit ang luha ng Prinsesa matapos marinig ang lahat ng sinabi ni Ellie.

"Gella."

"Kamahalan okay na po ako, don't worry makakaattend naman po ako ng event bukas."

Kumuha ng tissue ang Prinsesa mula sa bulsa niya at pinunasan ang mukha.
"Kailangan ko pang pumunta sa office ni HM, sorry I have to go."

"Okay lang." Umalis na ang Prinsesa pagkatapos niyon. Hinabol tingin ko naman siya, gayundin si Ellie.


.
.
.
.
.
.
.

Ystaice's POV

Mag aalas cinco na ng hapon pero wala pa rin akong ganang lumabas para magsukat ng damit para bukas.

"Okay na ako dito, sige salamat sa paghahatid." Napatingin ako sa pinto ng kuwarto ko ng marinig ang boses ni Ellie mula sa labas. Sinubukan kong bumangon at sumilip sa pinto, napansin kong sumara na ang pinto ng dorm. At nakita ko namang nakaupo si Ellie sa sofa at kumukuha ng tubig mula sa pitcher na nakapatong sa table na katabi ng sofa.

Hindi na ako lumabas pa ng kuwarto dahil hindi ko alam ang gagawin kapag kaharap ko si Ellie, dahil sa nangyari sa amin kaninang umaga.


.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Gella's POV


After maihatid si Ellie sa dorm niya ay lumakad na ako. Napatigil ako sa paglalakad ng mapatapat ako sa dorm namin ng Prinsesa, lumapit ako at hinawakan ang pinto pero nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako o hindi. Nang makapag isip isip ay hinawakan ko na ang door knob at pumasok sa loob, agad na bumungad sa aking mga mata ang medyo makalat na sala dahil sa mga kalat ng tinta ng ballpen at mga putol ng lead pencil. Kaya agad akong kumuha ng walis tambo at dust pan para linisin ang kalat.

Okay na rin na ganito ang naabutan ko kaysa dati na laging makalat na damit at underwear ng Prinsesa ang nililinis ko, a pakalat kalat na sapatos. After kong walisin ang kalat na iyon ay tumungo ako sa kusina at kumuha ng makakain sa refrigerator, kumuha ako ng isang apple at gatas dahil wala pang lutong pagkain kaya ito na muna ang kakainin ko.

Napansin ko ang isang frame na nakasingit sa likod ng refrigerator, kinuha ko iyon pero nabitawan ko ng makita ang nakaguhit. Agad kong inubos ang apple at gatas para pag aralan ang nakaguhit sa frame, pero hindi ko magets ng ayos dahil dalawa ang pumapasok sa isip kong anu ang maaaring ibig sabihin nito.

PRINCESS POWER Where stories live. Discover now