"I don't have to ask for permission to do what I want." he said smugly.

I really can't believe this guy. Hanggang saan aabot ang kayabangan niya? Pakiramdam niya yata ay hari siya.

"Yes, I am the king." He smirked.

Inirapan ko siya.

Napansin ko naman ang kabuuan niya. So clean cut pala ang gupit niya. Nakasuot kasi siya palagi ng sombrero kaya tanging mukha at tainga lang niya ang nakikita. Ngunit ang ipinagtataka ko, nakasuot pa rin siya ng mask. Tanging mata, ilong at bibig pa rin ang nakikita sa kanya. Ang suot naman niya ay puting long sleeved button down shirt at itim na pantalon.

"Bakit palagi kang naka-mask? Panget ka ba?"

Tiningnan niya ako na para bang tinatanong kung nahihibang na ba ako. "I can't expose my real face to you."

"You're exposing half of it."

"You always run your mouth just to talk back, don't you?"

Humalukipkip ako at nakipagsukatan sa kanya ng tingin. "Nasaan ba tayo?"

Inirapan niya ako. "We're in my house."

"At bakit mo ako dinala dito?"

"You know, what? For a hostage, you fucking talk too much."

"Dahil may karapatan akong malaman kung nasaan ako!"

"For the second time, we're in my house." He looked sternly at me. "And you're my hostage that's why I brought you here."

Hindi na niya ako hinintay na makapagsalita. Bigla na lang siyang naglaho sa 'king harapan at ang tanging narinig ko lang ay ang pagsarado ng pinto.

Sumubsob ako sa kama habang nakaupo. Itinagilid ko ang aking ulo at bumuntong-hininga.

"Why do I feel like I'm not a hostage at all?"

Nagpalipas ako ng isang oras sa loob ng kwarto bago ko napagdesisyunang lumabas. Ngayong alam ko na hindi gagana ang plano ko, kailangan ko na lang makisama sa kanya. Walang mapapala ang pagtakas ko. Mag-iisip na lang ako ng iba pang plano para makaalis dito.

Paglabas ko ng kwarto, bumungad sa 'kin ang napakahabang hallway. Sa dingding ay may mga nakakabit na paintings. Napalunok ako. Ang creepy. Sobrang tahimik at tanging ilaw na nanggagaling sa wall lamp ang nagbibigay-daan sa 'kin.

"S-snow White?" pagtawag ko sa kanya.

Gaano ba kalaki itong bahay niya at kailangan pa talagang may ganito kahabang hallway. Ni walang ibang kwarto. Puro mga paintings lang ang nasa dingding.

Binilisan ko ang paglalakad dahil habang mas palayo ako nang palayo sa kwarto ay nararamdaman ko ang lamig. I'm sure walang multo dito at kung meron man, hindi naman ako naniniwala hanggat hindi ako nakakakita ng isa–

Napatigil ako sa paglalakad nang makita ang isang babaeng nakaputi at mahabang buhok ang nakalutang sa dulo ng hallway. Nakatayo lang siya doon.

Para akong binuhusan ng malamig ng tubig. Sa kaliwang bahagi ay may daanan. Kapag tumakbo ako patungo do'n, hindi ko na siya makikita. Kapag dumeretso ako, baka kung ano ang gawin niya sa 'kin.

Pero hindi naman nakakapanakit ang multo, ah?

Naalala ko bigla ang mga horror movies na napanood ko noon. Hindi ako natakot do'n pero ngayong nakakakita na talaga ako ng tunay na multo, hindi ko na alam ang gagawin ko.

Nasaan na ba kasi si Snow White?! Bakit may multo dito?!

Huminga ako nang malalim. I need to freaking calm down. Nagpatuloy ako sa paglalakad at napansin kong dahan-dahang lumalapit ang babae. Shit!

Snow White is a ManWhere stories live. Discover now