027 - Loser's Luck

Start from the beginning
                                    

One Saturday, magpapasko. Nakatulog ako sa pagbabasa. Ginising ako ng doorbell around seven PM. Sumilip ako sa eye piece. I saw a tall guy na may dalang box at isang paperbag. Hindi ko ito kilala kaya hinayaan ko lang itong mag-doorbell for a while. Pero dahil nakakarindi rin 'yung buzzing sound ng doorbell, binuksan ko nang bahagya ng pinto ko--with chains up, dahil baka ikako nagkakamali lang ito ng unit na pinuntahan.

"Hi!" Paunang pagbati nito. Napaka-cheerful ng dating nito at maliwanag ang mukha.

"H-hi. Are you lost?"

"H-ha?" Tiningala n'ya ang numero ng unit ko. "I don't think so. Unit 703. I'm looking for Summer?"

Napakunot-noo ako, "do I know you?"

Napatawa ito. Lumabas tuloy ang dimple nito sa itaas ng kanang pisngi--sa bandang cheekbone. "Probably not. I'm sorry, my name is Lance...pinapunta ako ni Megan dito. I brought you some stuff from her dahil hindi raw s'ya nakakarating. Nasa cruise kasi silang mag-asawa."

"Stuff? For what?"

Parang nagulat ito sa sinabi ko, "She told me it's your birthday today...mali ba ako ng araw? Tumingin ito sa Rolex watch n'ya na may date, December 11, right?"

Napapikit ako. Slightly in disbelief na nakalimutan ko ang araw birthday ko. "Sandali lang." I left for a few sec para kunin ang phone ko. Bigla ko kasing naalala na paulit-ulit ang pagtunog nito while I was half-asleep awhile ago.

Andami kong missed calls and text messages from family and friends sa probinsya namin sa Mindoro. Kasama na ro'n ang message ni Megan about Lance...and how she apologizes that she's out of town on my special day.

"Halika, tuloy ka." Tinanggal ko ang chain ng pinto. "Pasensya ka na, nag-iingat lang. Delikado na kasi ang panahon ngayon. Megan confirmed you so...here we go." I guided him on my little sofa.

"Oh, that's ok. Mas maganda nga 'yung pag-iingat mo. I can actually stay out if I make you feel uncomfortable."

"If she didn't text...most likely." Napangiti na ako. "Grabe naman ang pang-aabala ni Bes sa 'yo. Pasensya na, bossy talaga 'yun eh."

"Oh no, no. Ako talaga ang nangulit sa kanya to deliver this." Ibinigay n'ya sa akin ang box. Birthday cake pala ito. "Ito naman, from me." Referring to the paperbag na iniaabot n'ya.

"What's this for?" Sinisilip ko ang paperbag pagkakuha ko.

"Gift ko. For your birthday. Happy Birthday!"

Dinukot ko ang laman. It's a KOBO waterproof e-reader.

"Mahilig ka raw magbasa kahit sa bath tub so...'yan ang naisip ko."

Napatulala ako sandali habang tinatanggal ko ang gadget sa box. 'Yun kasi ang first time na nakatanggap ako ng mamahaling regalo mula sa kahit sino. "Ahm, hindi ko matatanggap 'to." Ibinalik ko ang gadget sa box and then 'yung box sa paperbag. Iniabot ko sa kanya ang paperbag.

Sumimangot s'ya. Ayaw n'yang tanggapin ang paperbag na ibinabalik ko, "bakit? Hindi mo ba nagustuhan? I'm sorry, I just assumed. I should have asked you first. Mas gusto mo ba kung tablet? An ipad maybe?"

Napanganga ako sa sinabi n'ya. Who wouldn't want an Ipad? But I said, "no, you don't have to give me anything. C'mon, Lance. This is the very first time we've met. We don't even know each other; we're not even friends..." Ayaw n'ya talagang kunin an paperbag kaya ipinatong ko na ito sa sahig--sa harapan ng kinauupuan n'ya.

Nathimik s'ya; yumuko. Nagulat ako nang bigla na lang n'yang tinakluban ng kanang kamay n'ya ang kanyang mga mata. And then suminghot and trembled a little bit. It's like he's trying too hard not to cry right in front of me. "Ahm," he's shaking a little but as he grabbed the paperbag. Namumula ang mga mata n'ya at umiiwas na ng tingin sa akin. "I'm sorry, Summer ha? Feeling close agad ako. I should've stopped the very time na tumanggi kang maipakilala sa akin ni Tony. I just thought it will make a little difference if I'll exert more effort...h-hoping you'd change your mind. Don't say na hindi kita kilala. Ako ang hindi mo kilala but I already know you. I've heard so much about you and saw your photos from Megan and Tony since last year pa...nasa New Zealand pa ako. O-ok lang naman kung ayaw mo talaga sa akin. I-I won't vex you don't worry. Gusto ko lang talagang mawala 'yung 'what if?' sa isipan ko bago ako sumuko." Tumayo itong nakayuko, sumusulyap-sulyap lang sa akin na tila naiilang, "s-sige, aalis na ako. Happy Birthday na lang sa 'yo. I hope you like the cake. That's from Megs ang Tony pero ako ang pumili. Pasensya na kung hindi mo man magugustuhan. Isumbong mo na lang sa kanila." Natatawa ito; napapakamot. "Sige..b-bye." He made an awkward wave as he walked back to the main door.

Untamed Confessions [R-18]Where stories live. Discover now