CHAPTER 1

47.5K 881 29
                                    

  Aimee Joy 

Inis akong nag lakad palabas ng Beckham Hotel, nakakahiya iyong ginawa ni Gail kanina! Ano ba kasing naisip niya at ginawa niya iyon?,

 Inaway niya ang lalaki kanina na wala man lang ginawa sakin for Pete's sake!. Nakakahiya siya. bubuksan ko na sana ang driver seat ng kotse ko pero biglang may humatak sakin.

 "méli! We're not done yet! Kinakausap pa kita!" Inis ko siyang tinignan at dinuro siya sa dibdib niya, 

 "You know how hard it is to be with you?!. Lagi ka nalang ganyan! Kinausap lang ako ng lalaki kanina, ano ba Gail!" Nag tagis ang bagang niya at ginulo ang buhok niya tapos ay bigla nalang akong niyakap. 

 "I'm sorry méli, come on. I-uuwi na kita" Here we go again, lagi nalang kaming ganito. He keeps on calling me méli all this year na mag kasama kami. Pero hindi niya sinasabi sa akin kung anong ibig sabihin ng salitang iyon. 

 Lagi siyang nagagalit sa mga bagay na wala naman akong makita na dapat niyang ikagalit. We're friends for Pete's sake! 

 "Let's go. I'm tired" Sabi ko at humiwalay sa yakap niya. Pumasok ako sa front seat ng kotse dahil siya naman ang mag mamaneho. Nothing to worry about. Nag punta kami sa Beckham Hotel dahil doon ang reception matapos ang kasal nila Shaina at Dr. Dutch which is ang may ari ng hospital, at kaibigan ako ni Shiana kaya Invited ako, ako din ang gumawa ng wedding dress ni Shaina. Wala man lang siyang alam kanina na ikakasal na pala ang bruha. 

 "Deretso sa condo mo? or sa office mo?" Biglang tanong ni Gail, naisip ko naman na gabi na pala kaya uuwi nalang ako sa condo. 

 "Sa condo, mag de-design pa ako eh" Sagot ko pero nasa labas ng bintana ang paningin ko, ayaw ko tumingin kay Gail at baka mahalikan ko lang siya dahil sa pagka-bipolar biya. 

 "Bukas ka nalang mag design, matulog ka ng maaga ngayon. Huwag ka ng umangal" Sinamaan ko siya ng tingin at inambahan na babatokan ko siya pero binawi ko agad ang kamay ko dahil bumaling siya sakin bigla. 

 "Next time méli, huwag ka ng makipag-usap sa lalaking hindi mo kilala" Sumama ang tingin ko sa kanya dahil sa sinabi niya, 

 "Anong hindi kilala? for Pete's sake Gail, he's a harmless man kaya hindi naman siya dilikado kausapin" Napakamot si Gail sa likod ng tenga niya, at alam ko ang ibig sabihin niyon. Hindi niya ako pina-pakinggan. Yes, ganyan ko kakilala ang lalaking nasa tabi ko ngayon. Ang lalaking isang taon ko ng kaibigan. 

 "You're not listening Gail" Naka-cross arms na tanong ko sa kanya at agad naman siyang natawa ng mahina 

 "I am" depensa niya at kinamot na naman ang likod ng tenga niya. 

 "No you're not" Pag mamatigas ko, hininto ni Gail ang sasakyan sa garahe ng building kung nasaan ang condo unit ko. 

 "Méli, come on. Para maaga kang makatulog" Inis na lumbas ako sa kotse at naunang mag lakad para pindotin ang elevator. Sabay kaming pumasok at saktong pag sarado ng elevator ay hinawakan ni Gail ang kamay ko kaya biglang bumilis ang tibok ng puso ko. God. 

 "Sorry na Méli. Bati na tayo" Hindi ko siya pinansin at pilit na bina-baliwala ang pag bilis ng tibok ng puso ko, sabayan pa ng pagpa-pacute ni Gail sa akin. 

 "Oo na, tumigil ka na diyan" Sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya, hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko kaya hindi ko maiwasang mamula. Phew! 

 "Can we go out for tomorrow?" Kumunot ang noo ko at tinaasan ko siya ng kilay dahil sa tanong niya, 

 "May gagawin akong gown kaya hindi pwede" Nakita kong ngumuso si Gail bago ko nilihis ang tingin ko sa kanya. 

 "Bitiwan mo na ang kamay ko. Nang aaboso ka na eh" Hindi niya binitawan ang kamay ko hanggang sa bumukas na ang elevator kaya hinayaan ko nalang. Sanay naman na ako sa ganito niyang side. 

 "Pupunta nalang ako sa office mo bukas" Napahawak nalang ako sa kakulitan ni Gail at tumigil na kami sa tapat ng unit ko tsaka ko siya hinarap. 

 "Ang kulit mo talaga. Bahala ka sa buhay mo" Pumindot ako ng pass code sa pintl at nag bukas na iyon, nag paalam naman si Gail at umalis na kaya pumasok na din ako sa loob at pabagsak na umupo sa sofa.

 Sa isang taon naming pagkakaibigan ay hindi ko pa rin siya maintindihan. sweet, maalaga, maa-alalahanin pero bigla nalang magagalit. Ipatingin ko na kaya siya sa doctor? Umiling nalang ako sa naisip ko at nahiga na sa sofa, sobrang pagod na pagod ako ngayong araw.  



  Daniel Gail 

Saktong pag labas ko ng kotse ko ay naabotan ko si Nyle na palabas ng bahay niya, 

 "Saan punta mo?" Lumingon si Nyle sa akin at lumapit naman ako sa kanya. 

 "Uuwi akong Alegria, may aasikasohin lang ako tapos babalik akong America para sa business meeting" Tumgo tango ako sa kanya at tinapik siya sa balikat. 

 "Sige. Mag iingat ka. Papasok na ako" Tumango ar ngumiti si Nyle kaya pumasok na ako sa bahay. Hindi pa man ako nakakaupo ay nagulat na akong may lumabas sa kusina ko.  

  "Fuck! Lelantos! Akala ko kung sino na. Ano bang ginagawa mo dito sa bahay ko" Hawak ang Barbie niya at isang bote ng beer ay umupo siya sa sofa at umupo naman ako sa kaharap na upoan. 

 "Boring sa bahay. Pati si Barbie na bored" Napangiwi ako sa sinabi niya, kailan pa nag karoon ng feeling na mabored ang isang manika? Weirdo.

  "Kaya dito ka sa bahay nag iinom? Tsk. Weirdo" Tinaas ko ang paa ko sa mesang nasa pagitan namin at ganoon din ang ginawa niya.  

  "I like her" Nag taas ako ng tingin kay Lelantos ay umuling ako. 

 "Sino ba iyan? Iyong model ba na galing England?" Paninigurado kong tanong sa kanya at tumango naman siya.

 "I heard, she's twenty four year old, and you're near thirty Lelantos. Masyado siyang bata para sayo" Tumangga ng beer si Lelantos at napa-iling siya,  

  "Age is just a number Daniel. I like her but, I don't know how to win her. How to make her mine" Tumayo ako at pumasok sa kusina. Mukhang kailangan ni Lelantos ng karamay sa pag iinom ngayon 

Tiger 6: Daniel Gail Naga (COMPLETED)Where stories live. Discover now