A/n: I 'accidentally' deleted the story so medyo nabago na. Ang cliche Kasi masyado Yung una Kaya naisipang Kong ibahin Ng konti Ang plot. Sa mga naka basa na nito dati. I'm sorry. I just need to make it more fictional but also realistic, if that even makes sense. Haha!

-

Dear Tadhana,
Pwede ba! Kahit isang araw lang na.Maging Okay ako.. Please lang!

-

Yna

Ilang linggo narin Ang lumipas Mula nung nagsimulang Ang klase. Ilang linggo narin akong kinukulit ni AC, ka klase , ko na mag kwento raw tungkol 'samin' ni JM.

"AC tantanan mo ako!" Inis na Sabi ko saka hinawi Ang kamay ni AC na nasa balikat ko.

Kanina pa Kasi siyang sunod Ng sunod sakin. Eh ako naman, Iwas Ng iwas.

Ngumisi ito saka ako kinurot sa pisngi!

"Mag kwento ka na Kasi!" Sabi nito saka ako hinila-hila.

Lord help me! Baka mapatay ko to sa inis!

Humarap ako sakanya ay hinawi ulit Ang kamay na nasa braso ko.

"Pwede ba, tantanan mo ko! Di tayo close para mag kwento ako sayo" umirap ako.

Alam nito Yung chismis, Ang daling kumalat lalo na pag napapalibutan ka Ng mga chismosa mong mga ka klase.

Aksidente kasing nabanggit ni Kristina na may 'something' raw kami ni JM nun, syempre naintriga Ang mga kababaihanat baklang nagkakagusto Kay JM.

Ayun, dinumog ako Ng mga Yun at sinalubong ako Ng mga katanungan.

Sa pagkalipas Ng ilang linggo, may mga ilang sumuko at napagod Kaka abang at tanong sakin Kung ano raw meron samin ni JM.

Wala Kasi sa kanila Ang sinagot ko. Ano ba naman Ang sasabihin ko Aber?

Sabihin ko na mag Bestfriends kami tapos na inlove ako sakanya Kasi masyado siyang sweet Kaya na fall ako at nag assume na Mahal niya ako at nung sinubukan Kong umamin di ko kinaya Kasi may Mahal siyang iba at nasira Ang magandang relasyon namin?

Ayokong ikwento Yun. Ang nangyari two years ago ay dapat manatili dun. Ayoko Ng halungkatin Ang nakaraan. Masyadong masaya kami noon Kaya ayokong maalala Kasi mas nalulungkot ako Kasi ngayon nawala na ang dating turingan namin.

"Mag kwento ka na Kasi! Please!"  Namimilit na Sabi ni AC saka ngumiti na parang baliw.

"Tatanan mo ako" tinalikuran ko siya saka nagmadaling lumayo sakanya. Narinig ko pa nga siyang simugaw ng

"Di Kita tatantanan! Malalaman ko Rin Yun! Pasalamat ka may klase pa tayo!" -Ac

Di ko inaakalang tototohanin ni AC Ang sinabi niya. Pagkatapos Ang klase, sinundan niya ako hanggang sa bus na sasakyan ko at hanggang ngayon di parin niya ako tinatantanan.

Napairap ako sa katabi ko na kanina pa nangungulit sakin. Kanina pa tong hila Ng hila, gusot-gusot na Ang uniform ko. Tsk!

Leche Naman oh! Kasalanan to ni Kristina eh. Napakadulas talaga Ang dila Ng babaeng Yun Nakaka inis!

"Uy, mag kwekwento na Yan" Sabi ni AC saka pinoke Ang pisngi ko. Malayo pa ba Ang bababaan ko? Parang Ang TAGAL Ng byahe!

"Wala ka bang sariling buhay?" Naiinis Kong Sabi Kay Ac pero ngumisi Lang Ang loko. Baliw!

" Aba meron! Kaya nga ako Nakaka galaw na mag Isa eh" Aba! Pilosopo Ang lokong to ah!

"Oh meron Naman pala, Yun Ang pakialaman mo, wag Yung sakin" umirap ako. Narinig ko siyang tumawa Kaya mas lalong nadagdagan Ang inis ko.

Lord! Stop me from murdering someone! Napapikit ako sa inis Ng pinoke niya Ang pisngi ko.

Imbis na hawiin ko Ito at binabayaan ko nalang. Kahit Naman pagsabihan ko siya di siya titigil, mas nanggigil pa siya pag sinuway ko eh.

"Mag kwento ka na" She sang

Napahawak ako sa noo ko. Baliw na talaga to. Siguro takas mental. Nakahagilap Lang ng chismis Kung makasunod sakin kala mo naman buntot ko.

Hindi ko siya kinibo. Bahala siya sa buhay Niya. Akala mo naman close kami para mag kwento ako sakanya.

Nang makarating ako sa destinasyon ko ay agad akong bumama sa bus para maiwasang siya pero agad ring namang sumunod si AC saka ako sinundan pauwi.

" Ano ba AC?! Tantanan mo nga ako!" Galit Kong Sabi. Kanina pa ako nag titimpi sakanya. Di ko na maiwasang mapa sigaw sa galit.

" Gusto ko lang malaman Kung anong meron kayo ni fafa JM? Sabi ni Kristina, close raw kayo" Sabi nito. Huminga ako Ng malalim bago nagsalita.

"Kung anong meron samin ni JM noon, Wala ka na dun" I said calmly. Ngumisi siya

"So it's true? May something nga kayo?" Tanong nito na kinabwisit ko.

"Noon Yun Wala na yun ngayon!" Naiirita Kong Sabi saka tinalikuran siya.

"Noon? Anong meron kayo noon na Wala na ngayon?"

Natigilan ako sa sinabi niya.

'Noon? Anong meron kayo noon na wala na ngayon?'

'Noon? Anong meron kayo noon na wala na ngayon?'

'Noon? Anong meron kayo noon na wala na ngayon?'

'Ano ba Ang meron kami ni JM noon na Wala na kami ngayon?'

I smiled bitterly. I know exactly what it is.

Humarap ako Kay Ac saka ngumiti ng pilit.

"I'm sure what ever it is, doesn't concern you" Sabi ko

"Alam ko, pero gusto ko Lang mala-------" Hindi niya natapos Ang sasabihin niya nang nagsalita ako

"Bakit ba kating-kati Kang malaman yun huh? Are rumors your daily vitamin? Gusto mong malaman as if Naman parte ka Ng mundong ginagalawan namin. Whatever happened between me and JM is non of your business!" Diniinan ko Ang pagkakasabi ko Ng mga salita para maipasok sa kokote niya na Wala siyang Papel Kung ano man Ang nangyayari sa buhay to si JM man lang.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin Ang sarili ko.

"Look, Ayokong mag mukhang masama sayo okay? Ayoko Lang Ng mga taong pinapakealaman Ang buhay ko. Lalong-lalo na Yung tungkol samin ni JM" I said calmly.

"Eh ano nga ba Ang meron kayo?" Tanong nito Kaya napapikit ako. God! Stop me from murdering this stupid piece of shit!

"Bakit mo ba gustong malaman? Para may ipagkalat ka? Para may pag kwentuhan kayo Ng mga ka chika mo?" Inis Kong Sabi.

"Hindi sa ganon." Huminga Ito Ng malalim.

"Gusto ko Lang naman malaman Kung bakit laging nakatitig sayo si JM na para bang nanghihinayang"

Natigilan sa sinabi niya.

Si JM? Nakatitig sakin na parang nanghihinayang? What the Fudge?!

-

A/n: So JM is staring at Yna huh?
Paalala. Disclaimer po.
This story is a work of fiction. Names, characters, businesses, places,events and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Kaya wag kayong nag a assume dyan na nandito 'kayo' sa story di porket may ka pangalan kayo( Para sa mga barkada kong supportive sa story. Hi sa inyo)

'kayo' - I was referring to my 'supportive' friends.

Haha! Happy reading sainyo.







That thing we called DESTINYWhere stories live. Discover now