Prologue

11.1K 260 6
                                    


Mabilis na bumaba si Chandra ng luma niyang kia picanto at lumabas. Pumasok siya sa loob ng police station at lumapit sa front desk.

"I'm Chandra Sandoval and I need to see my sister. Where is she?" Tanong agad niya sa unipormadong pulis na nandoon.

"Nandyan na ho ang kuya niya. Kinakausap pa sila ni Hepe." Sabay turo sa kaniya sa isang cubicle.

Tumango siya. "Thank you." Mabilis siyang lumapit doon. Agad na nakita niya na nakatayo si Chase sa harapan ng desk habang nakatingala dito ang hepe na marahil ay tinutukoy ng pulis.

While Chance, seating across them. "Why the fuck you have to detained my sister here?" Mura ni Chase. Mabilis siyang lumapit kay Chance.

"Ate... " Lumapit siya dito at niyakap ito. Their baby girl is already eighteen. Kadedebut lang nito three days ago. Nasa resort siya kanina nang tumawag ito para sabihing nagkaproblema ito.

"Ssshhh.. Tell me what happened? Wag ka nang umiyak." Pinahid niya ang luha nito. Tatlong taon lang ang agwat nila ni chase kay Chance pero para sa kanila ay baby girl nila ito.

"Fuck!" Sabay silang napatingin kay Chase ng pukpukin nito ang lamesa. "How much the damage? Tell me at babayaran ko!"

Tumayo sila ni Chance at hinawakan sa balikat si Chase. "Lumabas ka na muna. Ako na ang kakausap sa kanila."

Agad itong tumingin sa kanya ng marinig ang boses niya na tila saka lang napansing dumating siya. "You're late. Where have you been?" Salubong na kilay na tanong nito.

"Nasa Resort ako ng sabihin ni Chance ang nangyari---." Nawala sa kanya ang atensyon nito ng muling magsalita ang hepe at kausapin ito.

Bumaling sya kay Chance. "I'm sorry, ate." Sabi nito habang humihikbi.

Mabilis niyang hinaplos ang buhok nito. "Sshh.. Tahan na. Aayusin natin itong problema." Nangako siya sa papa niya at kay Mama Mandie na tutulungan niya si Chase na bantayan si Chance.

After Chance, debut. Nagpasya ang magasawa na magbakasyon sa Spain. Regalo nilang tatlo iyon sa Wedding anniversary nila. And besides, hindi pa sila muli nakakapagbakasyon na sila lang dalawa.

Kaya kanina, nang malaman niya na nakaaksidente si Chance dahil sa pag mamaneho ay napasugod agad siya. Minor de edad pa ito at hindi pa rin nakakakuha ng drivers license dahil hindi gusto ng papa nila na magdrive ito. Lakwatsera si Chance, natatakot ang mga magulang nila na baka kung saan saan lang ito magpunta lalo na kung kasama ang barkada.

She's a very spoiled girl. Na kadalasan ay hindi maiwasang kainggitan niya. She's their papa's princess. Wala siyang karapatan mainggit o magselos dahil tangging kapirasong papel lang naman ang magpapatunay na anak siya ni Xandrei Sandoval. Pero kahit ganoon ay mahal niya si Chance. Kapatid niya ito despite their many differences.

"We'll talk to our lawyer to settle these things. Hindi kami papayag na iwan si Chance dito. She's a minor!" Angil ni Chase sa hepe.

"We are sorry Mr Sandoval. Pero bukod kasi sa public structures na nasira ng kapatid niyo dahil sa reckless driving ay nadamay din ang isang private vehicle na nakapark sa tabi." Napailing nalang siya.

Apat na oras ang nilagi nila sa loob ng station. Sumunod si Chandra sa magkapatid palabas. Dumating ang may ari ng sasakyang nasagasa ni Chance at ang abogado nila. Pansamantalang naayos ang gusot at sa huli ay nakalabas din sila. "Ihatid mo na si Chance sa bahay. Mauna na kayo dahil babalik pa ako sa resort. At pupuntahan ko din si Nanay." Aniya kay Chase.

Tumingin ito sa kanya. "I need a favor, Chan." Tumahimik siya. Seryoso ang mukha nito. Malapit sila ni Chase noong nga bata sila. Pero noong magdalaga at binata na sila ay nakakaramdam na siya ng pagkailang sa tuwing magkasama sila.

"Anong favor?" Tanong niya dito. Nasa loob na ng sasakyan nito si Chance.

Nagpantay ang mga mata nila. "I need you to pretend as my girlfriend."

Doon namilog ang mga mata niya. "Ano?" Gulat na tanong niya. Mabilis siyang umiling. "ayoko!"

"And why not?" Ilang beses na ba siyang nagpanggap sa harapan ng mga kaibigan nito? Para isalba ito sa katotohanang No Girlfriend Since Birth ito. Lalo na 'yung hindi nalalaman ang totoo tungkol sa kanila.

"Dahil magkapatid tayo." simpleng tugon niya.

"There's no wrong in pretending to be my girlfriend. Dahil hindi naman tayo totoong magkapatid."

Bumuga siya ng hangin. Chase always like this. Minsan iniisip nalang niya, hindi lang nito matanggap na legal na silang magkapatid dahil ayaw talaga siya nitong maging kapatid. "Do you hate me that much?" Naitanong niya.

Kumunot ang noo nito. "What the---? Ano bang sinasabi mo?"

Tinignan niya si Chance habang nakasandal sa headrest at nakapikit ang mga mata. For eighteen years na kasama niya ang mga ito. Kahit minsan ay hindi niya naramdamang pamilya ang turing ni Chase sa kanya. He played with her. He sleep with her. Pero hindi niya naramdamang kapatid ang turing nito sa kanya. What she felt was... She's still an outcast. Sampid at nakikisawsaw lang.

Chase was nice since they're both kids. Palagi silang naliligo sa ulan. Naglalaro ng putik sa gitna ng garden ni Tita Mandie. And when Alas visits the house. Kukunin nila ang garden hose at pasisiritan ng tubig si Chase hanggang sa mapikon ito. They are sleeping together. Pagdinalhan sila ni gatas ni Tita Mandie, sabay silang matutulog na magkatabi. Sharing on the same blanket na bigay ng Ama nila.

But then, Chase treat her---differently. "I know that you still don't like me as your sister. You do right?" Aniya. Masaya naman siya ng maging bahagi siya ng pamilya ng mga ito. Kahit pa nga ang totoong pangarap niya noon ay ikasal ang papa at nanay niya. Pero hindi iyon ang nakatakda. Hindi iyon ang nasa tadhana.

Nagsalubong ang kilay nito. "Humihingi lang ako sayo ng pabor kung ano ano na ang sinasabi mo." Masungit na sagot nito.

Ganyan palagi si Chase. Kapag hindi nito gustong sagutin ang isang bagay ay palagi siya nitong susungitan. "Ayoko nang magpanggap na girlfriend mo."

"Chandra." Tumayo siya ng tuwid.

"My decision is final. Go find someone else. Manligaw ka para magkagirlfriend kana. Yung totoo at hindi nagpapanggap lang." The first time that Chase introduced her as his girlfriend ay sa harapan ng mga kaibigan nito na hindi niya madalas makitang bumibisita sa kanila. Then, the second one is Hadley's birthday. Alas Girlfriend. At nandoon si Alas ng ipakilala siya ni Chase sa lahat.

"You're crazy Chandra. Bawal ang relasyon niyo." Alas said habang nasa likuran sila ng buffet malayo sa mga bisita.

Bumulong siya. "Please don't tell this to Papa and Tita Mandie. Ayokong mag isip sila ng kung ano ano." Pakiusap niya.

"Then why? Bakit ka pumatol sa kanya?"

"Dahil nakiusap siya." Lalong nangunot ang noo nito. Kilala niya si Alas. Wala itong nililihim sa ate nito. Kahit 'yung mga ginagawa nila noong Highschool ay nakukwento nito kay Tita Mandie. That's how close he is, pagdating sa kapatid nito.

Kahit ang kauna unahang cutting class nila ni chase ay nasumbong nito dahil lang sa gusto nilang manuod ni Chase ng Live Auction ng mga motorbike sa Mall. "Nagpapanggap lang akong Girlfriend niya. Nakiusap lang siya kaya pumayag ako."

"No." Matigas na tugon nito.

"I'm sorry Chase. Hindi na ako pwedeng sumakay sa larong gusto mo."

Humakbang ito ng isang hakbang. "And why?"

Nagtama ang paningin nila. Tila pumapasok ito sa katawan niya at binabasa ang lahat ng isip at galaw niya. "B-because.. " Nauutal siya paraan ng pagkakatitig nito. "Because I already have a boyfriend. And he is so possessive."






To be continued...

Chase ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon