O______O

First time ko syang nakitang ganito.. First time na merong mag-alala sakin ng ganito..

Pinapagalitan nia ko ng parang si Dad.. at parang isang big brother. Aww. :’)

“HOY! buhay ka pa ba? Tae naman Aliah!! Bakit mo ko nginingitian ng ganyan? You’re starting to creep me out!”

“Hahahaha!! Nakakatawa ka Art! *sniff* grabe! Para kang kuya kung mag-alala *sniff* buhay pa ko oh! *huk* buhay na buhay.. hahaha!”

Para na kong baliw. Natawa at naiyak.

Bakit hindi na nag-salita tong isang to?

Ay..

Napasobra ata yung higpit ng yakap ko sa kanya.. hindi ko napigilan e. naiiyak ako. gusto ko ngmayayakap.

“A-a-aliah.”

“Hmm?”

“Tara..”

“saan? *sniff*”

“sa mental.”

Ano daw? Napabitaw ako sa yakap.

“Bakit? Anong gagawin mo dun?”

“Ihahatid kita.. baliw ka na ba?”

I glared at him.

“Joke lang! Ikaw kasi naiyak ka nanaman! Tapos tumatawa pa! Nakakatakot kaya!”

“*sniff* kasi.. sana di mo na ko pinigilan. Di ko na kaya yung sakit e. Ang sakit sakit Art. Ang sakit sakit dito.” Sabay turo sa puso ko.

Pina-pat nanaman nia yung ulo ko..

“si Josh nanaman no? Tuwing nagkikita talaga tayo sya lagi bukambibig mo. Kelan kaya magiging Arteyu naman ang bukambibig mo?”

“Ikaw baliw. *sniff*”

*krukurkrurkrurkruk*

Aaaahhhh yung tyan ko. Huhuhu gutom na pala ako. T_____T

“Gutom na yang alaga mo oh! Tara kumaen tayo sa mall! Libre kita!”

“Talagaa? *U*” nagising naman ang diwa ko bigla nung narinig ko yung LIBRE. Libre daw ohh!! Walang atrasan pag libre! Grasya din yan!!

“Kuripot mo. Hahaha. Oo tara libre kita!”

Tapos pumunta na kame ng mall.

At.. dinala nia ko sa Mcdo?

Tapos umupo kame dun sa pinakasulok na table.

Tapos tadaaa. Ang order namin.. tatlong burger, isang rice with chicken fillet, dalawang Mcfloat, tatlong fries at isang regular coke.

“Akin ba to?” sabay turo ko sa isang Mcfloat.

“AKIN YAN!” sinigawan nia ko. T_____T tapos nilagay nia yung dalawang burger, dalawang fries at dalawang Mcfloat sa side nia. KANYA LANG YUN!?!?

“Ang daya mo regular coke lang akin!!”

“BLEH! BILI KA! >:P” glutton!!

Ang saya saya nia habang nakaen. Parang bata. =___=

Tapos yung mga babae dito sa Mcdo tingin ng tingin sa kanya. Pasulyap sulyap saming dalawa.

Habulin talaga to ng babae. Haha.

Pagtapos naming kumaen lumabas na kame. Tapos umupo sa isang bench.

“Grabe busog na busog ako sa rice at burger. Ayoko na ulitin yun!”

“Oo nga e. solb men! Solb!” sabay palo nia sa tyan nia. Ni hindi manlang lumaki. Haha. Unfair. Sakin ang laki agad e.

Count on MeWhere stories live. Discover now