Vacant Lot

346 11 4
                                    

A/N: Eto na ang pangatlo, huling hirit na 'to. Maawa na kayo. HAHA. Just Kidding. Sana magustuhan niyo pa rin. (First Aid KITE - Last Sequel) Three Chapters.

Ano nga ba ang nangyari sa loob ng two months? Two months na paghihintay ni Kyle. Kung paanong napa-oo niya ang dalaga, si Kite. Si Kite na may pilit pa ring ikinukubli. Kamusta na nga kaya ang kanilang barkada? Sa loob ba ng dalawang buwan na iyon ay naipagtapat na ni Kite? O mas pinili niyang si Kyle lang ang manatiling nakakaalam ng lahat?

-- Hi! Kite here. Uulit-ulitin ko lang ang pangalan ko ha. Wanna make sure you'll remember me as well as my story. Kite Lyn F. Reyes. Bakit Kite? (Sa mga hindi nakakaalam o nakakatanda... See First Aid KITE sa works ni ayamfat214 )

June 24, 2011

Ito ang araw kung kelan nagtapat sa'kin si Kyle. Doon pa mismo sa lugar kung saan ako palaging nagmumukmok at umiiyak nang mag-isa. The place where I assured myself what I really feel for Lyle. 

I felt happy and confused at the same time. I can't even point out what are the things which make me confused like that. But one thing I'm sure of... is that there is still a part of me wishing he was Lyle. Na sana siya na lang yung nasa harapan ko noon. Siya na lang sana. At ako na lang sana. Pero after some time, I realized, maybe that was a blessing in disguise. The fact that the one I loved loves someone else.

FLASHBACK

--"I know. Wala akong chance. Pero can I court you?" HAAAAA????!!! 

"A-a-ano ka--si." Tumayo siya. Biglang sumikip yung dibdib ko. Nalungkot ako bigla. Para kasing aalis na siya. Ayoko. Bakit? Bakit ayokong iwan niya ko? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi to tulad nung kay Lyle eh."WAIT! I'll take the risk once again. Don't you dare hurt me."--

Hindi talaga ako makapaniwala. Parang feeling ko panaginip ko lang yun. I didn't expect that would happen. Lahat ng revelations niya nag-sink-in slowly, ayaw pa maabsorb nung umpisa.

Nakahiga na ko't lahat sa kama, pero naiisip ko lang siya, sila.

Buti na lang at Friday ngayon. Wala ng klase kinabukasan.

Mula sa pagkakahiga, umupo na lang ako sa kama. Napaligon naman ako sa side table ko. There I saw the bracelet. Yung friendship bracelet na binigay ni Lyle. Bakit ko nga ba 'to itinapon noon? Does it mean, from the moment I came back here, I still have feelings for him? Ugh. Ang tanga ko lang talaga para hindi malaman yun. Aish. Let me rephrase it. Stupidity strikes me that I even convinced my ownself that I had already moved on when the truth is not. 

Tinitigan ko na lang 'tong bracelet. "Hindi na kita itatapon ha. Ikaw ang magsisilbing reminder sa'kin na we're just only friends. Hindi na hihigit pa dun." I said habang hawak-hawak pa rin ang bracelet.

Bumalik na ulit ako sa paghiga sa kama. I prayed to Him and thanked Him for everything.

I closed my eyes....

And I see that guy.

**

Crap! It's almost 11:00 am na. Grabe. Ang haba naman ng tulog ko. Ang sakit tuloy sa ulo.

Tumayo na ko sa kama. Nagpunta sa banyo para mag-ayos ng sarili. Nakita ko ang reflection ng sarili ko sa salamin.

"Kite! Ano ba namang ka-praningan yun ha?! Wala pa ngang isang araw nang aminin sa'yo yun, siya agad nasa panaginip mo." Eto na po ako, kinakausap ang sarili. Paano ba naman kasi yung panaginip ko. Oo, obviously si Kyle nga yung andun. Pero ang topak lang kasi base sa panaginip ko? I said "Yes" to him daw. OA lang ha. Nagtanong pa nga lang kung pwede manligaw tapos kami na agad. Weirdo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Vacant LotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon